Page 26

133 5 0
                                    

Page 26

Nonsense

*****

* Zia *

Malaking adjustment ang ginawa ko. From just a simple errand girl ay naging office girl na ako. Gumagawa pa rin ng mga errand pero hindi na ganoon kahirap at karami.

Maghapon akong nakaupo hindi tulad noon, lakad dito, lakad roon.

Iyon nga lang para akong alien.

Isolated ako sa mga ka-department.

Walang gustong kumausap sa akin. Walang nagtatangka na lumapit sa akin. Para akong may nakakahawang sakit na hindi ko alam. Maliban pa roon, hindi maka-isang beses kundi maraming pagkakataon na nahuhuli ko ang ilan sa mga ka department ko na parang ako iyong pinag uusapan. Nagiging paranoid na talaga ako.

Buntong hininga.

Lagi tuloy akong excited na umuwi. I mean, dati okay lang sa akin na mag-OT hanggang matapos ang work ko pero ngayon, pagtuntong pa lang ng oras ng uwian, nakaayos na ang gamit ko at handa na akong umuwi. Parang laging gusto kong hilahin ang oras para makauwi na ako.

Hindi ko gusto ang feeling na ganito.

Buntong hininga.

Napatingin ako sa labas ng malaking glass window na nasa harap ko. Kasalukuyan akong nasa isang bahagi ng office building na hindi masyadong matao at tahimik. Natagpuan ko ang lugar na ito ng minsang mahuli ako sa pag uwi noong nakaraang linggo.

Walang tao.....tahimik.

Bigla lang nabasag iyong katahimikan ng makarinig ako ng malakas na ingay ng tila nahulog na bagay sa likuran ko. Napalingon kaagad ako sa gulat.

Nakita ko agad ang isang babae na aligagang pinupulot ang nagkalat na papel sa sahig.

Kasasabi ko lang na tahimik eh.

Nilapitan ko ito at tinulungan sa ginagawa.

"Sa-salamat. Pa-pasensya na." Anito na nangangatog pang boses.

Kimi akong ngumiti at tinulungan na lamang siya hanggang sa maibalik na namin lahat ng naghulog na papel sa box niyang dala.

"Sa-salamat.. Ms. Sandoval.". Aniya uli.

Tinignan ko ito.   "Kilala mo ako?"

Parang ito naman ang nabigla. "Huh? Ah... Eh...." Namula ito agad. Maputi kasi ito, maputla ang kulay, nakasuot ng makapal at pabilog na salamin, formal na long sleeve office attire na kulay itim. Iyong buhok niya naka-bun pero may ilang takas na buhok sa kanyang noo.

Ngayon ko lang siya nakita ah.

"Ah ano... Sa--sa..... marketing department din ako."

"Oh?" Hindi ko mapigilan ang gulat.

Halah! Saan siya doon? Bakit hindi ko siya nakikita?

"Hi-hindi mo na siguro naalala.... Ah.... O-okay lang."

"Sorry." Ako naman iyong nahiya.   "Sorry hindi ko naalala." 

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon