Chapter 1

0 0 0
                                    

"They're here." Sabi ni Seth at tumayo. Dumiretso siya sa pinto ng restaurant at may sinalubong na anim na lalaki.

Pamilyar sila.

"Schoolmates?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila.

"Oh God. Am I dreaming?" Bulong ni Mickey habang hawak-hawak niya ang bunganga niya at halatang gulat.

Sinundan ko ang tingin niya at may pumasok na lalaking naka-white jacket with his maong pants at naka-cap na black at nakipag-apir kay Seth.

Bakit nandito na naman 'yan?! At bakit kilala ng pinsan ko?! Kung minamalas ka nga naman oh.

"Fuck!" Sigaw ko ng bigla kong masagi ang baso sa gilid ko at kung mina-malas ka nga naman, ako pa ang natapunan.

"Oh my gosh Charms! What happened?!" Nagpapanic na tanong ni Mickey. Agad ko namang kinuha ang tissue at pinunas ito sa damit kong nabasa. Damn.

What a day.

Napatingin ako kila Seth na papalapit sa pwesto namin.

"I know na kilala niyo na sila but this guy right here." Tumuro si Seth sa kanan niya kung saan nandoon 'yung punyetang lalaking naka-shades sa mall kahapon at ang may-ari ng wallet.

"Primo." Sabi ko bago pa ipagpatuloy ni Seth ang sasabihin niya.

Tiningnan naman ako ni Primo at ngumisi.

"You're the first one who pronounced my name right." Saad niya at ngumisi pa lalo. Kitang-kita ko ang dimples niya. Ugh. Ano ba sinasabi nung iba? Pray-mo? Ang sabi ko kasi Pri-mo.

"Wait. Magka-kilala kayo?" Tanong ni Earl na parang manghang-mangha.

"No!"

"Yes."

Napairap na lang ako nang sabay kaming sumagot.

"Defensive much, Charms?" Sabi sa akin ni Mickey na para bang nang-aasar. Ugh. I hate this day.

Hindi ko na tuloy napansin ang basa kong damit.

"Excuse me. Washroom lang." Sabi ko kahit na pupunta ako sa van para kumuha ng damit na pangpalit. Tumango na lamang sila habang busy makipag-kwentuhan sa mga dumating.

Bakit ba 'yon nandito? For business ang pinunta namin dito hindi para mag-bakasyon!

Kumuha na ako ng damit at dumiretso sa washroom para magpalit na. Siguro naman ay wala pa 'yung order namin.

Nakarating ako at tawa sila ng tawa at kumakain na rin sila. Napansin ko naman si Mickey na halatang pikon na pikon na. Siya ata ang inaasar ngayon. Too bad.

"Right! Naalala ko pa 'yung barbie niyang panty sa room ko." Sabi ni Danielle at humagalpak kami sa tawa.

"Oh my gosh Dani! Nakakahiya. Hindi lang tayo ang nandito gosh." Bulong niya at kinurot si Danielle sa tagiliran. Bulong ba talaga 'yon? Rinig ko eh.

Si Mickey kasi ang pinaka makalat sa amin. Kung saan-saan niya nilalagay ang gamit niya tapos hindi niya matatandaan kung saan niya huling iniwan. Kaya lagi ring tinatapon ni Harvey ang make-ups niya dahil lagi niya 'tong naiiwan kung saan at si Harvey lagi ang nakakapansin.

"Buti naman nakapagpalit ka na ate." Sabi ni Ethan at sumubo ng spaghetti. Nginitian ko na lang sila at umupo na sa tabi ni Mickey na upuan ko kanina lang.

"By the way, cous. Bakit nandito 'yang mga 'yan?" Tanong ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko magtanong. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito at bakit sila kasama.

Blind Where stories live. Discover now