Mel Kenjie's P.O.V.
Sa pagmulat ng aking mata ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang babaeng hinintay ko ng matagal.
Para bang bahagyang tumigil ang oras sa mga pagkakataong ito.
Bahagya akong tumayo para harapin ang babaeng matagal kong hinintay. I see her eyes looking at me but I feel embarrassed because there is no expression on it. Para bang hindi nya ako nakikilala.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya niyakap ko sya.
"Bakit ngayon ka lang?" Pagtatanong ko sa kanya.
Wala akong napakinggan na sagot sa kanya mula sa tanong ko sa halip ay tinapik tapik nya yung likod ko.
"Excuse me, hindi na po ako makahinga" Sabi niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa at deretso akong tumitig sa kanyang mga mata.
"Kumusta ka na?" Bahagya akong ngumiti sa kanya dahil sa tuwang nadarama ko. Natuwa lang ako dahil tinupad nya yung pangako nya na babalik sya. At after all this year, nandito na sya sa harapan ko.
"Ok lang naman, pero magkakilala ba tayo? Ngayon lang kasi kita nakita." Sabi niya.
"Danna ako ito, si Kenjie, Hindi mo ba ako nakikilala?"
"Sorry pero wala akong kilalang Danna, at higit sa lahat hindi ako si Danna" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na sya at akmang aalis na. Ngunit kinapitan ko ang braso nya at muli ko syang iniharap sa akin.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Reklamo nya sa ginawa ko.
"Hindi ba talaga ikaw si Danna?" Muli kong pagtatanong sa kanya. Alam kong ang kaharap ko ngayon ay ang taong matagal ko ng hinihintay, ang taong mahal ko. Mula ulo hanggang paa, si Danna ang nakikita ko sa kanya. Maging sa pagtingin ng kanyang mata sa akin. Ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay yung hindi nya ako matandaan. May amnesia ba sya?
"Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ako si Danna!, Bitawan mo nga ako" Hindi na ako nagpumilit at binitawan na ang kanyang braso.
Nag mamadali syang umalis dahil na rin siguro sa galit sa akin.
Umalis na lamang ako at naglakad lakad pagkatapos ng mga nangyari kanina.
Narinig ko ang pag bell kaya naman pumunta na ako sa sunod kong klase.
Pagkapasok ko sa room ay may ilan ng estudyante ang nakaupo sa kanilang desk at naghahanda na sa pagdating ng aming guro.
Umupo na lamang ako sa pinaka dulo malapit sa gilid ng binatana at tumingin sa kawalan.
" Good morning class" Rinig kong sabi ng aming teacher na bagong dating pa lang. Tumingin ako sa unahan para makita ang kanyang mukha.
"My name is John Azucena, you can call me Teacher John" Pagpapakilala nito. Matangkad sya tapos hindi kalaguan ang buhok ngunit hindi rin naman manipis. He wear eyeglass na ang shape ng lens ay circle. Tapos hindi sya maputi ngunit hindi rin maitim, katamtaman lang.
"I am your teacher in Pre calculus." Dugtong pa nito matapos magpakilala.
Pagkatapos nyang magpakilala ay tumingin na muli ako sa bintana. Wala akong ganang makinig ngayon sa discussion.
Wala pang ilang minuto ay napakinggan ko ang malakas na pagkalampag ng pintuan. Nakita kong pumasok si Knight, Dwight, Harry, at Kim Ezra.
Bakit naman daw kaya late ang mga mokong?
YOU ARE READING
Order of the Destiny
Mystery / ThrillerHighest Rank: #202 in Mysterious Rivalry... Suffer... Letting go... The things need to go through when you undergo to the life of being in love. There is need to sacrifice, to fight for, or just to let go the friendship you've made to win over someo...