Chapter 2

2.5K 107 0
                                        

Ayoko na...ayoko na...kinikilig na talaga ko. ♥_♥ Hay bat ba ang gwapo mo Francis. Please wag ka ng dikit ng dikit sakin baka maiinlove ka sakin, malabong mangyarin yun diba?

Francis' POV

Ang tagal mo naman, namimiss na kita. Sana nga kahapon ko pa pinagtapat tong nararamdaman ko sayo. Ano yun? May narinig akong boses ni Mae at may nagtatawanan. Sumilip ako dun sa likod ng building, nakita ko si Mae sinasampal ni Aubrey. Sh*t!

"Ang landi mo rin noh? Bakit ba palagi mo na lang ako inaagawan?! Akin lang si Francis naiintindihan mo?" sabi ni Aubrey kay Mae.

"Sino bang may sabi na sayo lang si Francis? Bakit kayo naba? Kung makapagsalita ka na sayo lang,wagas! Anong sabi mo? Ako malandi? Mas malandi ka pa nga..." tanong ni Mae na mukhang galit na.

Sinampal ni Aubrey si Mae, di nko nakapagtiis sinugod ko na sila.

"Aubrey?!! Bakit mo ginawa yun? Ano bang ginawa ni Mae para ganyanin niyo siya?!" tanong ko sa kanila.

"Ah-a-ano k-kasi. Inaway niya kami. Inagaw ka niya sakin. Wag ka ng lalapit sa kanya Francis. Lumalandi lang yan sayo pera lang ang habol niyan sayo! Tara Francis, dba may gagawin pa tayo ngayon?" sabi ni Aubrey na nauutal. Ano bang pinagsasabi nito?

"Ano bang pinagsasabi mo? Nakita ko ang nangyari, kayo ang nauna. Hindi malandi si Mae at higit sa lahat mas mayaman pa sa tin si Mae!!!" sigaw ko.

"Nagpapatawa kaba Francis? Siya mas mayaman?" sabi ni Aubrey. Hindi niya ba alam na si Mae ang may-ari nitong school? How pathetic.

"Pwes anong meaning ng ML?" tanong ko.

"Ewan ko!" sagot ni Aubrey. Natatawa na ata to si Mae eh. Hahaha.

"See? Di mo alam! Once na mangyari pato ipaexpel ko kayo sa may-ari nito!! Get it?" sabi ko sa kanila.

"Let's go Mae!" dugtong ko sabay hatak ky Mae.

Parang naguguluhan ata to si Mae.

Mae's POV

Napahawak na ako sa dibdib ko. Ang lakas na naman ng kabog. Inlove na ata ako. Kailangan ko na ata to itigil ang pagdidisguise ko. Tinawagan ko sa cp si Sofia.

Call conversation

[Hello Mae! Oh napatawag ka?]

Puntahan niyo ko please? Di kayo busy?

[Di naman. San ka? Pupuntahan ka namin!]

Nandito ako sa tambayan natin.

[Ok pupunta na kami. Bye!]

Ok Bye!!

End Call.

The Nerd Is A ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon