LABINGANIM
Ace's Notes:
Mga tao, on-going po ang VxV. Ang The Sweetest Lie ang on-hold because of revisions. May mga scenes kasi akong papalitan but the flow will still be the same. Thank you. Sa mga nagPM sa akin at labis ang pag-aalala kay Sandro at Phoebe dahil baka maon-hold sila, no need to worry po. Mahaba pa po ang kwento na ito, probably my longest, aside from TFS. So, thank you sa inyo friends.
BTW I really had fun reading your comments sa previous chapter. But no, no one got the correct answer about his past. READ THIS IF YOU ARE TOO CURIOUS: THE TITLE HAS THE CLUE. Then again, salamat.
Nagmamahal kay Stanley-chos
-Ace
***
Stan popped his head at ngumiti sa akin. "Sweetheart, niluto ko yung isang canton sa kitchen. Yung yellow." He smiled at me at kumunot ang noo ko.
"Akala ko ba ayaw mo ng yellow na canton? Bakit mo niluto?"
"Hindi naman ako yung kakain eh. Si Manong. Papadala ko sana sayo sa trabaho niya." Sagot nito sa akin sabay nguso. Kumunot ang noo ko then smiled fondly at my son. I sighed dahil napapalapit na si Stanley sa ama, not that I have a problem with that. Maganda ngang magkalapit sila. Ayaw kong maranasan ni Stanley kung paano lumaki ng malayo sa ama. But I am still afraid Sandro will mess things up between the three of us. He has the tendencies to do so.
"Pinapapunta mo ako kay Manong Sandro?" I clarified. Kinagat nito ang labi niya bago tumango.
"Opo sana Sweetheart. Kaso hindi na kita masasamahan kasi sabi ni Tito Xavier tuturuan niya daw akong magbasa tsaka magsulat. Papahiramin din daw niya ako ng libro." Sagot nito sa akin. Ginulo ko ang buhok nito bago tumango. I sat para magkapantay kaming dalawa.
"Bakit mo ba siya gustong padalhan ng canton ha? Uy.." tukso ko dito. Nalukot ang mukha niya bago ako tiningnan ng matalim. I held him in arm's length bago ngumiti at hinimas ang buhok niya.
"Pasensya ka na ha Stan? Kung noong una pa lang sana, pinakilala na kita kay Sandro, sana lumaki ka ng may tatay--"
"Ayos lang yun Sweetheart. Kahit kailan naman hindi ako magagalit sayo! Promise." Tinaas pa nito ang kamay niya bago ngumiti ng malapad. I tried blinking the tears away bago ito pinapunta na kay Xavier para mag-aral magbasa. Ako naman ay nagbihis na para mapuntahan at mabigay kay Sandro ang niluto ni Stanley para dito.
Mabilis akong nakarating sa building dahil ipinahiram ni Allison sa akin ang sasakyan niya. Minsan, hindi ko mapigilang hindi mapangiti kapag naiisip ko ang mga kapatid ni Sandro. Alexa and Ali were both lively and energetic. Xavier on the other hand is quiet pero approachable naman, parang si Daddy Xander. But Sandro is of different case. Kung hindi lang sila magkamukha ni Daddy at hindi sinabi ni Alexa na kambal sila, hindi ako maniniwalang parte siya ng pamilya nila. He is too ruthless. Too dominant. Possessive din siya at bossy. Lagi rin siyang nakasigaw sa lahat at parating aburido.
BINABASA MO ANG
Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)
Fiksi Umum||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan. When she was in Germany, she met a man whose lifestyle is beyond average. Tall and gorgeously handso...