II

111 4 3
                                    

Gumising ako ng mga nine at kinuha ko kaagad yung phone ko, nakita ko na andami ko nanamang notifications. Araw-araw may mga nagtatanong sakin dun sa trending sa twitter, yung curious cat. Binuksan ko yung account ko doon and as usual palagi nilang tanong "Ate may bf kana po ba?" "Ate taga-saan ka?" "Ang ganda mo, bagay ka sakin" "I like you, pretty girl with bad habits" at kung anu-ano pa pero may isang pumukaw ng mata ko "Don't forget our date later" *wtf* at hindi pa talaga nag-anon ha! balakajan di kita rereplyan baka isipin pa nila boyfriend o kung ano kita at masira pa yung pangalan ko. Inopen ko din yung dm ko ang dami ding messages. Ganyan ba talaga kapag mayaman? kapag kilala yung pamilya? hayyy! Well, ayoko ng ganito, gusto ko rin ng private life. Hindi naman siguro kailangan ng lahat ng nangyayari sa buhay mo dapat alam ng lahat diba. Inopen ko din yung ig ko, sandamakmak din yung notifications lalo na mga comments sa mga posts ko.

Jusko! Is this the life you want for me?

Binaba ko na yung phone ko then dumiretso na ako sa bathroom para maligo at gawin yung mga morning routine ko. After that, I went downstairs and nakita ko lang as usual walang pagbabago yung mga kasambahay namin. Palagi namang wala sila Mommy e, hindi ka pa ba nasanay Gabbi jusko naman! Kailan ka pa ba nila hinintay magising at magpaalam sayo at sinabayan sa breakfast?

"Goodmorning Ma'am Louise!" one of our housemaid greeted me.

"Goodmorning din Manang"  bati ko din habang papunta sa dining table

"Yung Mommy at Daddy niyo nga po pala nakaalis na" may nagbago ba? wala naman ah everyday naman silang ganyan. Kaya it doesn't matter anymore kung wala sila o nandito sila. It's still the same. Nothing changed, nothing will change

"As usual" tinignan ako ni Manang. Ramdam rin siguro niya yung pangungulila ko sa mga magulang ko. Buti pa nga siya e kahit nandito siya sa amin tumatawag pa rin siya everyday sa mga anak niya para kumustahin sila.

"Wait lang Ma'am magluluto po muna ako ng breakfast" sabi ni manang habang papunta siya sa kitchen

"Wag na po Manang, I'll eat outside nalang" pagpigil ko sa kanya. Ayoko na rin kasing kumain nawalan na ako ng ganang kumain dito sa bahay at wala rin naman akong kasabay.

Umakyat na ako at nagbihis. Then I went to my car and umalis na. I texted Kim and Trish pero busy daw sila kaya tinext ko nalang si Juju. Sana hindi siya busy.

iMessage
Juju🌹

10:03 am

Ju are you free today?

Hey Gab! Yeah why?

Let's chill

Now?

Yeah

Ok, I'll see you there.

Okay I'm on my way

Drive safely!

*kapag sinabi naming chill, alam na namin kung saan, isa lang kasi yung pinupuntahan namin kapag nagchichill kami, starbucks.*

I miss her so much! Mahirap kasi schedule niya e. Palagi nalang siyang busy buti nga ngayon pumayag siya. Actually ayaw niya talagang maging artista, ayaw niyang sumunod sa yapak ng pamilya niya pero wala e, ganun talaga wala siyang magagawa. That's their life, that's her life. Hindi na siya makatanggi lalo na ngayon na isa siya sa mga sikat.

Arrange MarriageWhere stories live. Discover now