Page 17

156 7 0
                                    

Page 17

Switched

*****

* Charm *

Ang weird nila.

Bakit ba ganyan sila makatingin?

Kanina habang tini-check ako ng doctor ay parehong nakatitig sa akin itong dalawang lalaki.

Hindi ko naman sila kilala.

Nang makaalis na iyong doctor at assistant nitong nurse ay nanatili sa pwesto nito iyong batang lalaki. Nakatayo sa dulo ng kamang kinalalagyan ko at nakahalukipkip.

Matiim siyang nakatitig sa akin.

Lumabas kasi iyong isang lalaki dahil kinausap ng doctor.

"Bakit?" Tanong ko sa bata.

Napansin ko na katulad ng suot kong patient gown iyong suot nung bata. Kulay pink nga lang iyong kanya.

Pasyente din siya kung ganun?

Aaahh..... I see. Baka sa kabilang room siya at nakiki usisa lang dito sa room ko. Since mukhang ilang araw akong walang malay.

Oo nga noh. Ilang araw ba akong walang malay? Saka....

Napatingin ako sa kaliwang braso ko na naka-cast. Tapos iyong isang paa ko balot na balot din ng gasa.

Parang ang grabe ng nangyari sa akin.

Wait!

Nasaan pala si Lillian?

Umawang ang labi ko para magsalita pero hindi ko naituloy dahil pumasok na iyong isa pang lalaki sa room.

"Sabi ng doctor baka nasa state of shock pa siya." Wika nito saka tinabihan iyong bata.

State of shock? Sino?

"Kailangan pa daw ng pahinga ng ate mo." Anito saka lumapit sa akin at akmang hahawakan ako pero agad akong umiwas.

Gulat naman siyang napatitig sa akin.  "What?"

Matatas ang english niya. Maarte ang pagkakasabi.

Tinaasan ko lang ito ng isang kilay at hindi nakapagsalita.

Hindi ko na maintindihan. Ano bang nangyayari?

"Aayusin ko lang ang unan mo. Tsk. Mukhang hindi ka pa nga talaga okay bakla. Magpahinga ka na lang muna." Anito. Saka itinuloy iyong gagawin.

Iniayos niya ang unan ko para makahiga ako ng komportable.

Bakla?


Ang kapal naman nito para tawagin akong ganun. Hindi naman ako bakla at mas lalong hindi mukhang bakla!

"Sabi ng doctor makakatulog ka uli dahil sa gamot na inilagay nila. You need that para paggising mo naaalala mo na kami ng kapatid mo. Okay?"  Nginitian niya pa ako.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon