SP #1 Dahil Sayo

26 1 0
                                    

Naging mabilis ang pangyayari,
Pangyayari na maituturing kong isang masalimuot na ala-ala
Ala-ala na lamang sapagkat ang Tayo ay tapos na
Tapos na dahil hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya na ako na lang lagi!
Lagi akong naghihintay.
Naghihintay, nagbabakasakali,
Nagbabakasakali na maisip mo.
Maisip mo na may isang ako.
May isang ako na naghihintay ng mga mensahe mo.
Gamit ba ako?
Para gawing pampainit mo
Sa tuwing nanlalamig ang pakiramdam mo?
Hindi!
Hindi mo naisip! Hindi mo naisip!
Na tao din ako!
Tao din ako na nasasaktan sa mga kagaguhan mo!
Kagaguhan mo, dahil puro sarili ang inintindi mo!

Kay daming tanong na pilit hinahanapan ng kasagutan
Kasagutan sa dinami rami ng masamang tao sa mundo
Bakit ako?
Bakit ako pa ang sinaktan ng ganito?
Pusong durog ay nag pira-piraso, Dahil sayo.
Dahil sa mga sinabi mo, umasa ako
Dahil sa mga ala-ala mo, nahihirapan ako.
Dahil sa mga pangako mo, nakahawak pa din ako
Dahil sayo!
Dahil sayo, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now