Page 15

164 6 0
                                    

Page 15

Sorry

*****

* Charm *

I just can't believe i did that.

Com'on. Ako yung babae at ako pa ang nag confess?

But after that confession i made akala ko magbabago na ang pakitungo sa akin ni Demian. Like maybe he'll give some consideration because of my feelings.

Well. I was wrong. Hindi ko na naman nakikita si Demian anywhere and its driving me crazy! Like. What the hell?

Hindi niya ba gusto iyon? For sure maraming girls ang nagko-confess ng feelings sa kanya. It wasn't a new thing to him. For sure. Definitely.

So.... Bakit ganito siya sa akin?

I can't even reach him on the phone. Laging wala siya sa office. Wala din sa bahay, i mean, sa mansion nila.

Iniiwasan niya ba ako?

Inhale deeply.

No. I can't just sit here and wait. I need to do something.

Marahan akong tumayo. Pagtingin ko sa paligid, napansin ko ang lahat na busy sa kanikanilang ginagawa. Natigilan tuloy ako.

It is still working hours. Hindi ako pwedeng umalis na lang basta.

Na lift na yung suspension ko at gayon din sa atribidang babae na nakaaway ko. Nakasalubong ko nga siya kanina pero hindi ko na pinansin.

Si Miss Vicky naman. Well.... Same pa rin. I guess she's that efficient, hah.

Naupo muli ako.

Haaays. Tsk.

Siguradong hindi naman matutuwa si Demian kapag makita niya ako ngayon. He'll think i skipped work again though ang gusto ko lang naman ay makita siya.

"Pinatatawag ka na Miss Vicky."

Napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa harap ko. Agad din itong umalis.

Tss.

Napangiwi na lang ako. I hate this kind of treatment. Lahat na lang sila ayaw sa akin. Kainis lang.

Tumayo na ako at nagmartsa papunta sa office ni Ma'm Vicky.

Okay. Ano man ang sasabihin niya tatanggapin ko na lang.

Kumatok muna ako sa pinto ng kanyang office bago pumasok. Busy siya sa ginagawa pero agad din namang nag-angat ng tingin ng makapasok ako.

"Good afternoon po Ma'm."

Tumango ito. "Did you finish work?" Pormal niyang tanong.

Tsk. Yun talaga ang tanong.

"Yes po Ma'm. You can look at it."  Naiinis naman ako nito.

"No need. Send it to my email then you can go home."

Kung makautos talaga ---

"Huh?!"    Saka nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya.   "Anong sabi niyo po Ma'm?" 

Bumuntong hininga siya at ipinagsiklop ang dalawang kamay sa ibabaw ng desk.  "You heard me. I don't repeat what i already. President Villarta called and said to let you can go home now."

Napaawang ako ng labi.  

Huh? Si....Demian....?

"After you send the file to my email. You're dismissed Miss Sandoval."

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon