"Alam mo ba, nagddrive ako papunta sayo dito at iniisip ka. Ano kayang ginawa mo? Sana ok ka lang. Sana hindi ka lang nakahiga diyan sa kama mo. Sana nanonood ka ng basketball, movies, dramas, yung nakakatawa at yung nakakakilig, yung maiinspire ka na pakiligin din ako. Naeexcite ako na makita ka ulit. One week din tayo hindi nagkita? bakit kasi hindi ka sumama? yan tuloy. Hindi mo nakita yung mga dolphin na sumusunod sa bangka namin. Ang gaganda nila. Mag alaga kaya tayo ng dolphin? Nakakatawa dahil ikaw ang naiisip ko habang nagddrive ako. buti nga wala nakakakakita sakin kasi tumatawa ako magisa eh... Alam mo ba ang sasarap din ng pagkain sa Cebu. Lalo na mangga. Diba favorite mo yon? Ito oh dinalhan kita. Kung gusto mo kumain, ayan nandyan lang sa tabi mo. Eat Health Foods okay? Tapos may selfie ako kasama ng unggoy. Papakita ko sayo mamaya. Tapos.. hmmm.. Alam mo ba! may nakita ako magandang simbahan sa cebu. love, don tayo magpakasal ah?..." hinawakan ko ang iyong mga kamay at hinalikan ito. "Love, gising ka na. umaga na oh! hindi ka pa ba babangon?" sabi ko habang tinuturo ang bintana kahit gabi na talaga. tumulo ang aking mga luha habang tinititigan ka sa iyong mga nakapikit na mga mata. ginalaw galaw ko ang napaka haba mong pilik mata. Ako'y napangiti. Napakaswerte ko dahil ikaw naging boyfriend ko. Isa, dalawa, tatlo.. patuloy tuloy na pagpatak ng aking mga luha. "madaya ka. dapat ikaw nagpupunas ng luha ko eh." kinuha ko ang iyong kamay at ito ang pinang punas ko. "ayan. kahit ako naman talaga nagpunas, kamay mo naman gamit ko." sabi ko habang humihikbi na tumatawa.
"Zoé" ako'y napalingon ng biglang bumukas ang pintuan at marinig ang boses ng ate mo. Ako'y tumayo at siya ay sinalubong. Niyakap niya ako ng mahigpit at ako din ay ginawa sakanya ito. "ate bakit naman ganon? one week lang ako nawala. bakit sumuko naman agad yang kapatid nyo?" sabi ko sa ate mo habang siya ay nakayakap saakin. Hindi ko na napigilan na umiyak dito dahil ang sakit talaga sa puso na makita ka nakahiga, walang malay, at puro hospital equipments ang nakakabit sayo. Inalalayan ako ng kapatid mo umupo sa upuan na malapit saiyo. Hindi ko maiwasan na tumingin tingin sayo. Kahit coma, gwapo pa din talaga.
"Ate, pwede pasabi naman sakin ano nangyari. Akala ko okay na siya. Akala ko makakalabas na siya ng hospital. Pero ano nangyari?" tanong ko sa ate mo habang tinitignan kita. Hinahawakan ang iyong buhok at ginalaw galaw ito. "He's the one na nagtanggal ng oxygen sakanya. he said he's okay kaya lumabas muna kami para bumili ng pagkain niya. Pagdating namin, ayan. hindi namin naabutan. Pero buti at magagaling ang doktor. Kaso, nacoma siya. Epekto na din ng pagkabagsak niya sa building. Sabi naman ng doctor, magigising siya dapat ng maybe 1 week? 2 weeks? or baka 1-3 months. if not, he can't say na he will make it." maalumanay na sabi saakin ng ate mo at nakita na may tumulo na luha sakanyang mga mata.
Tumingin ulit ako saiyo at hiniga ang aking ulo sa iyong dibdib, pinakinggan ito. "dug dug. dug dug. dug dug. love.." hinawakan ko ulit ang iyong kamay at minasahe ito. "bakit sumuko ka? sabi ko naman sayo wag kang susuko diba? Hindi ko pa nasasabi sayo ito. I know life is hard, life is unfair but believe me, hangga't hindi ka sumusuko, makikita mo ang kagandahan ng buhay." binitawan ko ang iyong mga kamay at lumingon saiyo. Tinitigan na naman ang iyong napakaanghel na mukha. Inangat ko ang aking ulo at ikaw ay hinalikan sa iyong noo. "Gising ka na. Hindi kita hahalikan sa lips kapag hindi ka gumising. Bahala ka dyan."
Nagstay ako sa iyong tabi hanggang sa ako ay makatulog sa upuan. Hindi kita iniwan don hanggang mag umaga. Nagising ako na ganon ka pa din. Nakapikit pero hindi binibitawan ang mga kamay ko na nakahawak sayo mula gabi. Nung mag tanghali na, Pumunta ako sa grocery at bumili ng mga prutas. Bumili din ako ng mga alak dahil alam ko na paborito mo ito. Baka magising ka kapag narinig mo ang bote ng alak. Bumili din ako ng mga balloons para idesign sa kwarto mo sa hospital. Time flies, paulit ulit na iyon ang ginagawa ko. Kapag nabulok ang mga prutas at pumutok ang lobo, bibili ng bago. Nagiwan din ako ng sticky notes sa kwarto. 'gising ka na? yey! congrats love!', 'eto oh. pagkain, kain ka na love!', 'walwalan na tayo!'
Nagiikot ako sa mall para bumili ng mga tshirt mo. 2 months na, hindi ka pa din nagigising. Napatingin ako sa isang shop doon. Hindi naman sa atat pero pumasok ako dito at umikot.
"hello mam! engagement ring po ba hanap niyo?" tanong saakin ng saleslady. tumango ako.
"ito po mam. maganda yan! pero hindi ba dapat lalaki bumibili neto? nako mam! bakit naman kayo?" tanong nito. Napangiti ako.
"wala. baliktad na mundo ngayon. Ako na magppopropose don." sabi ko at tumawa ng mahina. Tinignan ko ang singsing na itinuro niya at tinignan ang kamay ko. Inimagine ko yung time na hinahawakan mo ang kamay ko at yung oras na tinitignan mo kung gaano kalaki ang kamay mo saakin. Binili ko ang singsing na alam ko na magugustuhan mo at lumabas ng shop na nakangiti. Alam ko naman gigising at gigising ka. I know you can do it.
Pumunta agad ako sa hospital at pumasok sa room mo. Kinuha ko ang singsing na nasa bag ko at hinawakan ang iyong kamay. Napangiti ako dahil ito ay halatang lalaki na lalaki na kamay. "Love, will you marry me?" sabi ko at tinitigan ka at hindi namalayan ako'y lumuluha na. Sinuot ko ang singsing saiyong daliri na dahan dahan. "wag kang susuko pls" ako'y tumayo at hinalikan ka sa iyong mga labi.
Last day of the month came up. Mag three months na pero hindi ka pa din gising. Kinakabahan ako kaya pumunta ako sa chapel ng hospital.
Lumuhod ako sa pinakaunahan at tumingin sa krus.
"God. I'm thankful for giving me this man. I'm very thankful that I met him. But please, wag niyo naman po kaagad kunin sakin ito? I still want him to enjoy his life. Ang daming challenges na napunta sakanya. Nalagpasan naman nya iyon eh. I know he still want to survive. Its just, pagod na siya eh. Pero I know, he still can do it. He can still be strong. I know ikaw God, andyan ka lang para sakanya. also I promise, nandito lang din ako para sakanya. Hinding hindi ko siya iiwan. Till death do us part."Tumayo ako sa aking pagkaluhod ng biglang tumunog ang phone na nasa bulsa ko. Lumabas ang pangalan ng ate ng boyfriend ko kaya sinagot ko kaagad ito.
"Love" ako'y napahagulgol sa narinig ko. kilalang kilala ko ang boses mo. Tumingin ako kay God. "Lakas namin talaga sayo. Thank you" At ako'y tumakbo na papunta sayo. Pagpunta na pagpunta ko sayo, niyakap kita ng mahigpit. "Thank you Love, Thank you for not giving up."