Umuwi na rin si Zero nung umalis si Xena. Pumunta agad sya sa Royal Vampire Palace para kausapin ang King and Queen. Sila sina Jellal Goddard at Erza Min Scarlet- Goddard.
Binati naman sya ng mga servant.
Pagdating nya sa kwarto ng mga magulang nya nakita nya ang isang matangkad na lalaki na nakayakap sa likod ng isang napakagandang babae. Nakaharap sila sa may bintana.
"Mom, Dad "
Makikita sa magulang ni Zero na mahal na mahal nila ang isa't isa.
Nakikita rin ni Zero ang sarili nya kasama ang babae kanina. Pero bakit hindi si Eritrea ang naisip nya. Napailing na lang sya sa naisip.
Humarap naman ang napakagandang babae. Scarlet ang kulay ng buhok nito at hanggang bewang. Napakabata pa ng itsura nito.
"Leander, anak. Bakit ka nandito? Halika lumapit ka kay Mommy. I miss you Baby."
Napaka sweet ng Mommy ni Zero. Parang baby pa rin ang turing sa kanya. Napapangiti na lang sya.
"Stop it Mom, di na po ako bata. *kiniss sa cheeks*. Dad may sasabihin sana ako." sabi ni Zero habang papalapit sa kanila.
"Tss, Istorbo. Dun tayo sa living room kiddo."
Natawa na lang si Zero dahil sa sinabi ng Dad nya.
"Don't you see we're busy. Minsan na nga lang kami magsama ng Mom mo na kami lang. Tsk" sabi pa ni King Jellal
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You
VampireSi Leander Hero Goddard ay isang vampire. Asawa nya si Eritrea na dating tao na ginawang bampira dahil ginusto nya iyon simula nang malaman nya na nag-eexist pala at totoo ang mga bampira. Namatay si Eritrea dahil may nalaman sya tungkol sa mga masa...