Chapter 2

11 0 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa grounds kasi balak kong tumulong sa Blind Date Booth. I don't know why pero feel ko lang talagang tumulong ngayon kasi bored na ako sa room tapos sa library naman ganun parin kaso may mga estudyante din. Hindi pa ako nakakarating sa Blind Date Booth nang mag-announce ang Jail Booth ng mga ipapahuli nila.

"Para sa jail booth, lahat ng naka-backpack!" may isang in-charge sa jail booth ang nag-announce sa mic kaya bigla akong napatingin sa mga balikat at may nakita akong strap ng backpack ko kaya dali-dali kong hinulog sa sahig yung bag at di ko na tinignan kung malinis o madumi ba yung sahig.

"Miss sa'yo ba itong bag?" tanong sakin nung lalakeng nasa tabi ko, sasagot na sano ako ng oo kaso napansin ko yung damit nya, color black tapos naalala ko na ang color coding para sa jail booth ay black kaya sabi ko hindi.

"Yung totoo miss?" tanong nya ulit sakin pero umiling lang ako at napatango nalang din sya. Akala ko makaka-hinga na ako ng maluwag pero hindi pa pala! Nakita kong naglakad sya papalayo sakin at eto pa, dala-dala nya yung bag ko. Sinundan ko sya at pumasok sya sa room kung nasaan yung jail booth pinatong nya yung bag ko dun sa isang tabi kung saan marami ring mga bag, siguro nakuha rin nila yun dahil nga dun sa mga ayaw pahuli.

"Hello!" napabalikwas ako sa pagkakasilip mula sa pintuan sa narinig kong boses-ang lalim ng boses nya. 

"Shocks! Patay na!" sabi ko sa isip ko at dahan-dahang lumingon.

"T-teka! Ikaw yung nanghila sakin sa likod ng clinic dati diba?" sabi ko ng makalingon na ako sakanya

"Ako nga. So ikaw yon? Wow! You looked different." sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Oh boy. Don't look at me like that cause I might melt.

"Huh? What do you mean?" tanong ko sakanya

"So what are you doing here?" tanong nya pabalik sakin

"Wait lang ha, ako naunang nagtanong eh-" pagrereklamo ko sakanya pero pinutol nya ako sa pagsasalita

"Nope. This is my place so you should be the one to answer first."

"Your place?" I asked him sarcastically

"Yep. This is our building and THIS is our room." pag-eexplain nya sakin habang tinuturo yung room kung saan ako naka-silip kanina. 

"Uh-oh I'm dead."

"O-okay. Yung bag ko kasi nandun sa loob"I stuttered while pointing my bag inside their room

"Ah. Wait" sagot nya sakin habang tumatango at nagsimula na syang maglakad papasok sa room nila. Sinilip ko kung ano yung ginawa nya at kinausap nya yung lalakeng kumuha ng bag ko at kinuha nya na rin yung bag ko kung saan nakalagay pagkatapos non nakita ko silang nag-fist bump.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon