"So.. What's the thing between you and Kuya?" Tanong sa akin ni Pain. Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Ewan ko kung bakit dito nila naisipang matulog eh may kanya-kanya naman kaming kwarto.
"Nandito ba kayo para dumaldal? Kung oo, matutulog na ko. Goodnight." Sabi ko at humiga na. Hinatak naman ako agad ni Mickey at binato ang mga unan sa pinto.
"Ano ba problema niyo? Patulugin niyo na ko. I'm sleepy." Reklamo ko. 2:00 na ng umaga pero ito sila, nanggu-gulo. Hindi ba sila inaantok?
"Kinikilig ako sa inyo, Carmel!" Sigaw ni Mauve at umaktong kinikilig nga. Kinuha niya pa ang kumot at niyakap ito.
"Just answer my question." Sabi ni Pain at umirap. Hindi ko alam na may side pala siyang ganito, makulit. Pareho sila ni Primo.
"What's the thing between you and Martin?" Tanong ko naman na ikina-taas ng kilay niya. Bigla siyang sumimangot at humalukipkip.
"Huwag mo sakin ibalik 'yung tanong ko, ate." Sagot ni Pain at humiga na rin sa kama ko. Gusto ko na matulog.
"I'm sleepy. Aren't we going to sleep na?" Tanong ni Ella at humikab.
"Oo nga. Pupunta pa tayo sa land na binili nila Dad." Sabi naman ni Danielle. Nasabihan kami kanina nila Tito na pupunta kami sa lupang binili nila para itayo ang mall na gagawin. Ang pinagsama-sama naming business ng bawat pamilya namin ay ilalagay doon sa mall.
Tulog na sila at hindi ako makatulog. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng gatas. 5:30 na at sumisikat na ang araw. Paano na ako mamaya? Sana hindi ako antukin.
"Good morning." Nagulat na lang ako ng may biglang bumulong sa tenga ko.
"What the?!" It's him again.
"What the hell are you doing Primo?" Tanong ko sa kanya at nakita ko pa siyang humikab. Kakagising niya pa lang ba? Ang aga niya naman.
"Greeting you a good morning?" He said sarcastically. Napairap na lang ako at ininom ang gatas ko.
"Can't sleep?" Tanong niya at kumuha siya ng kung ano sa ref.
"Yeah. Kanina pa ako gising." Sagot ko at umupo sa dining chair. Dilat na dilat talaga mata ko.
"Huwag ka na matulog. Gigising na rin sila." Pagka-sabi niya non ay may biglang mga pumasok.
"Good morning Charms!" Bati sa akin ni Harvey at tumabi sa akin.
"Ang aga mo ate Charms. Mamaya pa gigising ang mga girls." Sabi naman ni Ethan.
"Ano ginagawa niyo ditong dalawa?" Tanong naman ni Khallyx. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Anong paki mo?" Sabi ko habang nakangiti. Hindi ko alam kung mukha akong tanga sa ginawa ko.
"Roasted Khallyx!" Sigaw ni Earl at nag high five pa sila ni Paolo. Nabalot ang kitchen ng tawanan namin. Bakit nga ba ang aga nila? Mamayang 8:00 pa naman ang alis namin.
"Kasama ba kayo sa land na pupuntahan?" Tanong ko kila Primo.
"Yeah." Sagot niya sa akin at uminom ng kape na hawak niya. Bakit sila kasama?
"We have business too. Kasama ang business namin sa mall na ipapatayo niyo." Singit naman ni Prian. Nabasa niya ba nasa utak ko?
"Manang Fe. Ano pong ulam?" Tanong ni Harry at pumunta sa salas.
"Tinola hijo. Malapit na rin ito matapos." Sagot ni Manang at ipinagpatuloy ang pagluluto.
Sinundan ko sila sa salas dahil isa-isa silang umalis sa kitchen. Nakita ko naman sila Seth na inaayos ang xbox nila. Maglalaro sila? Ang aga-aga.
YOU ARE READING
Blind
RomanceSiya si Carmel Liza Galvez, tagapag-mana ng kanilang business but she doesn't have a thing on business. Ayaw niya non at ayaw niya ng maraming iniisip. She believes that love is just a pain in the ass not until she met him. Not until she love someon...