Chapter 9

1.7K 43 0
                                    

Raiver's Pov






Nandito na kami ngayon sa mansyon ng mga caglliostro. Isang napakalaking selebrasyon ang nagaganap. Na hindi namin alam kung bakit may ganitong kaganapan. Sa pag kakaalam ko death anniversart ito ng mama nya. Bakit parang iba ang nakikita ko? Kailan pa nag karoon ng death anniversary ng engrande na parang birthday?





"Boss? Ganon ba talaga pag death anniversary?" Tanong ko kay Boss Cody. Kasi nakakapag taka. At first time namin na isama ni boss sa anniversary ng mama nya kaya ngayon ko lang nakita ang ganito sa kanila. Baka ganito nila gunitain ang pag kamatay ng mama nya? Ang impossible naman.







"Just shut up. Its not all about death anniversary idiot." Seryosong sabi nya. Nasa iisang table lang kaming mag kakasama. Kasama din namin si keith na nasa tabi ni Cody. Ang ganda nya talaga.





Sana may mag iwan din ng box at kasing ganda din nya ang laman non. Hay. Gusto ko tuloy ng girlfriend na tulad nya. Yung kahit di masyadong alam ang paligid ay ikaw lang ang susundin nya kasi ikaw ang pag kakatiwalaan nya. Sana makakita din ako nang katulad nya. Hay.





"Get your eyes off, Kins. You don't like the feeling of plucking your eyes out." Sabi ni Boss kaya halos di ako makalingon sa kanya. Pati ba naman yun napansin nya? Ang dami nya naman yatang mata sa paligid.






"S-sorry Boss." Shet! Kahit naman mag kakaibigan kami, pag dating sa mga bakbakan na ganito ay sya pa din ang boss namin. Kaya pag ganitong pangyayari ay boss namin sya. Pero pag nasa labas ay kaibigan namin sya. Kaya sanay na din kami kasi under kami sa organization nya.





"Okay, thank you everyone for coming in this very important day. You guys maybe think that it is death anniversary. But, i just want to make my wife happy in heaven, so, i'm going to fulfill the promise i made and that is today. May i call on, Ms. Chloe Kim. May i call you in stage?" Napatingin na kami sa stage nang mag salita ang daddy ni Cody. Si Mr. David Caglliostro. Ano naman balak nya? Tutuparin ang pangako? Anong pangako?





Nakita naman namin ang babaeng sopistikada ang dating at halata mong mayaman dahil sa itsura. At alam ko na suplada ito. Sure ako na maarte ito. Halata naman sa mukha eh.




Nakangiting nag pakilala ang babae pero wala kaming paki sa kanya. Di naman maganda. Nakamake up lang.



"Ang ganda nya diba?" Bulong ni keith kaya napatingin kami sa kanya. Except kay Boss na sa stage lang ang tingin. Pero alam ko naman na nakikinig. Kasi alam ko naman di interesado yan sa nasa stage.




"Anong maganda dyan? Puro make up lang yan." Sabi ni Shin. Kaya nag tatakang tumingin si keith sa kanya.



"Make up?" Takang tanong nya. Di nya pa pala alam yun. Di na namin tinuro sa kanya kasi di na nya kailangan eh.



"Wala yun keith. Wag mo ng isip yun. Mas maganda ka naman sa kanya eh." Sabi ni Hunter na naging dahilan kung bakit namula ang buong mukha ni keith kaya napangiti nalang din ako.



"Tsk!" Dinig namin bulong ni Boss. Di na kami nag salita katapos non.



"Ok. Let's now welcome my son, Cody Caglliostro. Come to the stage son." Sabi ni Mr. Caglliostro. At alam namin na utos yon dahil na din sa pag sasalita nya. Nakita naman namin na tumayo nga si Cody at pumunta nga sa stage.




"Now. This day, the family Kim and us, Caglliostro will merge. This is an engagement party to these two you couple here. Let's give them around of applause." Sabi ni Mr. David. Sh*t! Di maganda ito.



Nakatingin lang kaming lahat kay Cody kung anong gagawin nya. Pero parang wala lang sa kanya. Sh*t talaga! Anong balak nya? Wala ba syang gagawin?



"Anong meron?" Naiiyak na sabi ni keith. Sh*t isa pa ito. Bakit sya umiiyak? Di naman nya naiintindihan ang nangyayari ah. Hindi nga ba?


"Wag mo ng isipin yun keith. Wala lang yun." Pag papatahan ni Hunter.


"Mag papakasal sila?" Tanong nya na kinagulat namin.



"Paano mo nalaman?" Takang tanong ni Shin. Paano nya malalaman eh konti palang ang natuturo namin. At halos lahat yun ay mga gamit lang.



"H-huh?" Utal na sabi nya. May hindi ba tamang nangyayari dito?



"Tsaka kana mag paliwanag. Hayaan mo si Cody. Alam nya ang ginagawa nya." Sabi ko ng seryoso. Dapat din nyang ipaliwanag yun. Wala kaming nabanggit na ganong salita sa kanya.




"Do you want to say something, iha?" Tanong ni Mr. David kay Chloe kaya napaharap ulit kami sa stage.



"Hmm. Thanks for this. I didn't expect this. Ang alam ko kasi anniversary para kay tita. But if this is what tita wants then i will gladly accept it. Who wouldn't? You have a handsome fiance?" Sabi nya at bahagya pang tumawa. Tawang pang maarte talaga. Wow. Di pa nya expect sa lagay na yan ah?



"Di daw expect pero naka gown? May pupunta ba sa death anniversary ng naka gown?" Inis na bulong ni Shin kaya sumang ayon kami. Eh totoo naman kasi. Di expect pero kung makaporma di pag patay ang suot. Sinong niloloko neto?




"How about you son? Anything to say?" Tanong ng dad nya sa kanya. Kinuha naman nya ang mic at matagal bago sya sumagot. At halos lahat kami nag hihintay ng sasabihin nya. Pero ang lalim ng iniisip nya.



"Thank you for coming in this most precious day for me. But, this is not my mom's want. My mom's wish is me, to live a life with happiness. And this is not happiness. No one is going to engage. No one will get married. You just wasting your time." Sabi ni Cody at umalis sa stage. Nakita ko pa kung paano magalit ang tatay nya na para bang sasabog. At nakita ko din ang masamang tingin nung babae. Tsk. Akala mo naman maganda sya.





"Let's go." Sabi nya at hinila si keith palabas at iniwan kami. Kaya no choice kami kundi ang sumunod sa kanya. Hay. Pumunta kami ng napakaaga. To the point na ginabi kami para dito. Sana nung nag invite ang tatay nya sa bahay ay hindi nalang kami pumunta. Dapat nag stay nalang kami sa sementeryo. Hay. Ano bang binabalak mo Cody.

My Temporary Girlfriend (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon