Promise
Sa wakas, ito na ang pinakahinihintay namin. Unti unti kami naglalakad papunta stage. Nagsisitayuan ang aking mga balahibo habang ako'y nakikinig sa inyong mga sigawan at tilian. Mabilis na tumatakbo ang aking puso, sa wakas. makikita ko na din kayo. "LOONA! LOONA! LOONA! LOONA!" sigaw niyo at ako'y napangiti dahil sabay sabay niyo na pagbigkas dito. Hanggang sa hindi ko namalayan, nasa harap ko na kayo. Ako'y napanganga dahil hindi ko inaasahan ang napakadaming tao. Binigay ko ang aking ngiti at kumaway sainyo hanggang sa makarinig ako ng mga tao na sumisigaw ng pangalan ko. Sa dami dami ng sumisigaw sa aming pangalan, isang boses ang nakakuha ng aking pansin, at ito ang boses mo. "VIVI!!!! ANG GANDA MO VIVI!!! TONGUEINA NOTICE ME!!! VIVI SARANGHAE!!!!" hinanap hanap ko ang boses na ito hanggang sa mahanap ko ang mga mata mo. Nakita ko kung gaano ka nagulat at mapaiyak ng makita kita. Ako'y napatawa at binigay ang pinaka best na ngiti ko. Lumapit ako sayo at inabot ko sayo ang aking mga kamay. Ako'y napangiti ng hawakan mo din ito. Yon ang una. Ang unang pagtatagpo ng ating mga mata at ang pagkakapit mo saakin. Hindi ko alam na pagkatapos ng araw na ito ang magiging simula ng aking pangako para sa mga taong humahanga at nagmamahal saakin, katulad mo.
Dumaan ang araw na hindi ko na ulit kayo nakita. Ang ginagawa ko na lang ay nagpopost ako sa instagram para malaman nyo ang nangyayari saamin. Sa libo libong naglalike at nagcocomment dito, alam ko isa ka doon. Inisa isa ko ang mga komento ng iba't ibang tao dito. Yung iba positibo, pero hindi din naman mawawala ang negatibo. Iniisip ko na lang, wala akong pakielam kung ano isipin ng iba basta alam ko may mga taong nagtitiwala at magtitiwala pa din sa katulad ko, at kayo iyon. Nagpost ako ng isang picture sa instagram, ako'y nagpapasalamat at sana makita ko na ulit kayo. Kung sinasabi nyo saamin na kami ang idol niyo, kayo naman ang dahilan kung bakit hindi kami sumusuko.Makalipas ng ilang buwan ng pagaasikaso sa mga variety shows, radios, music videos, album, comeback stages, dumating ang araw na pinakahinihintay ko. Pagkababa namin sa aming sasakyan, nandyan na naman kayo at tinataas ang mga banners na ginawa niyo. Hinanap ko na naman ang iyong mga mata at ako'y napangiti ng makita ka sa bandang gitna. Atleast, maipapakita ko ang ginawa ko para saiyo. Sa dami ng nakapila para sa fansigning, hindi ako napapagod lalo't na iniisip ko na alam ko dadating ka sa harapan ko. At yon na nga, ikaw ay mabilis na pumunta sa harap ko. "Omyghad Vivi!" sabi mo. pinakita mo ang album na binili mo at tinuro mo kung saan ako magsasign. Ako'y napangiti sayo. Tinanong ko ang pangalan mo at sinagot mo ito ng maliksi at nakangiti. Kinuwento mo saakin kung paano mo ako nahangaan, ako'y nakinig sayo hanggang sa ilang minuto na lang ay kailangan mo ng umalis. Kinuha ko ang papel na nasa bag ko at binigay sayo ito. Nilabas ko ang banner na nakalagay na
"For you. ako naman ang magbibigay sayo"Letter for you:
"Minsan iniisip ko ang sarili ko na nasa stage. Ewan ko pero, bakit pati mga kapalpakan ko minsan, minahal mo. Do I deserve that love? Lagi mo ko hinihintay at hinahanap mo ko kung nasaan ako. Sa paggawa mo nyan, feeling ko niyayakap mo na din ako. Hindi kita makakalimutan. Kahit may oras na hindi ko masabi ang gusto ko, I want to say sorry and to say that I love you. If kaya ko, yayakapin kita, hahawakan ko ang kamay mo at ibibigay ko sayo lahat ang makakaya ko. Minsan alam ko, it seems like you were crying even though you were smiling. My heart ached for you. Ang ayaw ko lang, I couldn't even comfort you saying that it will get better and it will be forgotten. Sana alam mo din na thankful ako sa pagcecelebrate ng birthday ko, sa mga salita na binibigay mo saakin na alam kong nagpapasaya saakin tuwing malungkot ako. Gusto ko din malaman mo na kahit napakahirap na, masakit na at hindi ko na kaya. kakayanin ko para sayo. Aakyat at aakyat ako sa stage para sayo. I promise you"Binasa mo agad ito at nakita ko tumulo ang luha mula sa mga mata mo. Niyakap kita ng mahigpit at doon, natupad ang wish ko na mayakap ka at masabi na
"Thank you"
○○○