Breeya's POV
Bukas, aalis na kami. Bubuuin ko na ang sarili ko, wish me luck guys.Haysss so yun na nga, ngayun ko planong kausapin at makipagkita sa kanya, makikipagusap lang ako. Walang habulan o iyakan.
"Ate! Alis na ko ah" sabi ko kay ate dree, nung dumaan ako sa kusina para uminom ng tubig bago umalis.
"Teka san ka pupunta?" sagot naman ni ate, ay oo nga pala, di ako nagpalam haha(hirap tumawa ng di ka masaya guys)
"Diyan lang ate, sa tabi-tabi" sabi ko sabay takbo papuntang labas.
Alam ko kasing di ako papayagan ni ate hanggat di ko sabihin kung san ako pupunta, kilalang kilala pa man din nya ako, alam nya kung kelan ako nagsisinungaling. Narinig ko pa yung sigaw ni ate na bumalik daw ako sa loob. Di ko na pinansin yun at umalis na. Ngayun, ang kailangan ko nalang gawin ay makipagkita sa kanya.
Tinext ko sya, wala sya sa contacts ko dahil dinelete ko na pero kabisado ko naman number nya, ang baliw no? Idedelete pa kabisado naman pala.
Thaine Singko's POV
*Kita tayo sa dating tambayan*
-sent by 09*********Tama kayo ng iniisip, sya yan. Makikipagkita ba ako? Ewan, pero sige tutal harsh naman ako pagbibigyan kitang masaktan/evil smirk;
(Author: pati ba naman sa sarili napaka pinokyo)
Ang daldal mo author-_-, wag nyo ng pansinin yan.Dali dali akong pumunta sa coffe district, malapit lang naman ito sa bahay ko at bahay nya.
Breeya's POV
Nakarating agad ako sa tambayan, wala pa sya. Umupo muna ako at inantay siya, jusko dami kong naaalala dito...*Flashback*
Pumasok ako sa loob ng CD, teka bat ang dilim???? Jusko po wag naman sana may mumu dito huhu, leshe bat ba kasi ako takot sa mumu???!! Ays lang siguro kasi ako lang naman nakakaalam at si ate at si...🎵🎶Wise men say only fools rush in🎵🎶
Bigla kong narinig na may gitarang tumutugtog at kumakanta, hindi ako pwedeng magkamali! Si Singko to, ay thaine pala dapat hihi
🎵🎶But I can't help falling in love with you🎵🎶
Waaaahhh ganda ng boses nya sheeeettteengg kalabaw, okay organs kalma okay, baka mapaghalataan nya
🎵🎶Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?🎵🎶Papalapit na sya sakin sheeettt, weyt ngayun ko lang na pansin na nagliwanag sa cd haha, tas kasama pala ni singko si ate??? Na may hawak na flowers, baloons at Album na..... weyt COMPLETE SET NG LOVE YOURSELF ALBUMS NG BTS!??!?!?! LAYK WONDER, HER, TEAR, AND ANSWER!?!?!? OHHHH MYYYYGHADDD MAS LALONG NAGWALA ORGANS KO SHEEETTTT...
🎵🎶Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you🎵🎶Nagnining-ning na talaga ang mga mata ko dito! Bukod sa complete concept/set ng albums ehh may isa pang anghel ang nasa harap ko at kinakantahan pa ako
🎵🎶Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you🎵🎶Natapos nang kumanta si Singko, ibinigay ni ate sakin yung hawak nya. Tapos biglang lumuhod si singko....
"Breeya Claire Altamonte ng buhay ko, sa loob ng 1 taon na panliligaw ko, ngayun lang ako naglakas loob na magtanong. Hindi kita minamadali bree, mahal na mahal kita. Simula nung dumating ka sa buhay ko, nagbago ang lahat. Kaya Breeya, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? WILL YOU BE MY GIRL?" Sabi nya, medyo naluha na ako, di ko na alam ang sasabihin ko. Masyado akong emosyonal kaya tumango nalang ako. Bigla syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.
"YES!? YES!? GIRLFRIEND KO NA SIYA!? YES!?" sigaw ni singko, medyo nahiya ako. May pasigaw sigaw pa kasi tong thaine singko na to ehh. Dun ko lang napansin na may mga staff na na pumapalakpak at nachecheer. Niyakap ko na din sya, sa wakas, akalain mo yun, boyfriend ko na ang Mr. Popular ng campus?
*END OF FLASHBACK*Hindi ko napansin na naluha na pala ako, nakakamiss yung mga panahong masaya pa kami, especially ako.
Bigla kong pinunasan yung luha ko ng makita ko syang palapit na sakin. Umupo sya sa harap ko. Magsasalita na sana sya pero naunahan ko sya.
"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa Singko, kailangan natin magusap" sabi ko sa kanya sabay tingin ng diretso sa mata nya. Wala akong emosyon na nakikita dito. Bakit ang dating makukulay na mata nya ay wala na? Ewan ko.
"Its Thaine, Claire, its Thaine. Tungkol saan pa ba ang paguusapan natin? Tapos na tayo diba?" Aray, ang sakit leshe. Di ko alam kung alin ang mas masakit, yung pagtawag nya ba sakin ng Claire sa unang beses o ang sabihin nyang tapos na kami?
"May gusto lang akong malaman, isang tanong isang sagot lang THAINE, minahal mo ba ako?" Sabi ko sa kanya, naiiyak na ako, sabi ko pa man din walang iyakan.
"Hindi" diretsong sagot ni singko. Ansakit, di ko alam magiging reaksyon ko.
"Hindi ako naniniwala, plssss naman singko. Ramdam ko yung pagmamahal mo, wag ka namang magsinungaling" nagulat ako nung kusang lumabas na bibig ko yun, teka naghahabol na ba ako? Oh no pls, please luha wag ngayon.
"Edi kung di ka naniniwala edi hindi, basta ako sinabi ko na" tumayo na sya at akmang aalis na.
"Please, wag mo akong iwan ulit, please singko, magbabago ako kung gusto mo, wag mo lang akong iwan..." tang*na sabi ko hindi ako maghahabol pero bakit umiiyak ako!? Bakit naghahabol ako?!! Hindi nya ako nilingon. Ngayun ko lang din napansin na nakaluhod na ako at hawak ang laylayan ng damit nya.
Nakakatangang isipin na dati sya ang lumuhod dito para mapasagot ako, ngayun naman ako ang lumuhod para hindi nya ako iwan.
"Sinabi ko na diba Claire, hindi kita minahal kaya bitawan mo ako. TAPOS NA TAYO. WAG KANG TANGA" sabi nya tsaka tuluyang umalis. Tang*na bat di ka man lang lumingon sakin Singko!? Baliwala lang ba sayo ang pinagsamahan natin!?
"Singko, tandaan mo to, pagbalik ko dito, makikita mo ang TUNAY NA SINAYANG MO. At sisiguraduhin kong ikaw naman ang maghahabol." Wala na akong nagawa, bumalik na lamang ako sa upuan, umorder, nagpakalma tsaka umuwi. This time, alam ko na ang dapat kong gawin. Magintay ka lang Thaine Singko......
Singko's POV
*Mins. Ago*
Pag-pasok ko sa cd, nakita ko syang nakatulala. Teka umiiyak sya? Ay mali, naluha lang pala. Tapos nakita nya ako kaya naglakad na ako papalapit sa kanya, tsaka nya lang pinunasan ang luha nya...--------------------------------------------
So what can you say about our chapter 3????
I accept comments po and suggestions
Mahal ko po kayo❤❤
YOU ARE READING
Mission 101: Make Him Fall Inlove With Me Again
Jugendliteraturhi! so first time ko po gumawa ng story here in wattpad so sana po suportahan nyo ako, sorry po agad in advance sa magiging typo and wrong grammars... wala pong perpekto😂 i hope you will like it. Welcome to my story "Mission 101: Make him fall inlo...