Sin Gomez POV
" Oh,Sin sayo tumuro "
Potcha naman! Ba't ako uli? Potcha! pangalawa na 'to eh.
Naglalaro kami ng Spin the bottle at kung kanino iyon tumuro tatanungin kung truth or dare pero paepal mga tropapips ko gusto dare,edi dare nanaman potek okay sana kung sila gagawa pero ako.
"Sin eto na pangalawang dare namin, isintas mo yung sapatos nung babae dun. Ayun oh yung morena,bili!"
Tinignan ko ang babae na tinutukoy nila at kilala ko naman sya pero potcha isisintas ko? isang kahihiyan nanaman para sa isang sin ito pero dahil nga pogi ako edi isintas.
Naglakad ako patungo sa table ng mga babae at nagulat sila nang ako ay lumapit ngunit ang babaeng tinutukoy ng mga tropa ko ay busy sa pagkukuwento sa katabi niya pero para mapabilis ang potchang dare,lumuhod ako at hinawakam ang sintas ng kanyang sapatos at itinali. Nakita ko sa mata ng mga kasama niya ang gulat sa ginawa ko lalo na sa babaeng espasol na 'to. Espasol sa sobrang puti.
" it's just a dare, girls"
Sabi ko na lamang para 'di na sila magisip ng kung ano-ano at bumalik na ako sa table namin.
"Sin, ano crush mo na ba?"
"Tol,bagay kayo shunga"At yun nga nagsimula na silang magkantyawan dahil sa ginawa ko potek. Pero napaisip din ako na ang ganda niya, artistahin ang mukha.
" 'Di ko type yon. Sige na next na bili!"
Naglaro na uli kami at 'di na muli naturo sakin ang bote. Hanggang sa paguwe ko ay nagaasaran pa din sila dahil nga sa ginawa ko kaya ngayon ay iniisip ko pa din ang babaeng 'yon. Nais ko pa naman malaman ang pangalan nun. Sayang eh! Hahaha ganda pa naman nun.
Hanggang sa paggising ko,papasok at ngayon habang nakikinig sa kalbong teacher na to ay iniisip ko kung anong pangalan nung espasol na yon.
" Mr. Gomez! "
"Ay kalbo!"
Ay potcha ka Sin. Anong kalbo ang pinagsasabi mo? Lalaki nanaman ilong niyan ni sir pag nagalit nako nako.
"What did you say,Mr.Gomez? Sino ang kalbo?"
"Ikaw"
'HAHAHAHAHA'
'Gagong sin ampotek hahahaha'Narinig kong mga sabi ng aking mga kaklase. Shunga mo Sin! Pero totoo naman na kalbo yan eh.
"Mr. Sin Gomez! Get out of my class!"
Ayan na nga nagalit na ilong niya. Lagot ka, Sin. Pero ayos din kase walang gana makinig sa isang kalbo na galit ang ilong.
Habang naglalakad ako sa corridor, nakita ko sa may bintana ang isang babae. Si espasol ba yon? Sipag ah nagpupunas. General Cleaning ata nila. Obvious naman eh nashushunga nanaman ako
"Waaaaaah!"
Nakita kong mahuhulog itong si espasol kaya bigla kong sinalo. Nakita kong nakatingin sya sa mata ko kaya tinitigan ko din ang kanyang birheng mukha. Ano bang meron sayo? Lakas ng karisma potcha!
" Ay thankyou,Sin"
Binaba ko si Espasol at gulat ko syang tinignan dahil kilala niya ako. Woah lang.
"Kilala mo ako? Wow"
"Oo naman. Ikaw si Sin Gomez. Ang kasalanan ng kababaihan"
Hmm. Kaya naman pala. Pagtapos nun ay umalis din ako at ngayon ko lang naalala na dapat pala tinanong ko ang pangalan nung espasol non.
Bumalik ako ng room dahil alam kong tapos na ang klase samin mung kalbong yon.
" Hoy tol? Sino kalbo? HAHAHAHA"
Kinginang tanong nitong kaibigan ko. Pinaalala ba naman kung sino ang kalbo syempre sino pa ba? Edi yung Panbo na yun. Pango + kalbo potcha hahaha bagay na bagay yung apelyido niya sa kanya.
Pagkatapos ng aming klase, dumaan muna kami sa pinagtatambayan namin sa School Park at nagjamming pero nakita ko yung pinsan kong babae na kaklase din ni Espasol.
"Uy,singkit!"
Sigaw ko at buti naman narinig niya kaya pumunta sya sa pwesto namin.
"May kantahan ah sali ako. Oh bakit pala,Sin?"
"Ano pala pangalan nung espasol mong kaklase?"
Biglang tumigil naman sa pagtugtog at pagkanta ang mga kaibigan ko dahil alam ko naman na magkakantyawan sila.
"Oh bakit? Si Angel ba?"
Angel? Nice name hmm.
"Aba,tol! Inlove ka na no?"
"Whoooooo inlove na ang kasalanan""Mga gago! Anong inlove? Walang ganon ulok!"
'Di ako naniniwala sa love chuchu na yan. Kadiri lang.
"Wag mo trip-an yon, Sin. Ibang babae 'yon"
Nagulat ako sa pagseryoso ng boses
ng pinsan ko. Hanggang sa paguwe ko ay iniisip ko kung anong kaseng babael si Angel.'Wag si Angel,sin. Wag mong hayaan na maging kasalanan ka niya dahil baka malimutan niya na magmahal muli.'
Bigla ko nalang nasabi sa sarili ko yon hanggang sa maramdaman ko ang pagod at antok.
BINABASA MO ANG
Love At Second Dare
Chick-LitLalaking magmamahal sa taong sinintasan niya ng sapatos dahil lang sa pangalawang utos.