Second

70 0 0
                                    

Nagbakasyon ng mga dalawang buwan, nalimutan kita, oo, pero noong nagpasukan, namiss pala kita, yung mga ngiti at tawa mo na nakapagpapangiti sa akin sa tuwing naririnig ko.

Nag kaka-usap na tayo paminsan minsan at nagbibiruan, nagkaroon ako ng pag asa na baka pwede tayo.

Napapansin ko kasi na panay ang titig mo sa akin, di kaya may crush ka na rin sa akin?..

Natutuwa ako na pinapansin mo na ako, naging close ko na din ang mga kaibigan mo, nagkakachat din tayo, puro mga biruan.

Noong mga panahon na 'yun di ko matago ang pagkakilig ko, napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang mga araw na magkasama tayo at nagbibiruan, nagawa ko nga na aminin sa'yo na crush kita.

At alam mo ba ang ginawa mo?..tinakpan mo ng panyo ang buong mukha mo, siguro ay nahihiya ka kasi, nagtapat ako sa'yo.

Pero ang sabi ko, dati 'yun dahil may gusto na akong iba, pero ang totoo niyan, ikaw pa rin talaga, nasabi ko lang iyon dahil ayaw ko na mapahiya ako sa kung ano man ang sasabihin mo.

Simula noon tinago ko na itong nararamdaman ko, pasimple na lamang kung tumingin ako sa'yo, nagkaroon ka din ng mga bagong kaibigan na hindi ko kayang maging close dahil ibang- iba ang ugali nila sa akin.

Araw araw na kayong magkakasama, kayong tatlo, gala dito gala doon, picture dito picture doon, naiinggit ako.

Naisip ko na, kung isa ako sa mga malapit mong kaibigan, magagawa kaya natin na maggala at makapag papicture katulad ng ginagawa niyo?

Nasasaktan ako, palagi akong nag iisip noong mga panahon na'yon, bakit ang saya kapag kasama mo sila, samantalang ako nasasaktan sa isang tabi, nag iisip na sana ako na lang, na dapat ako ang kasama mo pero hindi.

Malabo na yata tayong maging tayo, dahil in the first place yung tayo, ay typographical error lang, kayo pala iyon hindi tayo, bakit ba kasi may kayo pa, pwede naman na tayo na lamang.

Mas lalo akong nasaktan noong nalaman ko na nagkagusto ka na pala sa isa sa dalawa mong bestfriend, maganda naman kasi siya, maporama at mayaman pa, ano ba namang itatapat ko doon?

Hindi ako maporma, hindi maputi at higit sa lahat hindi ako mayaman, magkaibang magkaiba kami kaya siguro hindi mo ako magustuhan.

Pero bakit ka nagkagusto doon sa taong may mahal ng iba?..nahihibang ka na ba? O sadyang mahal mo talaga siya na kahit may mahal syang iba eh ipagpipilitan mo pa rin ang sarli mo?

Martyr ka! Bakit ka nagtapat sa kaniya? Sa tingin mo ba ipagpapalit ka niya sa taong mahal niya. Hindi!

Gustung gusto kong sabihin sa'yo 'yan pero sino ba naman ako? Ni hindi nga kita makausap simula noong nagkagusto ka sa kaniya.

Araw araw sa tuwing nakikita ko kayo, sumasakit 'tong puso ko, ang sakit na parang may nakatusok na patalim na sa tuwing susubukan kung bunutin ay lalong sumasakit.

Ganoon ang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon pero wala eh, mahal mo talaga siya

Sana matauhan ka na, kasi hindi mo alam na may ibang taong nasasaktan sa mga desisyon na ginagawa mo.


KaklaseWhere stories live. Discover now