Naguunahan ang kaba at galit sa puso ko habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital. Ito ang pinakaayaw kong mangyari sa lahat. Ang malagay sa panganib ang buhay ng kahit na sinong miyembro ng aking pamilya. At heto ako, nakasakay sa ambulansya habang hawak hawak ang kamay ng aking ina na kinakapos sa paghinga. Natatakot ako at nagagalit sa aking sarili, kung hindi lang kami naging mahirap. Kung naging maginhawa lang sana ang buhay namin ay hindi ito dadanasin ng aking ina."Ma! Kaya mo yan. Nandito lang po ako sa tabi mo. Malalagpasan natin ito Ma! Kapit ka lang." pagpapatibay ng loob ko sa aking ina na ngayon ay nakatingin lang sa akin at hinahabol ang kanyang hininga.
Isang linggo na siyang may matigas na ubo at hindi na ito nadadala sa ordinaryong gamot laban sa ubo. At nang malaman ko sa aking kapatid na si Ethan na nahihirapan na si Mama na huminga ay agad kong iniwan ang trabaho ko sa construction para agad na dalhin si Mama sa ospital. Nagkabangayan pa kami ni Papa dahil wala manlang itong ginawa para dalhin si Mama sa ospital. Ang dahilan niya? Wala daw kaming pera. Oo wala kaming pera pero magagawan ko naman ng paraan yun. Anong klaseng ama ba siya? Minsan naiisip ko kung bakit ko pa naging ama ang isang tulad niya.
"Ez--ra! A--nak.. Na--nahihirapan na.. Na--hihirapan na si Mama." naghihikahos niyang sambit sakin na ikinaluha ko nang tuluyan. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang mama ko nang ganun nalang. Walang pwedeng mangyaring masama sa Mama ko. Siya lang ang nagpapatibay sa aming pamilya. Siya lang ang nagpapatatag sa aming magkakapatid. Kung mawawala siya, hindi ko alam kung anong gagawin.
"Ma.. Huwag niyo pong sabihin yan ha?! Malapit na po tayo sa ospital. Kunting kunti nalang. Kaya niyo yan Mama. Huwag kang susuko." pagapalakas ko ulit ng loob niya.
Unti unti niyang pinipikit ang kanyang mga mata na tila ba sinasabi sakin na hanggang doon nalang siya. Pahina nang pahina narin ang kanyang paghinga. Parang ang lakas ko ay unti unting hinihigop sa sakit na na nararamdaman ko habang nakikita ko ang paghihirap ng aking ina.
"Mama! Please! Kumapit ka Mama. Kumapit ka po Ma!" pahiyaw na sabi ko sa kanya.
Pero kahit anong lakas ng boses ko na sabihin sa kanya na huwag siyang sumuko ay wala na siyang naririnig pa. Tanging luha sa kanyang mga mata ang nakita ko habang unti unti siyang nawalan ng hininga.
Tila ba huminto ang mundo ko sa mga oras na iyon. Para akong hinulugan ng isang malaking tipak ng bato sa aking mga balikat. At tinarakan ng kutsilyo ang aking puso. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang mamasdan ang aking ina na malagutan ng hininga.
"MAAAAAMAAAA!!"
Bumabalik lahat sa aking ala-ala ang mga sandaling napakasaya naming lahat. Ang pagkanta ni Mama habang nagluluto siya ng aming almusal. Ang pangungulit niya sakin kung marami naraw ba akong girlfriend dahil sa aking kagwapohan. Ang pag aalaga niya sakin kapag may sakit ako. Ang mga sandaling salo salo kami sa aming hapag kainan at sinasabon niya ang aking dalawa pang nakababatang kapatid na puro kabulastugan ang inaatupag. Ang pagpapalakas niya ng loob ko kapag meron akong pinagdadaanan. Ang mga sandaling nakangiti lang siya sakin habang kumakaway sakin dahil sa pag alis ko papuntang eskwelahan. Ang masakit na pagpingot niya saking tenga dahil sa napaaway nanaman ako sa mga tambay sa aming kanto.
Lahat ng iyon ay parang plaka na paulit ulit na nag plaplay saking isipin. Impit na iyak ang aking linabas habang yakap yakap ko ang aking inang hindi na humihinga.
Wala na siya. Wala na ang aking inspirasyon na magpursige sa buhay. Nawalan ako ng ilaw. Nawalan ako ng makakapitan.
"Ma--Ma! Please. Huwag mo akong iiwan.."
-----------
Madilim na langit ang sumalubong samin habang hinahatid si Mama sa kanyang huling hantungan. Hindi ko alam kung paano ako kumikilos pero ang puso at isip ko ay nakatuon lamang sa mga ala ala na iniwan sakin ni Mama. Para akong nawala narin ng gana sa buhay. Nakatingin lang ako sa kanyang kabaong na inilalagay na sa kanyang pantsyon. Ito na ang huli kong pagkakataon na makikita si Mama.
BINABASA MO ANG
Ezrael (BxB)
Fiction généraleMahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangarap lamang. At dumating nga si Robert Figueroa sa buhay niya isang gabi at binago nito lahat ng nalala...