Chapter 3
-GONZALES' RESIDENCE-
Nakauwi na ako bahay. Yes! Makakatulog na ako nang mahimbing.. Pero feel ko di ako makakatulog. Kasi ginagambala ako ng mga nangyare kanina
*FLASHBACK*
Habang naglilinis ako ng cabinet, may folder na nalaglag sa sahig kasabay ng paglaglag ng ibang papel. Dinampot ko ito isa isa, hanggang isang papel nalang yung natira. Kukuhain ko na yung papel nang may humawak sa kamay ko.
"Ay sorry sorry" sabi ni Andrew sabay ngiti
"Ayos lang.. Sige mag linis na tayo." parang may kilig akong naramdaman haha may crush siguro si Andrew sa akin, erase erase ang kapal mo Amity.
Habang binabalik ko ang mga nakaraan, este ang mga folder ipapatong ko na sana ito pero may nakita akong isang picture ng batang lalaki, its a baby na nakatayo habang hawak nya yung toy nya.
Merong anak si Mrs. Brent?
Blah blah, anung paki ko hahaha. Jusmi ka talaga Amity chismosa talaga
---END OF FLASH BACK---
Pero grabe natatawa pa rin ako kay "J" ang mysterious nya. Naalala ko yung sabi ko sakanya Jroa amp. Let's call him Jroa nalang hehe. Kasi laking pasasalamat ko sakanya dahil baka nagkalagnat na ako ngayon kung hindi dahil sa kanya. Thanks to his umbrella. And thanks to him...
-CLASSROOM-
Haistt. Boring na naman ang araw nito. I was in the middle of fixing my things nung magsalita yung adviser namin, si Mrs. Alfaro.
"Class, malapit na ang Foundation Week natin. Napagdesisyunan nang school natin na lahat ng batch ng HS ay gagawa ng museum."
"Sa Freshmen, gagawa sila ng museum tungkol sa mga animals. Sa Sophomores, tungkol sa Philippine History. Sa Juniors, tungkol sa Greek gods and godesses. How about you guys? Anong plano niyo? And before I forget, isang linggo kayong walang klase para maggawa niyo yung museum niyo. Tutal mahal ko kayo, wala rin kayong klase ngayon para makapag plano kayo. You may now start."
Nagsisimula na kaming magplano nang nagtanong ang class secretary namin.
"Mrs. Alfaro, sino-sino po ba yung mga pupunta sa mga museum ng mga students?"
"Mga Grade School students, Senior High Students, Parents and even outsiders."
"Ma'am, kailangan po ba naming magbenta ng tickets?"
"Of course. Paramihan ng mabebentang tickets. May prize ang Admin dun sa mananalong batch."
"Thank you Ma'am!"
Nagsimula na kaming mag-usap tungkol dun sa museum na gagawin namin.
"Dapat unique, yung unexpected." Sabi nung class president namin. May point siya.
"What if gumawa tayo ng museum ng mga horror creatures?"
"That should be good." Pinaghati-hatian na namin ang mga gagawin. Tutal buong batch nga pala, kasama ko si Annina.
"Hi bes. Excited ka na sigurong gumawa tayong ng mga horror creatures noh?"
"Tss. Manahimik ka nga diyan."
Hindi kasi nakikinig yang si Annina. Kaya ako nalang yung nakikinig para alam ko yung gagawin namin. Sariling sikap..
"So... Kelan tayo magsisimulang gumawa ng horror creatures?" tanong ng treasurer namin sa class.
"Hmm... Siguro next 2 days? Ngayon yung planning. Bukas niyo dadalhin yung mga materials. Ayos ba?" sagot ni president. Uy hindi si Duterte ah! I mean... Yung president sa class. Hakhak.
BINABASA MO ANG
Between His Conscience
RomansaThey say "Always let your conscience be your guide". Meet Amity, isang simple at normal na estudyante. Nakilala nya ang mga lalakeng magpapabago ng kanyang normal na buhay. Hindi niya inakala na magiging ganon ang kahahantungan ng kanyang buhay ka...