Mitch Pov
"Hoy tyanak umalis ka nga ang init" Sabi ko sabay tulak sa tyanak na sumisiksik saakin
"Ayaw >3<" Rinig ko
Idinilat ko ang mata ko saka tumingin sa katabi ko.Nakasiksik talaga sya saaakin,as in.Para namang kikidnapin sya eh.
"Umusog ka babangon nako" Inaantok na sabi ko
Imbis na umusog ay mabilis syang umupo
"GOOOODD MOOORRNIIIINGGG!!!!"
Napatakip ako ng tenga at gulat na nakatingin sakanya
Sisirain nya ata yung eardrums kooo!!!
"Tayo na tayooo.Sabay tayo mag toothbrush"
Hindi pa ako nakakasagot nang hinila nya na ako papuntang banyo
"Saan ba talaga yung saakin dito?" Tanong nya
Taena..anong ibig sabihin nun kahit ano ginagamit nya dyan?
"Itong blue" sabi ko at binigay sakanya
Kinuha ko yung saakin at nilagyan ng toothpaste,ganun din sakanya.
"Brush brush brush 3x a day"
Kanta lang sya ng kanta habang nag hihilamos kami.Nang matapos ay niligpit ko na ang kama at nag luto
Kung itatanong nyo kung nasaan sya..ayun nanonood ng mr.bean habang yakap si kimi.Pagkatapos kong mag luto ay tinawag ko na sya.
"Mitch saakin ba itl--"
"Oo.Itlog mo yan" Putol ko sa sinabi nya pero may na realize ako
"Wtf?" Bulong ko
Tumingin naman sya saakin
"Kumain na,wala ng mag tatanong" Sabi ko
Napanguso naman sya saka kumain ng tahimik
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang plato at naligo.
Bigla akong nakarinig ng kalabog mula sa labas kaya nag taka ako
"Key anong ginagawa mo? Ayos kalang ba jan?" Tanong ko
"Yup yup!" Rinig ko
Pinagpatuloy ko nalang ang pagligo at nang matapos ay lumabas na ako
O_O
"KINGINA?! ANONG GINAGAWA MONG GAGO KA?!" Gulat na sigaw ko
"CHITAE GANDA LALAKEEE AWOOO!! AWOOOO!!"
Napanganga ako nang makita ang soot nya.Tangina nakabahag lang sya!
"KEEEYYYYYYY!!!!!"
"PODOOOO! NANDYAAN NA ANG MGA MANDIRIGMA! KAILANGAN NATIN MAG TAGO! AWOO!! AWOO!!"
Tumalon sya mula sa pag kakalambitin sa taas at gumulong papuntang sofa
"Podo nanjaan na yung pinakatarantado nating kalaban! Humanda kana!"
"KEEYY TUMIG---"
"BENG! BENG! BENG! PODO YUNG BOMBA AKIN NA! BOOOOGGGSHHHH!!! PIYUW PIYUW PIYUW NANJAAN NA ANG MGA EROPLANO! PODO MAG TAGO KA ULIT BAKA MAMATAY KA! BOOOOOOOGGGSHHHHHH!!! "
"ANAK NG?! HINDI KA TITIGI---"
"WAAAHHH PODO YUNG MGA SUNDALO NANJAN NA NARIRINIG KO NA SILA!" Sigaw nya kay podo na takot na takot na sakanya saka tinapat ang tenga sa lapag
"AWOO!! AWOO!!"
"KEYYY MANANAHIMIK KA O PAPATULUGIN KITA SA LABAS MAMAYA?!" Malakas na sigaw ko
Napahinto naman ito at mabilis na gumapang saakin kaya napaatras ako.Kumapit sya sa paa ko at umiyak
"Waahhh sorry na mitch huhuhuhu (ಥ_ಥ)" Sabi nya habang nakakapit sa paa ko at nakayuko
Napahilot ako sa noo.
"Tumayo ka na jan" Sabi ko
"N-no *sob* papatulugin mo ako sa l-labas huhuhu (ಥ_ಥ)"
"Tatayo ka o tuluyan kang matutulog sa labas" Tanong ko
Mabilis naman itong tumayo at niyakap ako
Wtf? Naka twalya pa ako!
"Salamat mitch tarantado ka talaga hihihi (^・^)" Sabi nya sabay talon sa kama at niyakap si kimi
(ー_ー)!!
Napa hilot ulit ako sa noo.Tangna mahihimatay ata ako
Pumunta na ako sa wardrobe at nag bihis.Saktong paglabas ko ay may nag door bell.Tumayo si key at palabas na sana sa kwarto pero sumigaw ako
"Key ako na!"
Malay ko bang sino yan at kidnapin nalang tong..argh wala.Nauna ako sakanya at naramdaman ko syang nakasunod saakin.Nakahawak pa sya sa laylayan ng damit ko
"Behave ka lang okay?" Sabi ko
"aye aye!"
Pag bukas ko ng pinto
O_O
Wtf?! bakit ngayon pa?!
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)
HumorHave you heard the "Aburakatiktik syndrome?" Pwes kung hindi pa basahin mo ang storyang ito. Paano kung isang araw makita mo nalang ang boyfriend mo na naka "Train to busan" pose at hindi makagalaw? Ang sabi ng doktor tatagal ang pagiging abno nya n...