CHAPTER 3: SHERLY

5 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa maingay na tunog ng alarm ko sa phone. Umusod ako sa bandang drawer sa tabi ng kama at kinapa-kapa yung cellphone ko na patuloy pa rin sa pag-a-alarm. Nung naramdaman ko naman na hawa ko na ito, "Four o'clock am,"- agad kong tinignan ang oras saka pinatay ang alarm. Kung nagtataka kayo kung nasan si Gino, syempre, wala. Nasanay na nga ata ako na hindi na siya umuuwi dito tuwing gabi. Nagsimula na rin yon mga dalawang linggo na. Hindi ko naman magawang magtanong kung nasan siya kasi natatakot ako na baka saktan niya lang ako katulad nung unang beses ko siyang tanungin.

Bumangon na 'ko mula sa pagkakahiga. Dumiretso na rin ako sa banyo para simulan ang paliligo. Pagkatapos ko namang maligo, nag-ayos na rin ako. Kinuha ko sa bag ko yung uniform na bigay sa'kin ni Ma'am Jennifer. Buti na nga lang pala pagkauwi ko kagabi eh hindi ko nakasalubong o nadatnan man lang si Gino. Sasabihin ko nalang sa kanya na may trabaho na 'ko pag nagkita kami dahil alam ko naman na hindi ko matatago sa kanya 'to lalo na't mapapadalas akong wala dito sa bahay dahil maaga ang duty ko tapos gabi na rin ako makakauwi dahil madami-dami din ang customer sa restau katulad na nga lang ng naobserbahan ko kahapon nung nag-apply ako.

Nagsuot muna ako ng pambahay at bumaba patungo sa kusina para mag-agahan. Bago umuwi kagabi, dumaan muna ako sa palengke para bumili ng stock na ilang de latang pagkain at iba pang ulam kahit pa pinagkasya ko lang yung ipon ko para kahit wala ako at nagugutom si Gino ay may makakain naman siya. Tinawagan ko na rin si Alice para magpasalamat kasi kung hindi dahil sa kanya siguro sa ngayon nagpapakahirap pa akong humanap ng trabaho kaya kain oras pa. Na imbis na nagtatrabaho na 'ko at kumikita eh uubusin ko pa ang oras ko at pera para lang humanap ng maayos na trabaho.

Nagsaing na rin ako para mamaya ay may babaunin ako na lunch sa restau. Kumuha na lang ako ng corned beef tapos ay naghiwa ng sibuyas, bawang, at kaunting patatas. Ginisa ko na lang para kahit naman papano eh may sabaw ang tanghalian ko para mamaya. Tingin ko naman ay hindi ko 'to mauubos kaya nagtira na lang din ako para makain ni Gino pag-uwi niya.

Nang mapansin ko namang luto na rin yung sinaing ko, naglagay na din ako sa Tupperware ko ng kanin. Tapos, kumuha na rin ako ng kaunting kanin at ulam para makapag-agahan naman ako bago pumasok nang hindi ako manlata sa trabaho ko mamaya. Nung nakakain na 'ko, napagpasyahan ko nang mag-ayos sa itaas. Isinuot ko na ang uniform ko. Bumagay naman sa'kin kahit medyo maluwag ito. Wala namang kaso sa'kin yon. Mas komportable nga ako dito kasi hindi naman ako nagsusuot ng mga fit na damit. Nagsuklay nalang ako at hinayaan na nakalugay ang buhok ko. Nag-apply nalang ako ng light make-up. Nang makita ko naman na ayos na ang itsura ko ay kinuha ko na rin yung bag ko at bumaba na.

"Hala! Five thirty na!" Napansin ko kasi ang oras sa sala nung dumaan ako. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at halos lakad-takbo na nga ang ginawa ko papuntang high way(dahil nga looban pa ang bahay namin) dahil punuan ang byahe at kaylangan makasakay na 'ko. Twenty minutes pa naman ang byahe papuntang restau. Pumara agad ako nung makita kong may paparating na jeep. "Sakay na miss! Meron pa! Sa kanan ho oh, kaunting usog lang!" Kahit siksikan eh pinatos ko na rin yung jeep para makasakay dahil ayokong malate sa first day ko. Pumara na rin ako makalipas ang mahigit labing limang minuto ng byahe. Mabilis ang naging byahe dahil nga punuan at wala na rin namang dapat pang gawing hinto-hinto pa sa mga pasahero ang driver dahil kapansin-pansin naman talagang siksikan na at wala na talagang pag-uupuan pa ang mga balak at gusto sanang isakay ni manong.

"Good morning Manong--" tinignan ko ang name plate ni Manong Guard na pinagtanungan ko kahapon, "--Jose. Hahaha! Good morning po Mang Jose!" Natatawa namang bati ko sa kanya. "Nako! Mukhang makulit ka iha. Haha. Para namang sa kanta 'yon eh. Kuya Jo na lang. Sherly di ba ang pangalan mo?" "Opo! Sige po mamaya na lang tayo magkuwentuhan. First day ko po kasi at mukhang late na po ako," nagmadali na kong maglakad. "Ba-bye Kuya Jo!" Sigaw ko habang naglalakad ako pero tinaas ko na rin yung kamay ko na para bang nagpapaalam kahit nakatalikod pa ko at tuloy-tuloy lang sa paglakad.

FORBIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon