DALAWAMPU'T WALO
Inilagay ko ang kandila sa puntod ni Phoebe and sat beside it. Hinawakan ko ang pangalan na nakaukit dito and smiled sadly. I tried brushing my tears pero bumabalik lang din ito.
"Baby.." I muttered as my heartbeat raced. Apat na taon na mula ng mawala si Phoebe but the pain is still there, pakiramdam ko nga ay mas dumaragdag pa sa bawat araw na dumadaan. If there only one consolation I have, that is Stanley. Ang anak ko na lamang ang tanging nakakapagpasaya sa akin. We became each other's rocks. Kumapit kami sa isa't isa noong mga panahon na naging mahirap pakawalan ang alaala ni Phoebe.
"Tatay.." ngumiti si Stanley sa akin at umupo sa tabi ko. He is nine years old na. And he really looks exactly like me, pasensya na lang Phoebe. But those gray eyes, nakuha niya sa ina niya. Whenever I look at Stan, I am always reminded of her. Kaya siguro hanggang ngayon, siya pa rin.
"Marami pa akong assignments Tay. Hindi pa ba tayo uuwi? Kanina ka pa nakatambay diyan kay Nanay.Baka magsawa na si Sweetheart sayo." He pouted. Tumawa ako at ginulo ang buhok nito. Tinitigan lang niya ako bago ngumisi at tumakbo na papasok sa kotse.
Kami na lang dalawa ang nasa mansyon. Ali is now on US habang si Xavier naman ay may sarili ng condo at doon na tumutuloy. Alexa is already married and my parents are on their sixth honeymoon now.
Kaagad kumuha si Stanley ng pinggan at pinaghain niya ako. I took the rice at sabay na kaming umupo. He grinned while watching his favorite anime, Fairytail.
"Tay.. bakit ang gwapo ko?" tanong nito habang naghuhugas ng pinggan. Tinitigan ko siya bago siya binasa ng tubig.
"Asa ka Tol. Mas gwapo ako sayo." Sagot ko. Ngumisi lang ito bago umiling.
"Alam mo Tay, magsalamin ka na. Ang labo na ng mata mo eh. Baka sapukin ka ni Nanay para magising ka. Lakas mo kasing managinip. " Tukso nito bago ako tinalikuran at kinuha na niya ang bag niya. Umakyat na ito sa kwarto niya para gawin na ang homeworks niya. I sighed and scanned the whole place. I feel so empty.
It has been four years but I never tried dating anyone else. Si Stanley at ang trabaho ko lang ang bumubuhay sa akin, especially now that I am the new CEO of the whole empire of the Montreal's.
I took my attaché case and started working when Stan entered the library. Kipkip nito sa tenga niya ang handphone.
"Tay, si Tita Chloe tumatawag."inabot nito sa akin ang phone. I took it and answered my cousin's call.
"Chloe.."
"Kuya! Kuya Colton can't go to my launching, I need someone to escort my star model, pwede ka ba?" she hastily said at halos wala na akong maintindihan. Napaoo na lang ako dahil mahirap tanggihan ang bratinellang katulad ng pinsan ko. Manang mana talaga siya kay Auntie Hannah.
Nagpaalam muna ako kay Stan at pumayag naman ito. Hinatid ko muna siya sa bahay nila Uncle Andrei para mabantayan. Auntie Ericka greeted me at nakipaglaro na agad kay Stanley. Umalis na ako para iescort ang pinsan ko. Nasa parking lot na ako ng hotel when something bumped the edge of my car.
"WHAT THE FVCK!" I screamed. Agad akong lumabas and looked at my now perfectly damaged Audi R8. My headlights were smashed at natupi ang kotse ko. Lumapit ako sa kotseng nakabangga sa likod ng sa akin and was about to knock when the driver stepped outside.
BINABASA MO ANG
Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)
General Fiction||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan. When she was in Germany, she met a man whose lifestyle is beyond average. Tall and gorgeously handso...