Fourth

34 0 0
                                    

Nag- away kayo, hindi lang simpleng pag aaway dahil talagang hindi na kayo nagpapansinan.

Narealize mo siguro na wala ka na talagang pag asa sa kaniya, hindi ako natutuwa sa pag
aaway niyo dahil sa tingin ko, medyo nawawala na ang pagkagusto ko sa'yo.

Ibang - iba ka na kasi sa kaklase na nakilala ko noong first year tayo.

Malayo na ang ugali mo ngayon, marahil ay nagbabago talaga ang ugali ng isang tao sa pagdaan ng panahon, pero sana nagbago ka sa paraan na gusto mo, hindi sa paraan ng iba.

Wala ka na kasing sariling desisyon, iyon ang napapansin ko, nakikinig ka kasi sa opinyon ng iba kaya kayo nag away ng taong mahal mo.

Bumalik ka sa mga kaibigan mo na palagi mong kasama noong mga first year pa tayo.

Natutuwa ako sa part na 'yon, pero on the other hand, malungkot, dahil nakikita ko na nasasaktan ka.

Masakit makita na nasasaktan ka pero wala akong magawa dahil hindi ko naman kayang tulungan ka.

Dahil kaklase mo lang ako, iyon lang at wala ng iba.

Nagsisimula ka na ba na mag move on?

Kasi ako, nagsisimula ng kalimutan ka at mag focus na lang sa pag aaral, pero bakit hindi ko magawa?

Ano ba ang meron sa'yo na kahit sabihin ng utak ko na tama na, itong lintik na puso ko ang palaging kontra?

Dahil ba magkaway kayo, kaya bumabalik na naman itong nararamdaman ko?

Aasa na naman ba ulit ako na baka pwede tayo?

Mga isang linggo na ang lumipas pero hindi pa din kayo nagkaka ayos.

Nag message ako na baka
pwedeng magpatulong para sa thesis namin, pumayag ka naman.

Natuwa ako dahil kahit papaano, magkakaroon din tayo ng time together.

Pero baka maging awkward kung tayo lang, kaya isa sa mga kaibigan mo na kaibigan ko din ang palagi nating kasama.

Sa totoo lang nahihiya ako na magpaturo sa'yo dahil alam ko na tinutulungan mo rin ang iba nating mga kaklase.

Gusto ko din kasi na gawin ang thesis namin na ako at mga ka grupo ko lang para matuto kami.

Pero mahirap kasi kaya kinailangan ko ang tulong mo.

Naging masaya ako noong mga panahon na 'yon dahil sa tuwing pagkatapos natin sa paggawa ng thesis lumalabas tayong tatlo para kumain.

Kumakanta din tayo, mahilig ako sa music kaya palagi akong nag e- enjoy sa tuwing kakanta tayo.

Medyo maganda din ang boses  mo, boses babae ka nga eh.

Noong mga panahon na iyon bumabalik na naman ang feelings ko sa'yo pero hindi na tulad ng dati.

Dahil itinatak ko na sa isip ko na, kaibigan mo lang ako, na kaklase mo lang ako.

**********************************************
Hi everyone!!!! I've edited this story kasi ayaw ko pala na tapusin pa. Ewan ko pero may nag uudyok sa akin na ipagpatuloy pa ito...
Sana suportahan niyo...thank you😊😊😊😊














KaklaseWhere stories live. Discover now