Chapter 3

3.6K 179 145
                                        


"Anong gagawin natin ngayon Mae? Ang lapad ng ngiti mo ha? Ano meron?" sabi ni Sof.

"May sasabihin ako sa inyo…" sabi ko.

"Ano? May boyfriend kana ba't ngayon mo lang sinabi samin? Ikaw Mae ha!" tanong ni Mar habang nakangiti.

"Hindi noh! Ititigil ko na ang pagdidisguise ko." sabi ko.

"What?!" nagulat nilang sabi.

"Narinig nyo naman ako diba? " sabi ko.

"OMG!! Kami ang mag-aayos sayo!!" sabi ni Mar.

"OMG! Excited nako. Mar mag-overnight tayo dun kila Mae?" tanong ni Sof.

"Sige! Magpaalam muna ako kila Mom and Dad. Wait lang ha?" sagot ni Mar.

"Ako rin! Wait lang din Mae?" sabi ni Sofia.

"Yes!! Papayag sila.!!" sabi ni Mar.

"Ako rin! Excited nako!!!" sabi din ni Sof.

"Talaga?! Sige sige kita na lang tayo mamaya ha? See ya!" sabi ko.

"Bye Sis!" sabay na sabi nila.

Nakuu exciting tlga to. Nandito na ako sa cafeteria. Ako na naman ang mag-isa. Nasa pinaka sulok ako umupo. Ganyan talaga ako pag mag-isa. Papalapit si Francis OmG!! Kyahhhhhhhh!

"Ba't dito ka umupo? Sabay na tayo pwede?" tanong ni Francis.

"Sure!" sagot ko.

"Uhm…" napatingin ako sakanya. "Uhm Mae may boyfriend ka naba?" tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya.

"Wala. Bakit?" sagot ko.

"Ah. Wag mo na lang isipin yun!" sabi niya.

Tapos na kami kumain. Ang hot niya talaga. Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Francis ang kamay ko.

"Sabay na tayo pumasok sa room!" sabi niya.

"Okay.." sabi ko.

"Mae kailan mo sasabihin ang totoo?" tanong niya. Huh? Di ko maintindihan.

"Ang alin?" sabi ko.

"Nevermind." sabi niya.

Pag pasok namin sa room. Lahat nakatingin samin. Ano kaya meron?!

"Look?!" sabi ng kaklase namin sabay turo sa kamay namin na magkahawak. O.O Shet.

"Ayiehhhhhhh" nagtilian ang mga kaklase namin. Shet nakakahiya. May binulong sakin si Francis.

"Bagay daw tayo." bulong niya.

"Sabihin mo lang na tatawa nako ha?" bulong ko rin sakanya. Tumawa siya.

"Haha you're funny!" sabi niya.

"Ganun?" sabi ko.

Umupo na kami. Maya-maya natapos narin ang klase. Uwian na.

"May kasabay kang uuwi?" tanong ni Francis.

"Oo eh!" sagot ko.

"Sino naman?" tanong niya.

"Si Sofia at Mariel! Ikaw may kasabay kaba?" tanong ko.

"Wala eh. Sige una na lang ako. Bye! sagot niya. Nag wave siya tapos na.

Hay salamat dumating na rin ang dalawa.

"Ang tagal nyo naman." sabi ko.

"Sorry, may inutos pa kasi ang tita mo sakin." sabi ni Sof.

"Ako rin eh. What are you waiting for? Tara na!" sabi ni Mar.

Nakarating narin kami sa bahay. Nakakapagod. Pero excited parin ako bukas kasi di na ako magpapanggap bilang nerd na araw-araw binubully. Bukas ako na si Mae na iniidolo ng lahat dahil sa pagiging model ko. Ang binubully nila noon pag makita nila ako bukas mapapanganga na.

Sa kwarto ko puro posters ko lahat na nagmomodel pa ako. May tatlong kama rin ako para sakin, kay Sof at kay Mar. Sakin pang queen at sa dalawa naman pang princess diba social? Haha.

Kumain kami ng hapunan. Malaki ang table kahit lima lng kami.

"Baby kailan ka babalik sa pagiging model?" tanong ni mom.

"Bukas mom, and mom ititigil ko na ang pagdidisguise ko." sagot ko.

"Talaga princess. Sasabihin mo na rin ba na ikaw ang may-ari ng ML Highschool?" tanong ni dad.

"Yes dad." sagot ko.

"That's good princess ako na ang bahala sa susuotin mo bukas." sabi ni mom.

"Okay mom. I'm done eating na. Papasok na po ako sa kwarto. Good night mom and dad." sabi ko tapos ngumiti at hinalikan ko sila sa pisngi.

"Good Night!" sabi ni mom at dad.

----------------------------------------

Sinong gusto magpapa add sa fb?

Instagram? Pm me na lng. ツ

~Kimhyun

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerd Is A ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon