Chapter 2 : Sneak In

109 8 8
                                    

EICEY's POV

"Wait lang oh! Baka makita ako!" pabulong na sigaw ko sa mga kaibigan ko, itulak ba naman ako! Napalingon ako kay Gwen. Naka-peace ang mga daliri niya. Tsk. Kahit kelan talaga. Nandito kami sa likod ng office may pinto kasi sa likod. Tsk. Bakit pa kasi ako pumayag? Haist.

Nagpatuloy kami sa pagpasok. Dahan-dahan kong binuksan ang office. Yes! We were trying to sneak in the office. Plano naming kunin 'yung mga key answers sa exam. At ako pa talaga ang ginawa 'daw' nilang leader. Leader? Gusto lang nila akong mauna! Nakakainis kasi si Tyler! Ito 'yung binabalak nilang gawin. Chaka talaga si Tyler nuh? Dinamay pa ako sa kalokohan nila.

But...i think worth it naman (._.) Hindi rin kasi ako nag-review para sa exam mamaya. Hindi ko kasi namalayan 'yung oras kagabi, nanonood kasi ako ng videos ng Wanna One <3 Kyaaaah~ Ang gwa-gwapo nila. Hihihi. Napatigil ako sa pag-iisip ng tuluyan na kaming
makapasok sa loob.

Napatingin ako sa kabuuan ng kuwarto. It's clean. Maayos ang pagkakalagay ng bawat dukomento. Uhhh. Medyo nakakatakot 'yung mga figurines like  dragons, tapos may mga pendant, iba't-ibang kulay at isang witch, magandang witch to be exact. At higit sa lahat walang tao. Weird.

"Dalian natin guys, hanapin na natin 'yung mga answer keys" nagmamadaling sabi ni Tyler. Medyo pabebe pagkakasabi niya. Pero sanay na kami.

"I think sa lugar na hindi madaling mahanap nila 'yon tinago" saad naman ni Monique. She comes up with a solution/conclusion easily. Matalino naman talaga siya, binlackmail lang siya ng mga magagaling naming kaibigan. "Gaya ng drawer na may lock, pero kailangan ng susi" patango-tangong sabi nito habang nakahawak sa baba.

"Wah! Oo nga! Ang talino mo talaga Monique!" masayang wika ni Gwen.

"Gwen!" pabulong na sigaw namin. Siya ang pinakamadaldal na nakilala ko. Ang ingay niya! Jusko.

"Gwen! Your so maingay talaga" pagsuway ni Trinity habang nakatingin sa mga kuko niya. Palagi na niya 'yang ginagawa kapag boring daw. Mannerism ata niya.

"Oops! Sorry~" pabulong na sabi ni Gwen.

"Pssshhh" sabay-sabay na sabi namin. Napabusangot na lang siya. Tsk. Childish. Pinagpatuloy na lang namin ang paghahanap. Pumunta ako sa may bandang cabinet. Mga folders ang nakalagay, malay mo nandito. Kinuha ko isa-isa ang mga folders at binuksan. Maya-maya pabulong ulit na sumigaw si Gwen.

"Guys! Wah! Nahanap ko na kung nasa'n!" excited na sabi nito. Napalingon agad kami sa kaniya. Nagkatinginan kami, at pumunta do'n sa sinasabi ni Gwen. Tama nga siya nasa drawer 'yon, nakumpirma lang namin dahil may nakalagay na 'key answers' dito.

"Monique is right. Kailangan na lang natin hanapin ang susi n'yan" saad ko. Nakalock kasi 'yung drawer. Napatango-tango naman sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Naghiwa-hiwalay ulit kami para hanapin ang susi. Habang naghahanap, magpapakilala muna ako.

I'm Eicey Flaire Xearthel Walter. 17 years of age. Next next month na pala ang birthday ko :) 1st year college sa Moonstone university. Medyo badgirl. Medyo lang. Di paaapi, di sumusuko, chos! I have long, black wavy hair with blue highlights in it. Sky blue eyes, but i'm wearing contact lense. Long eyelashes, pointed nose and pinkish kissable lips. Lola nalang ang meron ako. Namatay ang parents ko sa isang car accident. Uhh. Nevermind. 'Wag na nating balikan ang past. And i have one motto in life "Don't make me angry" nakakatakot ako 'pag galit. WAHAHAHA!

Ipapakilala ko naman ang mga kaibigan ko. Tyler Aiden Lee. Ang pinaka-chaka sa lahat ng chaka sa mundo. 18 years old. 1st year college at Moonstone University. One of the girls. Kung gaano ka-manly ang pangalan niya. Gano'n naman siya ka-girly. Yes, he's a gay. He's tall, handsome, at may abs. Sayang ang mukha at abs.

Marami ring nagkakandarapa sa kanya. Pero pinili niya parin maging girl. Nakakapanghinayang talaga. Ba't ba lahat ng gwapo may boyfie? Kidding~ Wala pa yang jowa. Hahaha! Muntik na nga ako magka-crush sa kaniya. Buti na lang nalaman ko na agad na he's a gay. His motto is "Sexy guys are better than sexy girls" oh diba? Haliparot na Tyler.

Gwen Blaire Velasquez. The childish. Minsan sa sobrang kadaldalan niya, nasasabi na niya ang hindi dapat sabihin. She have jet black hair, brown eyes, pointed nose, reddish lips at katangkad ko lang. In short, hindi angkop ang pangangatawan niya, sa gulang niya. Her motto is "Share your blessings!!!" Sabi sa inyo madaldal siya -,-

Stephanie Monique Taylor. The bookworm. Monique ang tawag kapag ka-close mo siya, Stephanie kapag hindi. And as i have said, She comes up with a solution/conclusion easily. Mas maliit si Monique kaysa sa'kin. She have long curly hair with bangs. Pero hindi 'yung masyading kulot. Sa dulo lang ang curly, minsan naiinggit ako do'n sa buhok niya. Ang cute kasi kapag curly sa dulo.

She also have big (not too big) but cute eyes, small but pointed nose and pink lips. Para siyang barbie doll. Pambata ang mukha, pero matured mag-isip. Kaya hindi mo siya maloloko. Hahaha! 'Wag na 'wag mo ring kukunin ang librong binabasa niya or 'wag mo siyang guluhin kapag nagbabasa. Magagalit 'yun ng sobra. May motto nga siya eh. "You can get whatever you want, but not my book bitch"

Trinity Faye Valentine. A bitchy model. Pero kapag naka close mo, unti na lang ang pagka-bitch niya. He always look at her nails whenever it's boring. She have long brown hair, and gray eyes, weird isn't it?

And beacause of that gray eyes, marami siyang nahahatak na kompanya para do'n siya magmodel. She have pointed nose, pink lips and of course she's tall. Maliit lang ang itinangkad niya sa akin. Her motto in life is "Don't mess with us, UGLY" owww. She's a pure bitch when she sees many people around her.

To be Continued

*****

A/N:

Annyeong! Thank you for supporting my story! (♡.♡)

Again! 1000+ words! Wooooo! :>

Don't forget to VOTE, COMMENT, and SHARE! THANKS~ <3

FOLLOW ME ON WATTY PLSSS~ THANK U! :D

ENJOY READING! ♡

~Fairy A.J

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enchanted Academy: The Girl In The Prophecy #SARAWARDS2018Where stories live. Discover now