Patawad, Salamat, Pwede pa ba? o Tama na (Dedicated to A💓)

17 0 0
                                    

Hindi ko alam kung pano ko ito sisimulan
Lalo na at alam kong ako ang may kasalanan
Kung bakit nauwi sa hiwalayan
Ang dating matamis na pagmamahalan.

Patawad, Salamat, Pwede pa ba? O tama na
Hindi ko alam kung alin jan
Ang salitang dapat bitawan
Akoy nag-a-alin-langan

Baka ako ay iyong ipagtabuyan
O di kaya'y sumbatan
Kung bakit di kita ipinaglaban
Dahil ako mismo, Hindi ko alam ang kasagutan

Patawad,
Kung nasaktan kita
Kung wala ako sa tabi mo
Nung kailangan mo ako.
Patawad.

Salamat,
Dahil tinulungan mo ako
Na makalimutan ang nakaraan KO
Salamat, higit sa lahat,
Dahil minahal mo ako ng totoo

Pwede pa ba?
Na ako na lang ulit?
Na tayo na lang ulit?
Na ibalik ang dati?
Mahal pa kasi kita,
Sandali,
Wala na pala akong karapatan
Na pilitin kang ako ay balikan
Dahil sa simula pa lang ng tula
Ako nga pala ang may kasalanan

Tama na,
Huli sa pamimilian
Dahil ayoko sanang ito ang bitawan
Dahil ayoko pang tuldukan
Ang pag-asang baka pwede pa.
Pero tingin ko,
Ito ang dapat na piliin ko.
Para hindi na kita masaktan pa.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now