"1 2 3 4 5 6 7 8, 1 2 3 4 5 6 7 8" pawis pawisan na ako pero hindi ako susuko. sayaw lang vivi. you can do this. bulong ko sa sarili ko. "1 2 3 4 5 6 7- ouch!" leche naman oh. bakit kailangan mainjured pa yung paa ko?! "Vivi!" rinig ko na sigaw ng manager namin. "are you okay?" lumapit siya saakin at tinignan ang paa ko. "ano nangyari?" tanong niya. tinignan ko siya sa mata pero napayuko na lang ako at naiyak.
"hey. vivi, are you okay?" ulit na tanong nya. pero nakayuko pa din ako dahil ang sakit sakit na. hindi dahil masakit ang paa ko, kundi masakit na din kasi maramdaman na wala akong kwenta. naramdaman ko na niyakap na ako ng manager namin. "look vivi, if you can tell me. can you tell me now what's wrong? I might help" rinig kong bulong niya sakin. talaga bang makakatulong siya? ok lang ba talaga sabihin ko? o mas okay na wag ko na siyang idamay pa? ako lang naman may problema. ako lang, sarili ko lang naman ang may problema. Baka ako lang din naman ang makakaayos nito. Mas mabuti na wag ko na lang sabihin diba? "ma'm. ayos lang ako. sobrang sakit lang talaga ng paa ko" pinunasan ko ang luha ko at kumawala sa yakap niya. Tinignan ko siya at ngumiti. "Okay. Just go and sleep already at pumunta ka ng clinic tomorrow para macheck ang paa mo" sabi niya at umalis na. Mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko pero hinayaan nya na lang. "Thank you ma'm!" sigaw ko na sana narinig niya.
Pumunta na ako ng dorm namin na nasa kabilang building lang na paika ika.sana naman walang fans na kumakalat ng ganitong oras noh? lumingon lingon ako at may isang tao ako nakita na tumitingin dito sa direksyon ko pero hinayaan ko na lang.