First

171 2 2
                                    

Noong una tayong nagkita, wala akong naramdaman na kakaiba. Isa ka lang sa mga kaklase ko na hindi ko pa masyadong kilala.

Pangalan mo nga hindi ko matandaan dahil nahihirapan akong makatanda ng pangalan.

Matalino ka, iyon ang napansin ko, dahil sa tuwing may pagsusulit nakukuha mo ang pinaka mataas na marka.

Nakakatuwa dahil noong narinig ko ang boses mo napagkamalan pa kitang bakla.

Nakuha ko pa na ipag tanong kung lalaki ka ba talaga o hindi, may mga nagsabi na parang tagilid ka nga pero hindi nila maitanong sa iyo kasi baka ma offend ka.

Di nagtagal nakilala kita, Bryan pala ang pangalan mo, ang akala ko Ryan, wag kang mag alala dahil medyo malapit naman.

Dahil nga sa magkaklase tayo, nagpasya ako na i-add ka sa facebook at dahil sa interesado ako sa mga ginagawa at pinagkakaabalahan mo, nagawa kung mag stalk sa facebook mo.

Wala namang interesting sa'yo, pero nakita ko na mahilig ka din sa K POP kagaya ko, natuwa ako noon dahil meron tayong pagkakapareho.

Simula noon ginusto ko na maging kaibigan ka, mahirap nga lang dahil medyo mahiyain ako noong mga panahon na iyon.

Minsan nagkakausap tayo tungkol sa KPOP, masaya na ako doon, dahil kahit papaano eh nagkakaroon tayo ng time together.

Second semester na tayo noon, hindi ko kasi kayo kaklase noong first semester dahil huminto ako sa pag aaral sa kadahilanang nagpatayo kami ng bahay.

One time, habang nag me- messenger ako, may biglang lumabas sa screen.

Nag message ka sa akin , ayaw ko pang buksan dahil nagdadalawang isip ako kung ikaw ba talaga ang nag chat sa akin.

Pero bandang huli pinindot ko pa din, sabi mo "pwede bang humingi ng favor?"
Sumagot agad ako na ano, kinakabahan ako dahil first time na nag chat ka sa akin, pinag isipan ko talaga ang mga isasagot ko sa'yo kasi baka hindi mo na ako replayan.

Sabi mo na kung pwede, ipasa ko sa'yo ang mga pic ng itetest natin kinabukasan dahil hindi mo makita ang libro mo, sinunod kita dahil magkaklase tayo at mabait naman ako, yata.

Matapos noon nag thank you ka pa tapos sa dulo may heart, kinilig ako ng konti, kasi na appreciate mo ang effort ko sa pag send sa mga pictures.

Pero nakakalungkot dahil naputol ang pag uusap natin dahil hindi ka na nagreply.

Matapos noon hindi na nasundan ang pag cha chat natin dahil nahihiya ako na mag chat sayo.

Hindi din tayo nag uusap dahil nahihiya ako ng makipag usap sa iyo, natapos ang buong semester na ganoon lang.

Magtatanong ka tungkol sa school works, akp din ganoon, puro pag aaral lang ang pinag uusapan natin, pero okay lang dahil at least nakakausap pa din kita.

Naiinggit ako sa tuwing tumatawa ka kasama ng mga kaibigan mo, biruan kayo palagi, sana one time ako naman ang magpatawa sa'yo.

Noong time na 'yun sinabi ko sa sarili ko na, crush ko na yata kita.


KaklaseWhere stories live. Discover now