Kababata
Ito yung araw na makikita ko ulit si badjao, nakakaexcite na nakakaba.
Hindi ako ready.
Nasa tapat ako ngayon ng isang bar kung saan may gig daw ang IV OF SPADES, banda nila badjao.
Drummer nga pala yung childhood bestfriend ko and let me tell you something.Simula nung nagkahiwalay kami hindi ko na siya muling nakita, kaya ito ako ngayon niyaya nyang kumain. Nakakakilig no? Pero walang ganon.
Kakain lang walang nakakilig na mangyayari–
Napatigil ako bigla sa pagiisip ng may kumalabit sa likod ko.
"Punyeta mars nasa harap na yung ivos nandiyan ka paren!" Hinila ako agad ng bestfriend ko sa harap ng magsimulang tumugtog ang sentimental.
"Teka naman."
Buong kanta ng sentimental wala akong ginawa kundi magheadbang at tumingin kay badjao, the way he play the drums, it's kinda-
Nope no way. Binago ko agad ang nasa isip ko at mas lumapit pa sa stage na tinutungtungan nila.
"Mars!" Tawag ng bestfriend ko.
"Ano ba naman yan sobrang lakas, sobrang galing nila tumugtog! Ang lupet! Petmalu" Nakakahiya man sabihin pero bestfriend ko talaga to e.
Hindi ko namalayan na tapos na palang tumugtog yung apat, apat.
Kaya tumakbo ako agad papalapit sakanila, palapit ako ng palapit sakanila ng bigla akong madapa.
Tangina.
"Ano ba naman yan, clumsy paren hanggang ngayon. Tumayo ka nga diyan" Ng marinig ko ang boses nito biglang nagtayuan balahibo ko, bigla akong pinawisan.
Tumayo ako agad at inayos ang damit ko.
"Nice to see you again, (Y/N)" Aniya nito.
"Nice to see you again, jao." Ngumiti ako pero agad ko namang iniwas ang tingin ko sa hiya.
Nakatayo lang kami sa gitna habang ako ito, nakatitig sa sahig. Sobrang nakakatunaw ang tingin nito kaya naman kahit hindi mo kita na nakatingin sya mararamdaman mo parin.
Ilang beses ng may bumungo at tumapak sa paa ko para makipagkamay lang kay badjao, minsan dadaan lang pero madalas fan talaga nila.
"Magtititigan nalang ba tayo dito?"
Napatingin ako dito at umiling.
Kung pwede nga lang e, i thought.
"Ano?" Tanong nito.
"Sabi ko, halika na ho nakakahiya namang paghintayin ka" Umirap ako.
Bigla naman akong kinurot nito sa may gilid ng kilikili ko at tumawa. "Ang arte arte mo, kala mo ang ganda ganda" Nauna ko dito maglakad at hindi nalang ito inimik.
"Pikon" Tawag nito.
"Hoy pikon!" Humarap ako dito na nakakunot ang noo at nagdabog papunta sa kaniya.
"Akala mo kase hindi napipikon yung mga tao! Kala mo ang gwapo gwapo mo rin hindi ka nakakatuwa pumunta nga ko dito para–" Tumawa ito agad ng malakas at hinila ako papasok sa loob ng kwarto.
Oy punyeta yung mars ko, san ako dadalhin nito.
"Badjao! Sino yan?"
Tumingin ako sa paligid ko at hinanap yung nagsabi non, kaso tatlo sila.
BINABASA MO ANG
IV OF SPADES IMAGINES
FanficIto ay pawang kathang-isip lamang, parang kasama mo talaga sila, pero hindi. :(