Breeya's POV
Finally, after 7 years eh nagkita ulit kami. Naalala ko tuloy yung nangyari nung nagpapaalam sya samin ni ate.
//FLASHBACK(7 YEARS AGO)//
Nasa playground kami ngayon nina ate at ni Kentot, nagi-slide lang kaming tatlo at nagtatawanan. Pero bakit ganun? Bakit parang ang sad ni kentot namin kahit tumatawa sya, hmmpp matanong na nga lang.
"Hoy Kentot! Diba sabi mo prinsesa mo kami? Kung ganon inuutusan kita na sabihin samin kung anong problema..." sabi ko sa kanya, natawa sya ng bahagya. "Ay nako breeyang, umaatake nanaman ang pagiging maldita mo" sabi sakin ni kentot, ay nako naiinis na talaga ako. "Parang hindi ka naman nasanay dyan sa twinny ko kentot" sabi ni ate na natatawa din. "Wag ka nga tumawa kung di ka masaya ken" sabi ko sa kanya sabay irap, si ate eh nakita kong nakakunot ang noo at mukhang ngayon lang nagets ang sinabi ko. Napawi naman ang ngiti ni kentot, sabi na eh, may problema tong prinsipeng bakulaw na to.
"Breeya, Dreeya, aalis na ko, iiwan ko na kayo." Sabi samin ni Ken, teka iiwan? "Ano ba kentot! Wag mo nga kaming niloloko, hindi nakakatuwa" sabi ni ate at tuluyan nang naiyak. "A-anong iiwan? San ka ba pupunta kentot?" Pagkasabi ko nyan eh naiyak na din ako, grabi parang kanina lang ang saya saya namin na nagi-slide, tas ngayon iiwan na pala kami ni Ken. "Pupunta kamu sa malayo eh, dun na kami titira, di ko alam kung makakabalik pa ba kami. Pero wag nyo kong kakalimutan ah, kayo lang ang prinsesa ko..." sabi samin ni ken, niyakap nya kaming dalawa ni ate at dun na nagiyakan.
Matapos ang iyakan eh naglaro ulit kami, sinulit na namin kasi mamaya eh aalis na si ken, di na namin sya makikita ulit at makakalaro. Maya maya ay huminto si ken at nakatingin lang sa orasan nya na iron man. "Bakit kentot? May problema?" Tanong namin ni ate habang nakatagilid ang ulo, grabi si ate, kambal talaga kami hihihi. "Kailangan ko na umalis eh..." nilapitan kami ni kentot at hinalikan sa noo. "Ba-bye Princess Dreeya and Princess Breeya, mamimiss ko kayo, wag nyo ko kakalimutan ah" pag kasabi nya nun eh tumakbo na sya paalis, hahabulin sana sya ni ate pero pinigilan ko sya at niyakap. Sabay kaming umiyak habang magkayakap pa din, at kinabukasan di na talaga namin sya nakita.
//END OF FLASHBACK//
"So how's life kentot? We really miss you" sabi ni ate, nasa bahay kami ngayon, bahay namin dito sa Paris. Dito kami tumuloy kasi napagisipan namin na magkwentuhan para makapag catch-up sa mga buhay namin. "Well ayos naman, na miss ko din kayo. Sino ang mag aakala na dito pa tayo sa Paris magkikita, ang akala ko nga eh sa Pilipinas kasi pauwi na ko, maybe sa pasukan" sagot naman sa kanya ni ken. Oh my ghad? Uuwi na sya? At kasabay pa namin hihi, Im so happy, and Im sure na si ate din. "Oh my ghad? Sa pasukan ang uwi mo? Maganda siguro kung sumabay ka samin sa pag uwi" sabi ko naman. "Sure, ayos na ayos sakin." Sabi naman ni ken.
Nag tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin at syempre ang kainan, nalaman ko na sa school na din namin sya mag aaral, and we're both incoming grade 12 student. Sana maging magkaklase kaming tatlo. Andami na naming napagkwentuhan na tatlo, di namin namalayan na gabi na pala, inalok ni ate si ken na dito nalang matulog dahil gabi na pero tumanggi sya, di daw kasi sya nakapagsabi sa bahay nila kaya next time nalang daw. Um-oo kami ni ate at hinatid sya sa gate. Nagpaalam na sya at umuwi na sakay ng kotse nya. Kami naman ni ate eh nag paalam na sa isat isa kasi magkaiba yung kwarto na tutulugan namin. Pag pasok ko sa kwarto eh nagshower agad ako at nahiga. Hmmmm, nakakapagod. Ano kayang magiging ganap bukas? Makapag bar nga, tutal i have ways naman para makapasok kahit 17 palang ako, Oh my ghadddd, Wait for meeee dance floor.
*KINABUKASAN*
Its already 7 pm, and kasalukuyan kaming nagd-dinner ni ate, di na ako nagpaalam sa kanya na pupunta akong bar mamaya kasi alam ko naman na hindi nya ako papayagan kaya tatakas nalang ako HAHAHAH.
YOU ARE READING
Mission 101: Make Him Fall Inlove With Me Again
Novela Juvenilhi! so first time ko po gumawa ng story here in wattpad so sana po suportahan nyo ako, sorry po agad in advance sa magiging typo and wrong grammars... wala pong perpekto😂 i hope you will like it. Welcome to my story "Mission 101: Make him fall inlo...