\\\\\

24 0 0
                                    

\\\\\

December na at feel na feel mo na talaga ang Christmas vibe. Marami nang nangangarol, mga parol na nakasabit sa mga bahay bahay, mga iba't ibang palamuti at kung anu-ano pang maihahalintulad mo sa Christmas ay makikita mo na.


Andito ako ngayon sa bahay ni Jelaia. Nagpapatulong kasi sa statistics. Akala mo naman eh kung sinong genius ako. Mas alam pa nga ito ni Jongdae sa akin.


"So London.." I hummed as a reply sa kanya. "Ipapatuloy mo ba talaga yung feeding program?"


"Oo nga, kulit neto. Kung ayaw mo sumama ayos lang naman eh." Medyo naiinis kong sagot. Ayaw kong paulit-ulit. Anoba


"Ayaw mo ba na magkasama kayo ni Jongdae sa araw ng pasko at ng birthday mo?"


"Eh sa ayaw niya raw kasi baka mapagod siya dun. Okay lang naman. Kung mapano siya baka sisihin ko pa ang sarili ko."


Totoo naman diba? Kung mapano si Jongdae dahil sa pagtulong niya sa akin dun sa program eh sisisihin ko for sure ang sarili ko. Baka mahilo siya sa dami ng tao. Malamig pa naman niyan at maingay.


"Di mo ba napapansin eh matamlay si Jongdae pag ang topic ay tungkol sa birthday mo?"


Teka nasabi ko na bang ang birthday ko ay on Christmas day? Well, ngayon OO na so oke. Edi waaaaw.


Pero maiba tayo.. OO nga noh? Or baka nata-timing-an lang?


"Pero bakit naman?" Tanong ko pa. Medyo manhid din ako minsan. Ano bang paki mo. Isubsob kita sa yelo.


"Duh London. DUH!" Inirapan niya ako kaya binato ko siya ng notebook. "Aray naman! Eh kasi eh! Syempre first birthday and christmas niyo! Kahit nga hindi pa kayo, pero on-going courtship kayo diba? Ba't di mo siya sagutin on Christmas day? Sa birthday mo! Gift mo sa kanya. You knowww?"


Hah waht


uhmm.. well, could be. "Pano na yung program?" Siya naman ang bumato sa akin. Yung kanya libro at sapul sa ulo ko kaya nasapak ko siya. "Gaga."


"Eh! Ano ka ba. Kahit for now, siya naman ang pasayahin mo! Ayaw mo nun? Multi-celebration ang December 25 para sayo? Christmas day, birthday niyo ni papa Jesus, at Monthsary/anniversary niyo ni Jongdae? Diba ang nice pakinggan?" Nakinig lang ako sa explanation niya habang hinihimas-himas ko ang baba ko.


Pinag-iisipan ko pa. Teka ano ba.


"Should we go on a date?" I asked her. Nanlaki ang mata niya. But why


"Bat naman tayo magde-date? Gaga!" Tumawa pa siya ng malakas. Ibabato ko sana yung dictionary na dala ko kaso tumimpi na siya. Natakot siguro.


"Gaga ka ba? Ano bang masama kung magdate ang dalawang babae? And in the first place, hindi naman ikaw ang yinayaya ko. What I meant by 'we' is kami ni Jongdae. Ikaw ang gaga." Inirapan niya nanaman ako at nag-'whatever' na lang siya. Hahahaha

London Bridge {Chen ShortStory}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon