Prologue

11 0 0
                                    

"Hey you idiot! Bumalik ka nga dito! Kinuha mo na naman ba ang make-ups ko! Grrr!" Tinitingnan ko si Mickey na inis na inis kay Harvey. Well, lagi namang ganito.

"That's disgusting! Lagi ko na lang natatagpuan na pakalat-kalat ang make-ups mo kahit saan. Even in my car!" Galit na tugon ni Harvey. Napakibit balikat na lang ako habang umiinom ng juice sa pool area ng bahay nila Seth.

"Kailan ba kayo titigil? Ang ingay niyo!" Sigaw naman ni Seth.

"Argh! Whatever." Sabi ni Mickey at umirap at umupo na sa tabi ko.

"For sure tinapon na ni Harvey ang make-ups mo." Sabi ni Danielle at sinuot ang sunglass niya.

"I know right. I'm gonna buy na lang ulit. Nakakainis." Saad pa ni Mickey at umirap na naman.

"Saan tayo next week?" Rinig ko namang tanong ni Harry kay Ethan na nagswi-swimming sa pool.

"Akala ko ba sa Countryside court tayo?" Tanong ni Earl na kakapasok lang dito sa pool area ng bahay nila Seth.

"Hindi na raw. Nalipat daw sa Ayala court." Sagot ni Seth at naghubad ng t-shirt tsaka tumalon sa pool.

Ito lang lagi ang gawain namin kapag bored kami sa kanya-kanyang bahay. Magtitipon kami sa isang bahay at magbo-bonding. Sa ngayon, ang bonding namin ay magswimming dahil ang init, summer na, of course.

"Damn! Ang dami pa namang hot babes sa Countryside." Sabi ni Ethan at napa-face palm.

Ito na naman ang usapan nila. Walang katapusang babae.

"Last time I checked, marami rin sa Ayala but they are.. Uhm. You know." Sabi naman ni Harvey at napangiwi.

"I know that bro!" Tuwang-tuwang tugon ni Earl at naghigh-five pa ang dalawa.

What? Wala akong naintindihan.

Boys talk. Whatever.

"Hindi pala ako makakasali sa game. Kailangan ko na mag-enroll." Singit ni Pao na ikinakunot ng noo namin.

Ang aga pa para mag-enroll?

"Isali niyo naman ako diyan!" Napatingin ako sa likod at nakitang tumatakbo si Martin papunta sa pool. Agad din naman siyang lumundag at nagswimming.

"Easy, dude! Ang aga pa para diyan." Tinapik naman ni Ethan ang balikat ni Pao.

"Ang sabihin mo lang, mamimingwit ka lang ng chix!" Sigaw ni Harvey at nagtawanan kaming lahat.

"Binibingwit ba ang chix? Damn. Akala ko isda lang ang nabibingwit." Sabat ni Martin at sumisid. Nagtawanan na naman kami at binatukan nila ang isa't isa.

Ang saya. Sana ganito lagi.

"Kailan ba tayo magsho-shopping? I need to buy new summer outfits." Sabi ni Ella na nakatingin sa kapatid niyang si Mickey.

"I need to buy new make-ups too, sis. Don't worry, we will, later." Sabi ni Mickey at tumayo na.

"How about you Danielle and Charms? Sama kayo?" Tanong ni Ella sa amin. Ngumiti ako at tumango. Kailangan ko palang bumili ng dress para sa party na gaganapin this coming Sunday.

"Yes. Of course." Sabi namin ni Danielle at tumayo na.

"Where are you going, cous?" Sigaw ni Harvey at nag-wave pa ng kamay para lang makita namin siya.

"Mall." Tipid na sagot ni Danielle at lumabas na sa pool area.

"Sama kami!" Agad silang umahon at kinuha ang towel na nasa gilid ng pool.

Blind Where stories live. Discover now