03

432 11 2
                                    

Alex

Agad naman kaming pumunta sa bahay kubo para daw pagusapan namin kung sino daw sa taas na kwarto at sino daw sa baba since may dalawa naman daw kwarto sa taas and sa baba.

Sabi ni tita na sila nalang daw ni mama mag tabi since antagal na daw nila di nag kita,
At kami nalang daw ni ter sa kwarto sa taas para daw mag 'bonding' daw kami.

Nako tita beri gud yan! I like it HAHAHAROT

Pumasok na kami ni ter sa kwarto para ayusing yung mga damit namin, binuksan naman nya yung aircon kasi mainit talaga pag naka sara para kaming nasa impyerno no.

"Don't look" utos nya kasi mag papalit daw sya ng shirt "as if naman you have abs no" sabi ko sabay talikod para makapag palit na sya, "oh shut up" sabi nya at humarap na ako kasi tapos naman na sya.

Pagkahiga ko ay biglang may kumatok sa kwarto at bumukas ang pinto..

si tita pala.

"Palit na kayo para makapag beach na tayo habang wala pa masyadong tao"

At paktapos sabihin nibtita yun ay nag punta na ako ng cr para mag palit.

Sinuot ko na yung 2 piece ko, bat ba beach nga daw eh ahahha.

Nag sando ako at nag denim shorts para ihuhubad ko nalang damit ko doon.

Pag labas ko ng pinto naka lean si ter sa pader, ang hot nya pag naka ganun tas naka titig pa sya jusko lord mag kaka sala na ata ako neto.

Bumaba na kami sa cabin at nag punta na kami kung nasaan sila mama at tita,
" alex akin na phone mo picturan ko kayo ni ter ang ganda ng view oh"sabi ni tita at binigay ko naman phone ko kasi why not diba.

"1...
2.....
3"

Napansin kong naka akbay pala sakin si ter huhu ang inet HAHAHA nako isa pang pakilig hahalikan na talaga kita!!

Maya-maya ay naka upo na kami sa buhangin at napansin kong ang ganda ng lighting
Kaya "ter picturan mo naman ako pang profile lang haha ganda kasi ng lighting oh plsss" pilit kong sabi sa kanya at "akin na nga phone mo" sabi nya at binigay ko naman na ito para picturan na nya ako.

Matapos kami mag picture ay pinalitan ko na profile ko sa facebook kasi antagal na nun no.

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko

Blaster Silonga commented on your photo
Blaster Silonga reacted on your photo

Wow nag comment na nga nag react pa ng heart, iba!! AHHAHAHA

Comment: credits po
Me: ctto: Blaster Silonga

nilagyan ko naman ng credits kasi baka di na ako picturan neto.

"Ano pa inaantay nyo pasko punta na kayo dun mag tampisaw na kayo!" Sabi ni tita samin.

At pumunta na nga kami ang nag tampisaw.

-------
Ilang araw ng lumipas...

Nakahiga lang kami sa kwarto namin.

Halos magkasama na kami araw araw at parang nagiging partner in crime ko na sya,
Kahit sa sobrang ikiling panahon.

"Alex gusto kita maging friend forever" sabi ni ter at natulala ako

Ansakit naman nun 'friend forever' oy grabe wag kanaman ganyan asang asa na nga ako eh.

"ako din" tipid kong sagot sakanya at tumalikod na lamanag ako at nag taklob ng kumot kasi malamig narin at naluha naman ako.

Kung alam mo lang ter kung gano na ako nahuhulog sayo, pucha naman asang asa na ako sayo tas biglang ganon? Masakit kasi umaasa ako sayo kahit alam kong may girlfriend ka, nagmumukha na akong tanga araw araw dahil sayo, di pa ba sapat yun?

Ang hirap umasa sa wala ter, mahirap ipag siksikan ang sarili mo sa alam mong masikip na. Ano pa bang kailangan kong gawin para maging mutual din ang nararamdaman natin sa isat isa

Ano pa ba?

At dahil dyan dahan dahang napapikit ang mga mata ko......

Alex gusto kita maging friend forever

At nagising ako dahil narinig ko sa panaginip ko ang boses nya habang sinasabe nya ang mga salitang binitawan nya kanina.

Paupo palang ako sa kama ko ng bumukas ang pinto.

"Gising ka na pala, kain na daw tayo sabi ni mama pinapsundo ka lang dito." Sabi nya at sabay na nga kaming bumaba papunta sa kainan dito sa resort.

Pag dating namin doon ay tapos na sila kumain, luh di nag iintay gutom ata hahaha.

"Oh tapus na kami kayo na bahala dyan, tagal nyu eh." Sabi ni tita at umalis na sila ni mama, at iniwan kaming dalawa ni ter magisa.

Umupo na ako at nilagyan agad ni ter ng kanin at ulam ang plato ko, wow  caring ano nakain mo.

"Thank you, di mo naman kailangan gawin to" sabi ko

"Welcome, eh gusto ko naman eh, Dali kain na." Sabi nya naman

Nag smile lang ako pero deep inside tumatalon na organs ko.

Nag kukukwentuhan at nag tatawanan lang naman kaming dalawa ng alukin nya ako.

" gusto mo ng burger na basa?" Tanong nya

"Burger na basa?" Sabi ko sabay tawa ko

" ano gusto mo ba?" Tanong nya ulit

"Oo pero mas gusto kita" sabi ko sabay "joke"

"Tsk" sabi nya at nag nag order na sya nung burger na basa na sinasabe nya hahaha

.....
Habang kinakain namin yung burger ay tumutunog ang phone niya at may tumatawag.

Trish is calling...

Sino si trish?
Kaibigan nya ba?
Girlfriend nya???
Ano ang gulo kasi 😢

Girlfriend or friend

"Wait lang kailangan ko talaga sagutin to eh" sabi nya at umalis agad.

Biglang nag bago yung mood ko, "kailangan kailangan amputa pwede mo naman kasi sabihin na tumatawag kasi jowa mo pota" sabi ko sa sarili ko.

Ang hirap naman mag selos pag walang karapatan.

Maya maya ay wala parin si ter at may lumapit sakin..

"No label o kayo?" Sabi nung bakla na lumapit sakin

Napansin kong bakla sya dahil sa boses nya and sa pananamit nya.

"Complicated mamsh" sabi ko

Tumabi sya sakin at tinapik tapik ang likod ko.

"Hirap nyan mamsh pogi panaman ni kuya guy" sabi nya

"Call me maxy and i can be your gay friend HAHAHA" sabi namin at sabay kaming tumawa.

"Alex" sabi ko kay maxy

Kinuha namin number ng isat isa para mag text kasi para naman may kaibigan na ako dito.

Ng paalis na si maxy ay dumating na si ter.

"Sorry natagalan" sabi nito

"Okay lang" sabi ko at tumayo na kami para pumunta ulit sa cabin.

At doon napansin nyang nag iba ang tono ng boses ko, para bang sobrang lungkot ko, Eh totoo naman eh.

-------a/n-------

hi guys thank you por reading 💞 medyo mahaba naman diba like i said babawi aku

Btw, naguguluhan na ba kayo sa nararamdaman ni ter? Gusto nyo na ba ng pov nya?

Comment lang kayo kung gusto nyo na kasi maganda gamda ang mga mang yayari mga mamshies.

update ako bukas!!

xoxo





Ako Nalang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon