\\\

41 1 0
                                    

\\\

 { L o n d o n }

Tatlong linggo na din ang nakalipas at nagsisimula ulit kami ng pang Happy Ending namin ni Jongdae. Start anew kuno. 

Wag mo nga ako at linunod ko na ang pride ko na hindi na ako magmamahal ulit. Alam kong nakakalason pero pinilit ko sarili ko. Jokonli. Kusa na lang nagbukas yung nakapadlock kong hearty hearty para sa Kim Jongdae na nagiintay na pagbuksan ko nito.

PWE!

Author ano ba! Ang sobrang cheesy ng pinagsasabi ko. Nakakadiri na. Seryoso ews ewss

{}

Paglabas ko ng pintuan ng bahay  ay nadungaw ko na si Jongdae na nakatayo sa labas ng gate namin. Napangiti naman agad ako.

Araw-araw niya akong sinusundo at hinahataid sa bahay. Di ko alam kung ano trip neto, feel niya siguro pero ayos na din. Hindi naman nawala yung araw-araw niyang pagtext sa akin ng 'Good morning Sunshine' at the same pa rin yung reply ko pero with heart na. ♡♡♡ Hahahaha

"Good morning." Bati ko sa kanya at ngumiti ng matamis. Yes papel. Humarap siya sa akin at bumungad sa akin ang napakaganda niyang ngiti. 

"Ah London! Good morning din! Tara?" 

Naglalakad kami papuntang school at kwento naman siya ng kwento ng kung anu-ano. Ang ganda talaga pakinggan ng tawa niya. Kahit minsan paulit-ulit yung kwento niya, ayos lang sa akin. Hindi kasi nakakasawa pag sa kanya galing.

 {}

"Babaeng tanga, kelan mo sasagutin si Jongdae?" Tanong ni Jelaia. Hmn, kelan nga ba?

Napaisip din tuloy ako sa tanong niya. Kelan London? Kelannn?

"Alam mo Jels, to be very honest, di ko din alam." Seryosong sagot ko sa kanya pero sinuklian niya ako ng batok. "Aray! Ano ba!" 

"Eh kasi naman eh! Mahal mo ba?"

"Ang ano?" Kunwari di ko gets. Hahahaha

"Gaga si Kim Jongdae!" Sigaw niya. Tumango naman ako. "Ano pa hinihintay mo? Lunar eclipse?" 

"Eh kasi naman ehhhh. Hindi rin ako masyado sure." Binatukan niya nanaman ako. "Nakakadalawa ka na!" Binatukan niya ulit ako. "Pangatlo na yun! Isa pa't--" Akmang babatukan niya nanaman ako pero naunahan ko siya. "Gaga ako bida sa storyang ito! Bawal child abuse!"

"Child abuse? Baka Animal Abuse?" Natatawang sabi ni Jelaia. 

London Bridge {Chen ShortStory}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon