Breeya Claire's POV
Mamaya, aalis na kami, ibabalik ko na ang tunay na ako. Ang Claire na Badgirl ng Campus, aalisin ko na sa isipan nila ang Claire na ang motto ay "STUDY FIRST", by June 20** Claire the Beautiful Playgirl will be born. Just wait my Payb(Thaine Singko), just wait. Mamahalin mo din ako ULIT, Di ako naniniwala na di mo ko minahal Singko."*knock**knock* Breeya ready ka na? Aalis na tayo after 5 Mins." Sabi ni ate sa likod ng pinto, ay oo nga pala nakalock yung pinto kaya siya kumatok.
Pinagbuksan ko si ate ng pinto, tumingin sya sakin tsaka sinilip ang kwarto ko. Nakita nya yung isa kong cute na maleta na dadalhin, yes tama kayo, isa lang kasi di ako nagdala ng madaming damit, dun nalang ako bibili para new style for the new me...
"Oh isang maleta lang ang dadalhin mo? 2 months tayo dun ahh" tanong nya
"Opo ate, sa Paris na ako bibili ng ibang damit." Sagot ko, nakita ko namang yung pagkunot ng noo nya.
"Teka sa pagkakaalala ko nung huling pumunta tayo sa Paris, inayawan mo lahat ng damit dun kasi di mo sya style, eh bat ngayun dun kana bibili?" tanong nya sakin
"Eh kasi ate, change for the better yun hahahah" sagot ko with assuring smile. " oh sige basta bree make sure that its for the better..." paalala ni ate sakin, sa totoo lang di ko alam kung for the better ba talaga sya.
After namin magusap eh pumunta na sya sa sala, sumunod na din ako kasama ang aking cute na maletang sky blue. Nga pala di ko pa pala nakwekwento sa inyo na tatlo lang ang maid namin tapos 2 driver, tig isa kami ni ate. Onti lang ang kasama namin sa bahay kasi ayaw namin umasa sa mga maid nalang, gusto namin maging independent(kahit di naman talaga). Pero kung ako ang masusunod gusto ko ng maraming maid bwahahha (author: my ghad lumalabas na yung totoong demonyita este breeya) author tigil tigilan mo ko ahh (author: k payn babushh)
Ngayun, papunta na kami sa A&A International Airport. Kung ang iniisip nyo ay Altamonte & Alcantata Airport yan ay tama kayo. May Iisang Airport ang Altamonte at Alcantara, kakatawa no? Magbusiness partner mga magulang namin tapos mag ex kami haha, sayang lang na hindi uso samin ang Arrange marriage. Okay Breeya, stop that fvcking hope. Asa asa ka pa mamamatay ka din naman (Author: aba advance ka din mag isip breeya?) author kanina ka pa ahh (author: k payn babush na talaga)
Pag dating namin sa airport, dederetso na kami sa private plane namin kaya lang biglang nahagip ng mata ko si Singko. Teke di ako pwedeng magkamali sya yun, bakit sya nandito??? Nandito ba sya para pigilan ako? Nandito ba sya para aminin sakin na nagkamali lang sya na hindi nya ako mahal at para humingi ng tawad? Kung hihingi sya ng tawad, mapapatawad ko sya ngayun din. Tanga na kung tanga pero anong magagawa ko? Mahal ko sya eh.
Nakita yata ni ate na tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din sya. Nakikita ko si Singko na papalapit sa kinatatayuan namin ni ate, nung malapit na sya samin lumapit ako sakanya tsaka....
"Thaine, andito ka ba para sabing mahal mo talaga ako? Para pigilan ako sa pag alis? Andito ka ba para humingi ng..."
"Buti at Thaine ang tinawag mo sakin, baka kasi di ako makapagpigil pag singko ang tinawag mo sakin, at pwede ba wag ka nang umasa. Nandito ako para..."
"Babe?!? I miss you, I love you, are you here to sundo your mahal?" Sabi nung isang babae na nanggaling yata sa isa din sa mga private plane. Teka sinong babe? Sandali, si Singko lang ang nagiisang lalaki dito ahh hindi kaya......
NAKITA KONG NIYAKAP NUNG BABAE SI THAINE SINGKO ALTAMONTE!? ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA NITO!?!
Gusto kong sabunutan, ihagis sa ere, ipalapa sa buwaya tong konyong babaeng kulay pink. Jusko po paano ba naman mula ulo hanggang kulay pink sya, tsaka teka wala pa yatang isang buwan nung naghiwalay kami ni Singko ahh tapos MAY BAGO NA SYA AGAD?! HINDI NYA BA ALAM YUNG 3 MONTH RULE tsaka bakit sa dinami dami ng ipapalit nya eh yung mukhang tuko pa?? Okay sumobra na ako actually maganda sya kaya lang kulay pink syang tao haha, pero jusko po ang konyo naman nya.
"Pasensya na Singko, pero kailangan na namin umalis, nagiintay na yung piloto namin" sabi ni ate.
"Sige Dree, bye!" Sagot ni singko sabay lingkis sa kanya nung kulay pink na babae, teka kay ate lang sya nagpaalam? Tapos pinayagan nya si ate na tawagin syang singko?! At hindi galit si ate sa kanya? Although civil nalang ang pakikitungo nila sa isa't isa. Myghad wats hapening in dis world?!
"Sige mauuna na din kami, lets go selene" sabi ni singko, so selene pala pangalan ni pinky girl? pero teka naiinis parin ako ahh gusto kong umiyak, pero di pa oras, kaharap ko pa sya, ayaw ko na mag mukhang mahina sa harap nya.
Kaya ayun sabay kami tumalikod at pumunta na sa kanya kanyang direksyon. Pero may narinig ako na nagpagulo sa isip at damdamin ko, pero di ko nalang din pinansin dahil baka ilusyon ko lang yun.
Papunta na kami ni ate sa plane, may naramdaman ako basa sa mukha ko, pinunasan ko yun at nakita kong luha iyon. Grabe, hindi ko man lang namalayan na naiyak na ko, tang*na mo kasi singko eh, ang sakit.
Sumakay na kami sa private plane, at mas lalong di ko na napigilan yung mga luha ko. Napakatraydor nila, buti nalang di na ko kinulit ni ate, siguro alam nya na kung bakit ako umiiyak. Ang sakit, ipagpapalit na nga lang ako sa babaeng kung magdamit eh kala mo walang ibang kulay sa mundo bukod sa pink. Jusko ako naman eh kahit paborito ko ang sky blue, never akong naging ganon. Pero teka, sino ba sya? Gf sya ni singko? Bat ganon? Andali nya lang akong napalitan, hindi nya ba talaga ako minahal? Antayin mo lang singko, antayin mo ang pagbabalik ko. And wait, selene who? /smirks;
----------------------------------------------
Tapos na ang Chapter 4 natin!? What can you say about that??? Hahahaha support nyo nalang
Tumatanggap po ako ng suggestions and comment
Mahal ko po kayo hahaha chosssSo ayan may bago tayong character and let her introduce herself next chapter...
Stay tuned😂😂 abangan natin ang kanyang pagpapakilala, isa ba syang kaaway o kakampi?? Abangan....😍😍😍
YOU ARE READING
Mission 101: Make Him Fall Inlove With Me Again
Teen Fictionhi! so first time ko po gumawa ng story here in wattpad so sana po suportahan nyo ako, sorry po agad in advance sa magiging typo and wrong grammars... wala pong perpekto😂 i hope you will like it. Welcome to my story "Mission 101: Make him fall inlo...