[34] Sorry not Sorry

398 26 4
                                    

Yoongi's POV


Nandito ako sa studio ko nakahilatag sa sofa habang nakatalikod kay Jimin na nangungulit saakin.

"Hyung! Kaseeeee ano" Ano siya ng Ano! Di ko maintindihan tong lalaking toh.

"Jimin umalis ka muna kung ayaw mong mapitik sa noo" pagbabanta ko.

Iniisip ko pa rin yung mga sinabi saakin ni Janella. Yung mga nangyari sa kanya na napapanaginipan niya.

I just want to cry. She feels it. She feels like someone has done a big role in her life na nakalimutan niya.

That guy who confessed to her, that guy who surprised her, that guy who kissed her. That guy whom she forgotten about years ago. That guy...














































That guy was me.



















"Hyung naman! Kasi sorry na. Nasabi ko kina Namjoon Hyung" Inis akong napaupo at pinitik ang noo niya. Wala naman akong problema kung nasabi niya kina Namjoon. Pero si Taehyung. Iniisip ko yung mararamdaman niya.

"Nandoon ba si Taehyung?" tanong ko.

"Mahal mo pa ba kapatid ko?" tumayo ako at napabuntong hininga.

Of course. I love her. Hindi yun nawala. At hindi yun magbabago.


"Ipaglaban mo!" inis niya akong binatukan kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. Napaatras siya at nag-peace sign.


"Hindi niya ako deserve." nag-umpisa akong magtype ng kung ano anong hindi ko rin naman maintindihan ng bumukas ang pinto.


"Min Yoongi, explain" pumasok yung mga myembro at may inilapag na picture sa harap ko. Picture namin ni Janella. Kinuha iyan bago yung debut namen. Sa Busan. Bago siya maaksidente.


Nakapaligid ang limang lalaki saakin. Umirap ako at ipinagpatuloy ang pagta-type ng isarado ni Hoseok ang laptop ko.


"Hyung wag kang maarte. Alam na namin"



"Eh bakit niyo pa ako pinage-explain? Mga ulul lumabas na nga kayo" pagtataboy ko sa kanila.



"I-EXPLAIN MO KUNG BAKIT HINDI MO SIYA IPINAGLABAN HANGGANG SA HULI! KUNG BAKIT HINDI MO SINUBUKANG NAKIPAGLAPIT SA KANYA!" sigaw ni Jungkook kaya napangiwi ako. Bunso namin yan.


"Oh kalma kalma!" -Hoseok


"Ikaw ba nawalan. Chillax lang" -Jimin



"Kasi hindi ko siya deserve. Tapos ang usapan!" mahinahon kong sagot. Nagsilakihan naman ang mga mata nila.



"Bobo! Hindi pwede yun!" -Seokjin



"Tangina hyung! First time kong marindi hah! Hindi pwede yun! Nakalimutan ka niya dahil naaksidente siya! Pwede mo pa siyang i-win back! May chance ka!" -Jungkook




"HYUNG IPAGLABAN MO!" -Namjoon



"HINDI NGA SABE PWEDE EH!" inis akong napatayo at sumigaw na ikinatahimik nila. Mabibigat ang hiningang umupo ulit ako. Hinilot ko ang sentido ko at pinakalma ang sarili ko.

"Bakit hindi pwede?" Basag ni Hoseok sa katahimikan.



"Dahil ako din ang dahilan kung bakit siya na-aksidente" mahina kong sagot pero dahil sa katahimikan ay narinig nilang lahat.


"Hyung sabi ko namang wag mong sisihin ang sarili mo eh!" sigaw ni Jimin. Hindi ako sumagot. Kahit anong sabihin niya hindi ko parin mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari.

"I-kwento mo kasi. Lambanog ka ba? Hindi mo ba kami pinagkakatiwalaan?" tanong ni Seokjin hyung.

"Hindi sa ganon hyung" saad kong nakayuko parin. Ayaw kong makita nila akong mahina. Kasi hindi ako yun. Hindi mahina si Min Yoongi.

"Ayaw ko lang pati kayo madamay sa mga katarantaduhan ko" bulong ko.

"Pero pamilya tayo dito, damay damay na toh Hyung" saad ni Namjoon.

May humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.



"Sinabi niya pupunta siya sa Seoul. Tinext niya ako. Pero may away kami non, dahil sa isang idol na pinagseselosan niya. Naiinis ako dahil nga idol tayo, at normal lang na makipag-interact sa iba. Mas lalo na kung rookies ka. Pero utang na loob! Nagalit siya. Nagpapasundo siya saakin mula Busan pero sinabi ko busy ako, kahit hindi naman kaya nagrenta nalang siya ng taxi. At ayun nga. Habang papuntang Seoul, nabunggo sila ng truck. Malakas ang impact at may tumamang kung ano sa ulo niya at nagka-amnesia" hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakayuko. Tahimik lang sila.





"Kung hindi ko lang pina-iral galit ko noon edi masaya kami ngayon. Hindi siya nadisgrasya. Hindi siya nawalan ng ala-ala. Hindi siya naghirap. Hindi siya na-coma. Kaya wag niyong sabihin na deserve ko siya, na dapat gumawa ako ng paraan para mabalik ko siya saakin, na ipinaglaban ko siya. Kasi ako ang may kasalanan kung bakit nawalan siya ng memorya. Ako ang may kasalanan kung bakit din niya ako nakalimutan. Kaya dapat lang.." humikbi ako kaya niyakap ako ni Hoseok at Jimin.





"Dapat lang na mahirapan ako, na magdusa ako kahit na alam kong mahal ko siya." pagpapatuloy ko. Ang sikip sikip ng dibdib ko pero medyo nabawasan iyon dahil nga naglabas ako ng hinanakit sa kanila. Sa mga kapatid ko.





"Sa tingin mo sasaya siya kung ganito ka Hyung? Sa tingin mo sasaya siya na nagdurusa ka? Hyung mahal ka niya--noon. Pero kung sinubukan mo, edi meron pa rin sanang 'kayo' ngayon" komento ni Namjoon.





"Wala rin naman akong mukhang maihaharap sa kanya kung sakali" sagot ko at pinunasan ang mga luha ko tsaka itinulak sila Jimin at Hoseok.





"Yoongi, siya pa rin ang mahihirapan sa huli. Hindi pa sa ngayon pero in the future. Paano kung mabalik ang mga ala-ala niya? Masasaktan siya kase hindi mo sinabi sa kanya! Masasaktan siya kasi naglihim tayo sa kanya!" sigaw ni Jin hyung.





"Pero--"




"Walang pero pero. Yoongi mahal mo ba talaga siya?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.




"Hyung wag mong iku-kwestyon ang pagmamahal ko sa kanya dahil hindi mo alam ang nangyari!" inis na sambit ko.



"Isang tanong, Isang sagot. MAHAL MO BA SI JANELLA?" sigaw niya at itinulak ako kaya tinulak ko siya pabalik.


"Mahal ko siya"

"Ano?!"

"MAHAL KO SIYA!"

"Hindi ko ramdam"

"WALA KANG KARAPATANG SABIHIN YAN DAHIL HINDI IKAW SI YOONGI!" kinwelyuhan ko siya at inis na pinanggihilan ang polo niya.

"SO MAHAL MO SIYA?"

"MAHAL KO SIYA!"

"MAHAL NA MAHAL?"

"MAHAL NA MAHAL KO SIYA!" naiiyak na sigaw ko. Dahil totoo! Wala siyang karapatang sumbatin ang pagmamahal na iyon!

"LAKASAN MO PA!"

"MAHAL NA MAHAL KO SI JANELA!"


"EDI IPAGLABAN MO! GENIUS KA DIBA?! KUNIN MO ANG SAYO AT IPAGLABAN MO" binitawan ko si Jin hyung sa kwelyo. Niyakap niya ako agad kaya niyakap ko din siya.

"GROUP HUG MGA GUNGGONG!" sigaw ni Hoseok at sumali sila sa yakap.

Sorry Taehyung, but i have to get what's mine. What's really mine. Sorry not sorry.

----

yes naman mahal na mahal. muling ibalik~

charot! malapit na tong magtapos? don't you think? HAHAHAHA

-Rie





she's my manager || m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon