02

472 10 2
                                    

Alex

Niyuyugyog ako ni mama para magising. Ughh ang aga aga pa, "okay im up, stop na" tumigil naman si mama at ng malapit na sya sa pintuhan " mag ayos kana alis na tayo malapit nadaw sila" sabi nya at tuluyan ng umalis sa aking kwarto.

"Sila?" Sabi ko at napaisip ako kung sino yun. Naka ligo na ako at lahat pero wala parin akong ka idea idea kung sino yung tinutukoy ni mama.

Dinala ko nung yung gym bag na gagamitin ko para mamaya at yung personal bag ko of course. Medyo mabigat yung bag kasi sabi ni mama 4 days daw kami doon. Pag baba ko ay andun na yung mga "kasama" ata namin at dumeretso na kami sa van. Pag bukas na pagbukas nung van ay nakita ko sya.

Si blaster

"Alex?" Sabi nya nang naka kunot ang noo
"Son kilala mo?" Tanong ng mom nya
"Opo ma pinsan po ni badj" sagot nya
"Ay oo nga pala, alex tabi nalang kayo ni ter"

Tumabi ako sakanya at binigay ko kay mama yung gym bag ko. Napatingin ako sakanya pero nakatingin lang sya sa bintana at naka tulala. Gusto ko syang kausapin pero nahihiya ako.

Maya maya ay nahuli nya akong nakatingin sakanya.

"Tinitignan mo ba ako?" Tanong nya at napalunok ako.
"H-hindi i mean napatingin lang" sabi ko at napatingin nalang din sa bintana.

hay nako alex masyado kasing adik eh yan tuloy nahuli ka.

Syempre awkward nanaman, pero wala na akong magawa edi nag earphones nalang ako at nag patugtog. Grabe naman ang sungit nung pag kakatanong nya sakin kanina, ano bang ginawa ko at ang sungit sungit.

Sabi ni mama na 7 hrs daw ang biyahe kaya matulog tulog nalang daw ako. Ano nanaman ang gagawin ko sa 7 hrs jusko, eh hindi ko nga manlang makausap yung katabi ko.

Kaya chinat ko nalang si rachelle.

To: rachelle
- mamsh kasama ko si blaster. Ang sungit and diko manlang makausap.

From: rachelle
- HAHAHAHA wawa ka mamsh edi antahimik mo nyan.

To: rachelle
- oo pucha nakikinig nalang ako ng music tas naka tingin sa bintana

From: rachelle
- wow ang drama AHHAHA

To: rachelle
- osha mamaya nalang ulit baka maubos data ko

[ seen ]

Chineck ko yung oras 7 pm na at medyo nilalamig na ako, dapat pala hindi na ako nag short ughh nanlalamig na hita ko, wala din pala akong dalang jacket anubayan.

Maya maya ay hinubad ni mr.sungit yung jacket nya and pinatong nya sa hita ko, i am shook tama ba yung nakikita ko?? Hinubad nya pa jacket nya and nilagay sa hita ko. I know ang oa ko pero ikaw kaya yung taong matagal mo nang gusto ginawa yun.

Maya maya ay nag drive thru na lang kami sa mcdo, habang kumakain kami sa sasakyan ay diko mahawakan yung inumin ko ng kinuha nya ito at tinulungan ako.

"Uhm ako nalang thanks" hiya kong sabi "hindi okay lang tyaka mukang hirap ka kumain eh." Sabi nya at tumango nalang ako.

Tinapos ko na agad yung burger at kinuha ko na sa kanya yung inumin ko, "thanks" sabi ko at di na nya ako pinansin.

-----
Nang matutulog na ako ay bigla nalang pumasok sa isip ko yung mga nang yari.
Bat nya kaya ginawa to 🤔 eh kanina lang ang sungit sungit nya tas ngayun para na syang anghel na grabe kung mag ka pake saakin. Penge naman answers huhuhu, ang gulo dika ya????? GUSTO NYA AKO?

Hay nako alex kung ano ano nanaman iniisip mo, syempre di nya ako gusto dahil kahapon nakita mo nga lang sya kagabe na may ka holding hands na babae diba. Hala oo nga pala nakita ko sya kagabe, pero kung may girlfriend sya bat ganun sya umasta kanina.

Baka naman as a friend syempre friend nya si badj malamang. Hay nako nag tatalo nanaman ang utak ko sa kakaisip makatulog na nga.

------
Nagising ako at mukang madaling araw palang, tinignan ko yung phone ko kung anong oras na at 2am palang WHAT!?!? 2 PALANG sana di nalang ako nagising ayoko na kasi magtulala sa kotse ang boring, tinignan ko si mama at tulog narin sila at ang tanging gising nalang ay yung driver, ako, at si blaster? Ata kasi mukang di naman tulog to.

Tulog tulugan pede ahhaha... pero napatingin ako kay blaster at tinignan ko yung kamay nya, nakikita na ang mga ugat nya sa kamay. Ano kaya feeling pag hawak mo kamay nya huhu kasi diba syempre nag gui- guitara sya.

Dumilat ang mga mata nya at nagkatitigan kami, hindi ko parin binibitawan a tingin dahil why not diba ahahhaa minsan lang to blaster silonga si making titig to me hahaha.

"Cute mo" sabi nya sakin at sabay kindat diko maiwasan mag blush sobrang pula ko na mukha nanaman akong kamatis. Nang makita nya ako nag blush ay nag smirk nalang sya at tumingin nalang sa bintana.

Gusto ko syang murahin nakakainis sya matapos nya akong pakiligin gaganunin nya lang ako. Aba mr.silonga panagutan moko.

"Bat gising ka pa?" Tanong nya
"Ah eh nagising lang" sabi ko habang sinusuot ko ang jacket na pinaheram nya.
"Ah" tipid nyang sagot
"Ikaw bat gising ka pa?" Tanong ko
"Nag iisip kasi ako" at napatingin ako sakanya, " ano naman iniisip mo?"
"Marami" pagkatapos nyang sabihin iyon ay pumikit nalamang sya.

Wala na man na akong magawa kasi parang ako at si manong driver nalang ang gising, at inaantok narin ako eh kaya pinikit ko na ang aking mata at nakatulog na.

----

Nagising ako ng gisingin ako ni blaster " alex gising na daw sabi ni tita andito naraw tayo" dinilat ko na ang aking mga mata at inayos ko ang aking hairlalu kasi nakakahiya naman bukha akong bruha diba hahaa.

Bumaba na kami sa kotse at agad akong sinalubong ng malakas na simoy ng hangin at yung mga tunog ng dagat.

---an---

Sorry kung sobrang ikli ng chapter na to promise babawi ako sa next chapter.
Huhu sorry talaga guys nagka problem kasi eh :--( sobrang haba na ng nagawa ko sa chapter na to tas biglang nawala :-( kasi diko na save :--( so ayun balik ulit sa dati, eh timatamad na ako so bukas nalang ulit yung latest update hehe sorry talaga guys.
Sana manlang ma enjoy nyo to :--)

Thank you and enjoy 💞

xoxo

Ako Nalang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon