Simula

0 1 0
                                    

"Ayokong lumayo sa kalooban mo
Kung itong nadarama'y hindi galing sa'yo
Please Panginoon pakitanggal po
Ayokong pangunahan ang plano mo
Pero kung siya na talaga
Lord God tulungan mo ko ha ayokong mabulilyaso ang plano mo." 🎶

Nakapikit ako habang pinapakinggan ko ang boses ng dalawang magkasintahan na ngayon ay kinakanta ang paborito kong kanta nandito kasi ako ngayon sa bahay namin kaya nakikinig muna ako sa DZAS habang hindi pa ako pumapasok sa work.

Naalala ko tuloy siya. Naalala ko na naman tuloy kung paano kinilig ang maraming kabataan noong kinanta namin iyan sa Victory Church sa Manila pati ako hindi ko napigilang hindi kiligin dahil sa tuwing sabay naming kinakanta ang chorus ay nakatingin siya sa akin.

Napailing na lamang ako dahil sa tuwing naririnig ko ang mga kanta na kinanta namin ay hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa amin na ngayon ay isa na lamang na alaala.

Napadilat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Ate tumatawag po si Mamsie." Tawag sa akin ng pinsan kong si Amara.

"Sige baba na ako." Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga upang patayin ang aking radyo dahil tumatawag na pala si Mamsie.

"Ayos naman po siya Mamsie, may pasalubong pa nga siyang cake may nagbigay daw sa kanya." Rinig kong sabi ni Amara habang kausap si Mamsie sa laptop.

"Binigay po Mamsie 'yon ni Eliyah." Biglang singit ko sa kanilang dalawa.

"Madalas ka atang bigyan anak ni Eliyah ng mga kung anu-ano baka tomboy na 'yon o baka naman pinabibigay ng kuya?" Natatawang sabi ni Mamsie.

"Baka peace offering po Mamsie?" Singit naman ni Amara.

"Tumigil ka Amara. Pakikuha mo nalang phone ko sa kwarto ko, nakalimutan ko palang kuhanin."

"May pasok ka?" Tanong naman ni Mamsie.

"Opo."

"Kumusta ka naman? Kung gusto mo pakikiusapan ko 'yong boss mo na magleave ka muna kahit isang linggo lang para naman makapaglibang ka." Nag-aalalang sabi ni Mamsie.

"Nah, I'm fine Ma." Magsasalita pa sana si Mamsie pero buti nalang at dumating na si Amara. Inabot na nga niya sa akin ang phone ko kaya naman nagpaalam na ako sa kanila na papasok na ako.

Pagdating ko sa aming opisina ay ginugulgol ko ng muli ang oras ko sa pagtatrabaho.

"Hi Ma'am Frey." Bati sa akin ni Joshias, nginitian ko na lamang siya at nagthumbs up ako dahil may kausap ako sa line ko.

"Yes Ma'am. Thank you!" Masigla kong sagot sa aming kliyente na nasa kabilang linya.

"Ma'am Frey, magkakaroon ba tayo ng team building?" Biglang sabi ni Acelle.

"Oo, pag-uusapan palang namin."

"Isasama mo ba si Pogi?" Bigla akong natigil sa aking ginagawa dahil sa tanong niya.

"Ha? Hindi. He's busy." Magsasalita pa sana si Acelle buti nalang at may tumawag ulit sa line ko kaya naman nagpaalam na rin siya.

Maya-maya ay may lumapit na naman sa akin.

"Freya may pasok ka bukas?" Si Miss Quinto. Siya ang isa sa boss ko.

"Yes po pero half day lang po ako bukas. Bakit po?"

"May meeting tayo bukas, diba magkakaroon tayo ng team building at dahil isa ka na sa Manager so kailangan nandoon ka." Paliwanag sa akin ni Miss Quinto. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang mapromote ako bilang Manager kaya labis ang pasasalamat ko kay Lord.

"Ah. Sige po."

"Pasensya na at wala kang day off ngayon tapos bukas wala ka na naman day off, bibigyan nalang kita ng day off sa susunod ha." Day off ko kasi ngayon pero kailangan kong pumasok dahil nanganak iyong isa naming agent.

"Ayos lang po iyon Miss." Sagot ko naman.

"Sige. Mauna na akong umuwi ha." Paalam sa akin ni Miss Quinto.

"Sige po! Ingat po."

"Ma'am Frey!" Tawag sa akin ng member ko.

"Oh bakit?"

"Baka may ipapabili ka? Lalabas ako e." Sagot ni Reena.

"Hindi na, lalabas din ako mamaya. Salamat."

"Ah sige po Ma'am break muna ako, ay oo nga po pala hindi ka na ata sinusundo ni Pogi?" Tanong niya ulit.

"Magbreak ka na, mamaya tapos na break mo." Sabi ko nalang.

Magsasalita pa sana siya pero buti nalang at may tumawag sa phone ko.

"Hi Freya!" Bati sa akin ng bestfriend ko na si Eliyah.

"Napatawag ka? Nandito ako sa opisina."

"Yeah! Hindi mo ba ako namiss? Hayss!" Nagtatampong sabi niya.

"Magkasama lang tayo kanina."

"Sungit! Tuloy ba tayo bukas mag Baguio?" After ng klase ko sana pupunta kami ng Baguio kaso hindi matutuloy dahil may meeting kami.

"Hindi! Pinapapasok ako ni Miss Quinto e."

"Ay bakit? Day off mo bukas diba, day off mo rin ngayon diba? Mas mahirap atang napromote ka."

"Hindi naman kasi porket na promote ako e wala ng paghihirap, mas mahirap nga ngayon." Sabi ko naman.

"Hays! Sayang naman." Hinayang na hinayang na sabi niya.

"Nextime nalang tayo pumunta sa Baguio. Sige video call nalang tayo mamaya kapag nasa bahay na ako." Paalam ko sa kanya dahil may tumatawag na ulit sa line ko.

"Okay! Good bye beshywap. Loveyou! Ingat sa pag-uwi." Paalam niya naman sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(TOTGA) The One That God AllowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon