Chapter 3

4 0 0
                                        


Angel Abanidez

Hindi ko makalimutan ang ginawa ni Kurty. Hindi pa nga ako makaidlip kahit anong gawin ko. Pati nahohome-sick ako dito sa kwarto na to. Gusto ko na ring mayakap ang kapatid ko ng sobrang higpit,pero alam ko hindi pwedeng mangyari yun dahil may kailangan pa akong gawin

Bumangon ako at nilatag ko sa sahig ang kumot na makapal na ginagamit ko. Binaba ko na rin ang malalambot na unan at inilagay sa uluhan ko. Ang problema anong gagamitin kong kumot eh ang lamig dito may aircon pa,nandun naman sa table yung remote nun pero hindi naman ako marunong gumamit nun eh kaya no choice na ipulupot ko sa katawan ko ang kumot na nilatag ko sa sahig

Sa wakas at naging komportable nako.  Ipinikit ko na ang aking mata para makatulog na. At nakatulog na ko

3rd Person's POV

Nakatulog na nga si Angel sa sahig. Si Kurt naman papunta na ngayon sa kwarto ni Angel para tignan kung natutulog ba ito ng maayos sa kama nito

Kinabig na nya ang pinto at nakita nyang nakahiga si Angel sa kaya kumaripas ito ng takbo pero mahina lang dahil baka magising ito

Pinakatitigan nito ang mukha ng dalaga bago buhatin at ilapag sa kama nito. Mukhang hindi naman ito nagising kaya wala na syang aalalahanin pa

"Your so simple Angel,i think I like you more now."sambit ni Kurty at tsaka hinalikan sa noo ng matagal si Angel. Linayo na nya ang labi nya sa mukha nito at tumalikod at naglakad na palabas sa kwarto

Si Angel ay natutulog lang ng napakahambing at halatang hindi namalayan si Kurty sa tabi nito

Accidental SlaveryWhere stories live. Discover now