-2

4 1 0
                                    

O aking gusto nasa kabilang room,
Ano ba ang nagawa mo sakin upang ako'y magkaganito?
Na sa t'wing ika'y nakikita utak ko ay nalilito.
Ngunit ngiti sa aking labi ay parang nanalo sa lotto.
Isa ka lamang Angel Patawad.
Pero aking oras ay sa iyo ko ginagawad.
Gusto na nga ba talaga kita?
Kase baka nasasayang lang aking tinta.
Sa pagsulat ng tula para sa iyo,sinta.

----
Goodmorning! Alam kong magtataka ka kung sino ako pero 'wag mo na lamang isipin dahil isa lang akong malaking kasalanan. Ayun nga, makinig ka sa turo ng iyong guro at galingan mo sa iyong gawain. Smile always.

                          - Makasalanang makata

Pagtapos ko 'to sulatin ay hinulog ko sa gilid ng locker niya. Hys, sana magustuhan mo ang aking gawa. Potcha! Nakakabakla na ata ako.

Makalipas ng isang linggo ay saka ko lang kase nalaman ang kanyang pangalan. Nung una 'di nga ako makapaniwala dahil Patawad ang kanyang apelyido. Pero wala eh tinamaan ako kaya ayon may letter na syang natatanggap sakin simula ngayon at meron pa bukas at sa susunod na araw.

"Hoy pre! Anong ginagawa mo jan sa harapan ng locker ng mga babae? Nagnanakaw ka no?"

"Gago! Halika na nga. Andon na ba si Ma'am?"

Sabi ko sa kanya at binatukan sya. Anong nanakawin ko? Napkin? Ulol din 'to eh.

"Oo andon na kaya cutting tayo bili,Pre."

Aba matindi nanaman isang kasalanan uli to sa pagaaral potcha Sin naman pangalan ko.

Nagcutting nga kami kaysa naman pagalitan kami kase late. Habang naglalakad kami papuntang School Park—tambayan namin, ay nakita ko ang isang birhen na espasol. Kumakain sya habang binabasa ang nasa papel. Eto yung bigay ko ah?

"Angel!"

Ay potcha! Tinawag pa ni Reese si Angel. Lumingon naman sya at ngumiti ng pag ka'y tamis potcha Angel lalo kitang nagugustuhan eh.

"Oh Reese? Wala ka bang klase? I mean kayo."

Tumingin si Angel sakin at ngumiti din kaya ako ngumiti at nagpapogi pa.

"Cutting,Angel. Shh lang hahahaha"

"Ganon ba? May tatanong lang sana ako sa inyo kung kilala niyo nagsulat nito"

Sin! Ano na? Baka mahalata yung sulat mo ni Reese.

"Di ko kilala, Gel"

Pagtanggi ko na lamang kahit na kilala ko naman talaga dahil ako ang may gawa non.

"Familiar, Angel eh."

Ay potcha! Reese, kingina ka.

"Pero di ko maalala"

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sabi ni Reese. Kala ko malalaman na kundi anong palusot gagawin ko.

"Ah. Salamat nalang. Ang ganda kase ng tula niya gusto ko makilala kung sino ba ang nasa likod nitong sulat."

Sabi niya habang tinitignan ang papel. Ibig ba sabihin kung malaman niyang ako ang may gawa nun , mabibilib sya?

Naalala ko nanaman ang pagtali ko ng sintas ng sapatos sa kanya kaya ako'y humingi ng pasensya pati si Reese at nagthankyou pa sya dahil sa dare na yon kase daw ay mapapatid sya kung nagkataon.

Habang nagtatagal ang oras ay ganon din ang usapan namin. She looks like an angel when she's laughing. I hope I can see it everytime.

Ngayong araw ang 'di ko malilimutan. Araw na nakausap ko sya. Araw na nakatawanan ko sya at ang araw na parang nawala ang Sin Gomez na makasalanan.

Minsan iniisip ko kung pa'no niya nagawang tumawa ng ganon? Tila ba'y walang problema na iniisip.

Hys,Sin tama na ang kakaisip jan.

Naisipan kong buksan ang Facebook ko upang i-add si Angel. Nagulat nalang ako na makita ang mga photos niya. Isang lalaki , isang lalaki na tinuring kong kapatid pala ang naging ex niya. Ba't di ko ito alam?

Tinignan ko pa ang iba niyang picture at mukhang masaya sila. Bakit kaya sila naghiwalay? Tinignan ko ang mga post niya at nakita ko ang isang post niya na 'Reading again the poem from Makasalanang makata'. Magpakilala na kayaako?kaso issue nanaman ito.

' Angel Patawad accepted your friend request'

"Yes! Yes! Ina-accept niya ako"

Dali dali naman akong bumalik sa kinauupuan ko at tinitigan ang notification ko.

Kung ichat ko kaya sya? Oo tama.

'Hello.'
Angel: Uy hi, Sin!

Shet! Ano na irereply ko? Sabihin ko ba Random chat?

'Pwede ka ba yayain bukas for dinner?'

Masyado kang kaskasero, Sin. Di naman kayo close shunga!

Tumunog ang messenger ko at potcha kinakabahan ako kung ano isasagot niya. Pinikit ko ang mata ko at dahan dahaj dumilat

Angel: Ahm sure.

"Whoo! Thankyouuuuu!"

" Sin! Natutulog ang Atemo! Ano ba ang sinisigaw mo diyan?"

Nakita ko si Mommy na naiinis dahil sa sigaw ko. Eh sa masaya ako potcha.Tuloy tuloy lang ang usapan namin ni Angel at ngayon ay di ako makapamiwala sa nangyare.

'Matulog ka na Sin. Gabi na oh,goodnight.'

Angela,Angela. Paulit ulit kong sabi sa utak ko. Hanggang sa makaramdam ako ng antok at nakatulog.

Love At Second DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon