Agad na tumalikod sakin ang lalaking nakabanggaan ko na ubod ng yabang. Oo nga't mayaman siya, gwapo siya. Pero wala siyang karapatan na maging mapangmata sa ibang tao. Ganun nga siguro ang mayayaman, kadalasan matapobre. Kaunti lang ang marunong magpakita na pagmamalasakit sa kapwa nila.Umiling nalang ako habang patuloy kong tinatahak ang daanan papuntang main building. Nakita ko naman si Boss Jeric, ang foreman namin. Siya ang namamahala saming mga workers ng Carkos Construction. Medyo may edad narin si Boss Jeric pero sa apat na taon kong pagseserbisyo sa Carkos ay wala akong naging problema sa kanya.
Napansin niya ang pagdating ko at agad na kinumpas amg kamay na lumapit ako sa kanyang kinatatayuan. Kausap niya siguro ang isang Civil Engineer. Isa sa mga pangarap kong gawin sa buhay. Ang maging kilalang enhinyero. Pero hanggang pangarap nalang siguro yun ngayon. Wala na akong panahon pa para sa pag aaral. Biente kwatro na ako at nakakahiya nang pumasok pang muli sa kolehiyo sa unang pagkakataon.
Nang makalapit na ako sa kanya ng tuluyan ay isang malapad na ngiti ang ginawad niya sakin.
"Boss, sabi ni Dindo may kailangan daw po kayo sakin?" magiliw kong tanong sa kanya. Tumango lang siya at sinagot ang tanong ko.
"Ah-- Ano kasi, mamayang gabi pa dadating si Mr. Figueroa. Ang may ari ng tinatayo nating building. Gusto kong may tumao dito mamaya dahil sa gusto niyang may madatnan siyang galing sa Carkos. Ako sana ang maghihintay dito mamayang gabi pero hindi ako pwede dahil may importanteng lalakarin kami ni Misis.
Malaki ang tiwala ko sa'yo Ezra, kaya ikaw ang itotoka ko mamaya. Sasamahan ka ni Oka at Dindo para mapanatag ang loob ko na walang masamang mangyayari sa'yo."
Napatango nalang ako. Hindi ko pa naranasan ang manatili sa construction site buong magdamag, pero sana nga ay maagang dumating ang sinasabi niyang Mr. Figueroa para makauwi din ako ng maaga. Hanggang maari ay ayaw kong hindi nakakauwi sa bahay dahil nag aalala ako kay Papa at kay Ethan. Gusto ko gabi gabi akong nasa bahay upang mabantayan ko silang dalawa.
Pero wala akong choice sa pagkakataon na ito. Kailangan kong sundin si Boss Jeric dahil minsan lang naman siyang humingi ng pabor sakin.
"Sige po Boss, ako na pong bahala na maghintay kay Mr. Figueroa." tugon ko nalang sa kanya at ikinatango niya bago tumalikod.
"Sinabihan ko na si Dindo at Oka na samahan ka mamaya. Sige, pwede ka nang bumalik sa trabaho." pagpapaalam niya sakin at umalis na ng tuluyan sa aking harapan.
Pabalik na ako sa annex building nang mamataan ko nanaman ang hambog na lalaking nakabanggaan ko kanina. Naglalakad siya papunta sa mga nakaparadang sasakyan sa may parking area. Tinungo niya ang isang magarang pulang kotse. Nakakasilaw ang kintab nito na tila ba bagong bili lang. Napasulyap pa siya sa aking kinatatayuan at kumindat pa sakin. Napalukot nalang ang aking noo.Bakla ba siya? Bakit bigla nalang niya akong kinindatan?
At sabay na ngumiti at pumasok sa kanyang sasakyan. Nakatayo parin ako at hindi muna naglakad dahil sinundan ko ng tingin ang kanyang sasakyan. Lokong lalaki, kung makatingin sakin kaninang nagkabunggoan kami ay halos patayin na niya ako sa galit, tapos ngayon ngayon lang kikindatan naman ako na parang wala lang nangyari? Ano kayang nahithit nun? Napakamot nalang ako sa ulo ko. Mga mayayaman nga naman.
--------
"Oh! Ayan na ah! Sasahod ka na.. Manglibre ka ng toma mamaya!" bulyaw sakin ni Tristan, kasamahan ko. Inaabot kasi sakin ni Along ang aking sahod sa aming "paluwagan".
"Kahit kailan talaga itong si Tristan, puro toma nalang ang inaautupag. Nagtratrabaho tayo dito sa construction para mapakain natin ang mga pamilya natin, hindi para magkaron ng pambili ng inuming nakakalasing." saway naman ni Oka kay Tristan.
BINABASA MO ANG
Ezrael (BxB)
Fiction généraleMahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangarap lamang. At dumating nga si Robert Figueroa sa buhay niya isang gabi at binago nito lahat ng nalala...