"Bakit ba ang tigas ng ano mo?", sigaw mo na naman sa akin sabay tingin sa may pagitan ng pantalon ko.
Kasabay na naman nito ang hagalpakan ng tawa ng mga taong nakasaksi sa mga salitang binitiwan mo. Napabuntung-hininga na lamang ako nang bigla ka na namang tumakbo paalis at iniwan ako sa gitna ng mga tao.
Ako si Ben, mas kilala sa tawag na Boy Tigas, dahil sa kagagawan mo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang pinagsasasabi mo, pero dahil nga malawak ang imahinasyon ko, iba ang naiisip ko kapag sinasabi mong...
"Bakit ba ang tigas ng ano mo?"
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Halos 3 buwan mo na yang ginagawa, isang beses kada araw. Kahit walang pasok, kung hindi ka magg-gm, magpopost ka naman sa FB o sa Twitter masabi mo lang yang sikat na linya mo. Pwede bang i-private message mo na lang kung minsan?
Kung isa ka lang simpleng babae malamang una mo pa lang akong sinabihan ng ganun, nasapak na kita. Pero hindi ka lang isang simpleng babae, ikaw si Ana, ang presidente ng student council, ng Filipino club, isa sa mga pinakasikat na babae sa loob at labas ng DKM (Di Ko Matukoy) University at ang babaeng lihim kong minamahal.
Hay. Makauwi na nga lang ng bahay. Iniwan ko ang mga kabarkada kong sila Juan, Pedro, Felipe at Tupe na patuloy pa rin sa paghagalpak sa tawa. Palabas na ko ng gate nang makita kita na nakaabang s alabas at direktang nakatingin sa akin. Napatigil ako sa paglalakad ko at nadama ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Ito na yata yung sinasabi nilang slow motion, ay teka! Hindi to Must Be love ha. Tsk.
Bading man sa ibaay parang mas lalo akong nahulog sa iyo. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at nanlumo ako nanglampasan mo lang ako. Napailing na lang ako sa nangyari.
"Woot. Pare, Olats ka na naman ah. HAHA." --Felipe.
Malas pa at nakita yata nung mga ulol yung nangyari.
"HAHA. Pare, lupit mo. Mala-Titanic, sarap mo ihulog sa yate." --Juan.
"Tsk. Ewan ko sa inyo. Umuwi na nga tayo."
-------------------------> KINABUKASAN
Naglalakad na kami sa corridor ni Juan, wala yung iba, lumalablayp.
"Juan---"
Hay. Tulad ng dati nawala na naman si Juan. Malaman nakahanap na naman ng masisilip ang loko. Naglakad-lakad muna ako sa open field tutal masyado pang maaga.
"Hoy. Ben," lumingon ako para lang makita ka.
Inihanda ko na ang sarili ko para sa panibagong kahihiyan na dulot mo. Nagsimula na naman tayong umagaw ng atensyon. Nakasuot ka lang ng uniporme niyo sa cheering dahil nagpapractice kayo para sa darating na Intrams.Mas lalong nabunyag ang may pagkamorena ngunit makinis mong kutis at ang magandang hubog ng iyong katawan.
"Bakit ba ang tigas ng ano mo?"
Halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil hindi mo lang basta sinabi iyan ngayon ngunit nakaturo ka pa sa may bandang pagkalalaki ko.
Napansin kong miski pati ang mga nanonood sa atin ay tila nagulat dahil hindi mo naman ladladangitinuturo ang pagkalalaki ko pag sinasabi mo sa akin ang linya mo. Marami rin kasing nagsasabing baka hindi naman ang pagkalalaki ko ang tinutukoy mo pero ngayon tila lahat ay nalinawan.
"Sumagot ka. Bakit ba ang tigas ng ano mo?"
Peste. Masyado yatang masunurin ang alaga ko ngayon ah, biruin mo, hindi lang talaga tumigas, nagstanding ovation pa. Isa kang malaking tukso, Ana. Mukha namang hindi iyon pansin dahil medyo maluwag ang suot kong pants.
"Ano? Sumagot ka. Bakit ba ang tigas ng ano mo?"
Sa 3 buwan na sinasabi mo iyan sa akin, ngayon mo lang pinaulit-ulit na tanungin iyan at ngayon ka lang din nag-demand ng sagot mula sa akin.
"Tsk. Hindi kita maintindihan," iyan na lamang ang sinabi ko.
Nagulat ako ng may makita akong pumatak na luha mula sa mata mo.
"B-bakit *huk* h-hindi mo *huk* p-palambutin yan *huk* p-para sa akin? H-hindi mo ba alam *huk* na nasasakatn ako pag sobrang tigas niyan? Ha?"
Padami na ng padani ang nanonood sa atin, at gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.Gusto mko na lang magwalk-out at iwan ka, pero may pwersang humihila sa akin para manatili sa kahihiyan na ito kasama ka.
Lumapit ako sa iyo at pinunasan ang mga luha sa mga pisngi mo.
"Let's clear things up. Ano ba yung issue mo sa akin?" Seryosong tanong ko sayo habang patuloy na pinupunasan ang mga luha moat di alintana ang mga taong nanonood sa atin.
"Yung katigasan mo" Sagot mo na nakapagdulot ng malakas na hagalpakan sa tawa ng mga taong nakapaligid sa atin. May mga boses akong narinig na pinatatahimik yung mga tao sa kakatawa at malamang ang mga loko yun.
Ngumiti ako sa iyo. Mukha namang nagulat ka sa pagngiti ko sa iyo. Napansin ko pa nga ang pamumula mo.
"Namumula ka, Ana"
Napayuko ka sa tinuran ko kasabay ang pangangantiyaw ng mga tao. Iniangat ko ang ulo mo upang mapatingin ka sa akin.
"Ano bang matigas sa akin?"
Muling humagalpak ang mga tao sa tawa sa pamumuno nung mga ungas kong kabarkada, muli ka na namang namula.
"Eh, iba yata yung iniisip nilang sinasabi kong matigas sa iyo eh"
Natigil ang lahat sa pagtawa dahil sa narinig mula sa iyo.
Tinanggal mo ang pagkakahawak ko sa mga pisngi ko at ipinatong ang kamay mo sa may kaliwang dibdib ko.
"Ito yung matigas sa iyo"
"Yung dibdib ko?" tanong ko na muling nagdulot ng katatawanan sa buong field. Hindi rin nakaligtas ang pagtawa mo.
"Pwede din? Pero hindi eh", sagot mo na lalong nagpatawa sa lahat.
Pinatahimik mo ang lahat at muli kang nagsalita.
"Ito. Ito yung matigas sa iyo. Yung puso mo. Bakit? Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin mapansin yung nararamdaman ko sa iyo"
Ano daw?
"Ito. Ito yung matigas sa iyo. Yung puso mo. Bakit? Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin mapansin yung nararamdaman ko sa iyo"
"Ito. Ito yung matigas sa iyo. Yung puso mo. Bakit? Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin mapansin yung nararamdaman ko sa iyo"
"Ito. Ito yung matigas sa iyo. Yung puso mo. Bakit? Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin mapansin yung nararamdaman ko sa iyo"
"Ito. Ito yung matigas sa iyo. Yung puso mo. Bakit? Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin mapansin yung nararamdaman ko sa iyo"
"M-mahal mo ko?"
Tinanggal mo yung kamay mo sa dibdib ko, yumuko at dahan-dahang tumango. Isang malakas na Ayyyiiiiieeee ang pinakawalan ng mga tao sa field.
"Tsk. Ikaw talaga. Bakit ang tigas ng ano mo?" muling humagalpak sa tawa ang lahat sa tinuran ko. Tumingin ka sa mga mata ko ng diretso.
"Mahal mo ko?" tanong mo na nakapagpatahimik sa lahat. Lahat nag-aabang sa sagot ko.
"Hindi mko sasagutin yan pero ito ang tandaan mo, ikaw lang ang magiging dahilan ng paglambot at pagtigas ng ano ko.'
Sumimangot ka at mabilis akong hinalikan sa labi sabay sabing...
"Matigas pala talaga yung ano mo"
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's note:
Bitin? Hanggang diyan lang po talaga iyan. One shot lang talaga siya. Pagpasensyahan na po yung mga 'names na masyadong pinag-isipan' HAHA. Gagawan ko rin po ng one shot yung mga kabarkada ni Ben. Read, Vote and Comment.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Ang Tigas Ng Ano Mo? [BBATNAM] (One Shot)
ChickLit"Sumagot ka. Bakit ba ang tigas ng ano mo?"