[37] Gwapo

377 20 0
                                    

Janella's POV





"Oh oh, para kang bata wag ka ngang tumakbo" narinig kong sigaw niya pagkapasok na pagkapasok namin sa isang amusement park dito sa Seoul. Tumakbo ako patungo sa kanya ngunit sa kasamaang palad ay natapilok ako kaya bumagsak ako sa dibdib niya. Itinayo naman niya ako kaagad at tinignan kung may galos ako o wala.







"Sabi kasing wag tatakbo eh, kung wala ako edi natumba ka na" nakangiti lang akong nakatitig sa kanya at niyakap siya. This feeling is so rare. I feel so secured whenever i'm with him.







"Ang harot ah" komento niya kaya hinampas ko siya at humiwalay sa yakap.







"Ayaw mo ah" saad ko at tumakbo palayo sa kanya kaya nataranta siya at hinabol ako.







"HOY JAGI JOKE LANG YON!"















"HOY BABAE GISING NA!" napabangon ako ng hampasin ako ni Kuya ng unan kaya hinampas ko siya pabalik.





"Aray! Ano ba yan Janella! Lakas mo ah" saad nito ng nakahawak sa braso niya.







"Bakit ka ba nanghahampas? Panira naman toh ng tulog--"





"Aba putang--- sasama ka sa Disneyland o hinde? Aba maligo ka ng bata ka--"






"SASAMA KA?"






"So akala niyo kayo lang ni Taehyung pwedeng pumunta? Ay hinde! Sasama ako, sasama Bangtan!" masungit na saad nito kaya napairap ako. Akala ko naman.




"Ano pang iniirap irap mo jan? Anong oras na nakabihis na ang lahat ikaw nalang hinihintay mahal kong kapatid" napatingin ako sa kanya. Nakasimpleng T-shirt lang siya at jeans. Naka salamin pa siya at sumbrero. Huwaw.





"Di ka pa kikilos?" oo nga pala. Kumaripas ako ng takbo papunta sa banyo at ginawa na ang lahat ng ginawa.





Nagbihis lang ako ng T-shirt, shorts at sneakers. Nilugay ko ang buhok ko. Ayos na toh. Tatakbo sana ako palabas ng hotel suit ng may humila sa braso ko at hinatak ako pabalik.




"Wag kang tatakbo" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Yoongi. Itim na pantalon, itim na t-shirt, itim na sumbrero, puting sapatos at hawak niya ang denim jacket niya sa kaliwa niyang kamay habang hawak naman ang isa kong braso sa kanan niyang kamay. Napatigil ako.





"Hindi ako multo wag kang makatingin ng ganyan, Jea" saad nito kaya naglakad ako ulit kasama niya. Hawak pa rin niya yung braso ko.





"Nasaan sila?" tanong ko pagkapasok namin sa elevator. Hinawakan niya yung kamay ko.




"Nasa dining. Hindi makakaalis yung mga yon ng hinde naga-agahan" saad nito at tumingin saakin.




"Katatapos mo lang maligo?" tanong nito. Tumango ako



"Hindi ba halata?" tanong ko. Natahimik lang siya.





"Uyy joke lang. Toh naman" saad ko at saktong bumukas ang elevator. Binitawan niya ang kamay ko at nauna na. Napakamot ako ng batok at sumunod nalang. Wirdo talaga.






"Good morning, beautiful" sinalubong ako ng halik ni Taehyung sa noo kaya naghiyawan naman silang lahat. Maliban sa isa.






"Kain na oy para makapunta na" saad ni kuya at pinaupo ako sa tabi niya. Tumabi naman saakin si Tae.




"Oh Hyung, dito ka na. Tapos naman na akong kumain eh" habang naglalagay si Taehyung ng ulam sa plato ko ay tumayo si Kuya at pumalit si Yoongi sa upuan niya.





Nagsimula na akong kumain kasama ng iba pang myembro na hindi pa rin tapos kumain.




"May nakalimutan lang ako sa kwarto, balik din ako. Kain ka lang ah?" nginitian ko si Taehyung at tumayo siya.




"Oi Tete sama ako!" tumakbo si kuya para maabutan niya si Taehyung. Napatingin ako kay Yoongi na tahimik na kumakain. I nudged him kaya napatingin siya saakin.



"Kung galit ka dahil sa nangyar--"




"Uunahan na kita, hindi ako galit" saad nito at pinagpatuloy ang pagkain. I nudge him again.





"Ano?" tanong nito. Napakagat labi ako ng makita ang mukha niya. Gwapo.




"Ang pog-- este ano. May napanaginipan nanaman ako." saad ko. Tinampal ko yung bibig ko. Kung ano anong lumalabas na karumal-dumal dito.



Seryoso siyang napatingin saakin.






"We're back!" napatingin ako kay Taehyung at Kuya. Iwinawagayway niya yung camera niya habang nakangiting nakatingin saakin. I smiled back. He winked. Oh my god.




"Pag-usapan natin yan mamaya." saad ni Yoongi at tumayo. San pupunta yun?

-----




























she's my manager || m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon