Callsign

11 1 0
                                    

Callsign
by:pogingauthor
Simulan natin itong istorya sa umpisa,
Nung umpisang chinat kita kahit na ako'y medyo nahihiya.
Nung nagmessage ako ng "Hi, musta ka"
Na may kasunod na emojing masaya.
Ilang saglit pa,
Sa wakas,
Nagreply ka.
"Hi, musta din"
Di na ako napakali,
Nag-chat ako ng nag-chat at hinintay ang bawat sandali
Na sasagutin mo ang mga mensahe kong pinag-isipang madali.
At sa twing sasagot ka ay magrereply naman ako ng dali-dali
Nasundan pa ng "Okay lang, ikaw ba?"
Sa tanong mo na iyon ay di ko naiwasang isipin na,
Concern ka.
Kaya nagreply ako ng "Okay lang din"
Na dinugtungan ko ng "Topic???"
Isang maikling salita 
Na sa kwentuhan natin ay siguradong magpapahaba.
Kahit matagal lang magreply,
Hinabaan ko ang pasensya.
Ang saya,
Kasi kahit sa chat lang kita nakakausap
Di mo ako ini-snob.
Di mo ako sini-seen.
Kahit di ko magawang lumapit sa'yo
Kasi alam mo naman na natotorpe ako.
Na takot ako,
Na di kasi ako marunong dumiskarte
pagdating sa nga babae.
Hanggang isang araw, natripan mo na gumawa ng isang callsign.
Yung isang salita na tayo lang ang pwedeng magtawagan.
Sinabi mo sa'kin "Baby, musta ka???"
Halos malaglag yung mata
Kasabay ng panga
na biglang napanganga
Sa aking nabasa.
"Baby? Baby mo ako?"
Sabi ko sa sarili ko.
Sumakay naman ako sa trip mo
Hanggang dahan-dahan nahulog yung loob ko sa'yo
Tinawag kitang "Baby" kahit alam ko,
Alam ko,
Walang tayo.
Di mo naman kailangang ipagpilitan kasi alam ko,
Wala talagang tayo.
Eh ano naman???
Eh tinatawag mo akong "Baby" kaya inakala ko,
na gusto mo rin ako.
Inakala ko, higit pa ako sa isang kaibigan para sa'yo.
Diba, "Baby" mo naman ako kaya
Umasa ako, 
Kasi akala ko may pag-asa ako sa'yo. 
Na may posibilidad na magkaroon ng ikaw at ako,
Yung tinatawag na "Tayo"
Umasa ako,
Pinanghawakan ko,
Yung callsign natin na "Baby" na akala ko,
tayo lang ang nagtatawagan.
Mali pala.
Maling-mali talaga.
Nagkamali ako ng inakala,
Kasi ang tanga ko.
Napakalaking tanga ko.
Di ko naisip na kayo matagal ang reply mo,
Marami kaming ka-chat mo,
At tinatawag mong "Baby"
Gumuho ang mundo ko,
Nung nalaman ko na lahat ng kaibigan mo,
Lalaki man o babae,
ay tinatawag mong "Baby".
"Baby"
Akala ko,
Ako lang ang nag-iisa mong "Baby"
Ang sakit.
Kasi mali na naman ako.
Yun pala,
Ang kaisa-isang "Baby" ng buhay ko,
Marami palang "Baby"
Akala ko pa naman
Ako lang ang "Baby" mo.
Marami pala kami.
Marami kami na kaibigan mo.
Kaibigan mo lang pala ako.
Akala ko
Gusto mo rin ako
kaso
Lahat pala kami,
"Baby" mo.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now