SP#2 Simbahan

136 0 0
                                    

Sapat bang dahilan ang mga salitang "Akoy may pagkukulang sayo"?
Para saktan at ipagpalit mo?
Oo!
Oo, tamang di nga ako perpekto.
Pero hindi bat, hindi ko rin naman dapat maranasan to!

Nagkulang nga ba ako? o ikaw lang ang siyang hindi nakuntento?
Akala ko sayo'y wala ng makakapang-aakit
Dahil ako sayong braso ay nakakapit
Niyakap pa kita ng mahigpit
Pero nagkamali ako!
Nagkamali ako ng akoy naging kalmado.
Dahil mula sa malayo,
Nag-ngingitian pala kayo!
Ikaw at ang bespren ko.

Huli na
Huli na ng malaman ko to!
Hulog na hulog na ako sayo!
Sayo ko na inilaan any matamis kong Oo
Dahil nag-iipon pa tayo
Para matupad any kasal na ipinangako mo.
Nagsilbi kang kandila sa daan kong madilim
Sabi ko nga, isa kang kandila,
Dahil nung nasa bandang gitna
ikaw ay naupos at nawala
At mag-isa ako ng makarating
Mundo ko na binigyang kulay no
Na sa bandang huli ay winasak mo!

Sa harap mo, nanatili akong nakangiti
Di ko ipinakita ang aking pighati.
At mga paghikbi sa tuwing sasapit ang gabi
Palaging tinatanong ang aking sarili
Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali?

Tayo pa, pero parang hindi na
Lumalaban pa ako pero ikaw Hindi na
Naging bulag ako, kahit lahat ay kitang-kita ko.
Naging bingi ako, kahit rinig ko ang pay "I love you" mo sa telepono gayong magkasama naman tayo.
Sa madaling salita, Naging tanga ako.

Ang tanga ko para ipaglaban
ang taong niloko ako ng harapan
Pero tama nga, na ang lahat may hangganan
Pinahid ko ang mga luha
Kailangang bitawan na kita
Upang makaahon sa kumunoy na ikaw ang may gawa

Tinawagan kita at sinabing magkita tayong dalawa.
Sa harap ng simbahan, ang ating tagpuan
Tagpuan nung tayoy nagsisimula pa lamang.
Sa simbahan kung saan mo ako unang niligawan.
At kung saan mo ako pinangakuan ng magandang kasalan.
Mahal ko, naaalala mo pa ba?

Nauna ka
Nauna ka sa ating tagpuan,
Akoy napaisip naman.
Sabik ka kayang akoy muling masilayan?
Gumuhit ang isang malaking ngiti sa aking mga labi.
Nakalabas ang iyong mapuputing ipin at bakas sayong singkit na mga mata ang labis na saya.
Pero teka!
Bat magkasama kayong dalawa?
Para akong sinampal ng katotohanan.
Ang sakit!
Ang sakit-sakit kayat akoy pumikit
Upang luha na pilit kumakawala ay mapigilan.

Lumapit ako sa inyo.
At mukang naistorbo ko kayo.
Tinignan ko ang kabuuan niyo.
Magkahawak ang inyong mga kamay.
Kamay mo nga naman! ganyang-ganyan ka rin sakin noon.
At sa kaniya naman ngayon!

Tayo pa, pero iiwan na kita,
Ay sandali,
Parang may mali
Oo nga pala, ako ang iniwan mong mag-isa.
Kaytagal ko tong pinag-isipan
Ngayon sasabihin na ang napagpasyahan.
"Maghiwalay na tayo" yan ang sabi ko.
Nakakagulat
Nakakagulat ang paghalakhak mo.
Hinalikan mo ang bespren ko sa harapan ko mismo.
"Eto lang naman pagkukulang mo" sabi mo

Tila nabingaw ata ako!
Sa mga salitang binitiwan mo.
Saksi ang simbahan ng maging ikaw at ako
Pero ngayon sa harap rin nito, Nagtapos ang salitang tayo.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now