\\\\

17 0 0
                                    

\\\\

Sinundan ko lang siya kung saan man siya papunta at sa bahay nila yun, malamang. Hindi pa kami nakakalabas ng campus ng may nakita akong isang lalake na nagbigay ng sudden mixed emotions sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot, masaya, masaktan, maiyak o ano. O baka naman natatae lang? Hindi naman eh. Ugh

Napatigil ako paglakad at nakita ko si taong tabon, si Jongin. Hindi si Jongin yung nakita ko na di ko na alam kung ano na gagawin ko. Ano ba. Na-star struck ako masyado sa kanya? Nubahh wag ka nga, may Jelaia na.

Magkasama kasi silang dalawa dun na naguusap. Nung nakita nila ako, agad na lumapit sa akin si Jongin.

"Uhm, ano.. London, sorry ah. Pinilit niya kasi ako eh." Di ko pa rin na alis sa kanya ang tingin ko. Anong ginagawa niya dito? "G-gusto ka raw niya makausap eh." Pagpapatuloy ni Jongin habang nasa may leeg niya ang isang kamay niya. "Sge na, kausapin mo na." Muli niyang sinabi at tska niya ako tinapik at tinulak ng mahina, senyales na maglakad na ako papunta sa kanya.

/sighs/

Nakalimutan ko. Bestfriend niya nga pala si Jongin. Paano ko yun nalimutan? Ha ha

Habang naglalakad ako papunta sa kanya naglalabo ang nasa paligid ko, sumasakit ang dibdib ko, halos mabingi na ako sa heartbeat ko, and most of it all ang memories na matagal ko nang binaon.

Matagal ko nang binaon ngunit bakit isang tingin ko lang sa kanya ay nagsibalikan ito? Nahukay agad sa isang iglap lang?

Nasa harap ko na siya. Humihinga, dumidilat. Di pa rin ako makapaniwala.

"Uh uhm.. K-kamusta ka na?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya. Di ko alam kung ano ang isasagot ko."B-balita ko may C-chen ka na raw." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Sinong tipaklong ang nagsabi? Aba inunahan pa ako. Di ko pa nga sinasagot si Jongdae. 

"Uh London? Okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Dadampi pa lang ang kamay niya sa braso ko ng may humatak ng kamay ko na ikinagulat ko ng todo todo. Joke. Todo lang. Todo todo, sobra na yan.

"Anong ginagawa mo dito Sehun?" Nakangiting tanong ni J-jongdae pero halata sa boses niya ang inis. Lalong humigpit ang hawak niya sa may wrist ko.

"Tol! Long time no see! Nangangamusta lang." Bati ni Sehun kay Jongdae at nag-man hug sila.

Awkward-d-d-d-d-d-d-d-d-d-d

Patagal ng patagal ay humihigpit ang hawak ni Jongdae sa wrist ko. Inaalis ko nga ang pagkahawak niya pero di ko kaya. Masyado siyang malakas para sa akin.

"Ge, tol. Mauna na kami." Sabi ni Jongdae at umalis na kami. Kinaladkad niya ako.

London Bridge {Chen ShortStory}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon