Xena's POV
"T-tama na!"
Pagod na ako at nauubusan na ako ng hininga.
Andito ako sa madilim na gubat.
Hinahabol nila ako, hinahabol ako ng mga bampira at iba pang halimaw.
Gusto nila akong patayin.
Gusto nila akong mawala.
Bakit ba ako napasok dito? Hindi ko na kaya, gusto ko nang umuwi!
Pagkatapos kasi ng seremonya ng kasal namin ni Zero biglang may mga dumating na mga bampira pero sa ibang lugar sila.
Kaaway pala sila ng Royal Vampire Palace.
"Wife!!"
Nakita ko si Zero sa may unahan ko pero medyo malayo pa sya. Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo.
"Z-zero! T-tulungan mo ako!! Tulungan mo ako."
Napahiwalay kasi ako sa kanya.
Tumatakbo pa rin ako kahit hindi ko na talaga kaya.
Konti na lang, konti na lang malapit na ako kay Zero ng biglang may nakita ako sa likuran nya. Patakbo na sana sya sa akin.
Hindi lang isa, marami sila at pinigilan nila si Zero na lumapit sa akin.
Tumigil na ako sa pagtakbo.
"W-wag!! Bitawan nyo sya!! Parang awa nyo na. Zero!!"
Papatayin nila si Zero! Bakit??
Pero hindi nila ako pinakinggan.
Nakita ko, nakita ng mga mata ko si Zero.
"H-hindi... h-hindi. B-bakit nyo g-ginawa yon."
Nanginginig na ako dahil sa pagiyak ko. Napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko. Yung isang bampira, may hawak na espada at nya ang ulo ni Zero.
Bumagsak ang katawan ni Zero.
Patay na si Zero. W-wala na sya. Nanlamig ako at halos di na makagalaw. P-pinatay nila si Zero.
Pero bakit ganun? Naririnig ko pa rin ang boses nya. Pero wala naman akong magawa kundi umiyak. Hindi ko magawang umalis sa kinauupuan ko. Sana mamatay na lang din ako.
"XENA!!! XENA!!!!"
-------------
"Xena!!"
Ang liwanag,
sobrang liwanag.
Tapos may mabigat pa na nakapatong sakin.
Mali.
May nakayakap sa akin.
Si Zero.
"Zero?? Z-zero!"
Nakayakap pala si Zero sa akin habang nakahiga pa ako sa kama. Yinakap ko na lang rin si Zero dahil natatakot pa din ako.
"Are you alright?okay?"
Mahina yung boses nya pero ramdam ko yung pagaalala nya.
Tinulak ko sya ng konti.
" Nanaginip ako. Parang totoo, may humabol daw tap- "

BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You
VampireSi Leander Hero Goddard ay isang vampire. Asawa nya si Eritrea na dating tao na ginawang bampira dahil ginusto nya iyon simula nang malaman nya na nag-eexist pala at totoo ang mga bampira. Namatay si Eritrea dahil may nalaman sya tungkol sa mga masa...