Mitch Pov
"Phew~"
Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at bahagyang gumalaw.
Peste kasi tong buhay nato eh!
"Huy!" Napatingin ako kay cha
"Buhay ka pa jan?" Natatawang bulong nya
Punong puno ang bus kaya heto kami ngayon nakatayo.Kingina.Sabi kasi ni key susunduin nya ako pero hindi naman sya dumating kaya eto kami halos mamatay matay na sa loob ng bus.
"Malamang,ikaw yata patay kana jan eh hahaha" Bulong ko din
May tao kasi na nasa gitna namin Dedbol na sya kingina hahaha chaarr tulog si ateng.
"Pak--"
Hindi na natuloy yung sasabihin nya nang biglang mag headbang si atenglalu~
Napasinghap ako sabay kagat ng labi.Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang pagtawa.Ang epic kasi ng muka ni cha hahaha parang natatae ang bruha.
"Pfft~Ehem!" Sabi ko at tumingin kay cha na natatawa din
~~~~~~
"Babye mitch!!" Sigaw nya habang kumakaway
Kumaway ako pabalik at sumigaw ng "Mag pasagasa ka ah!" Pinakyuhan naman ako ng bruha kaya natawa ako.
Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang 18th floor.Nang makarating sa condo,binuksan ko kaagad ang pinto.
"Key!" Sigaw ko pero walang sumasagot
Si key nga pala ang boyfriend ko.Dapat mag a-apartment lang ako kaso mapilit sya kaya ayan sa condo nya ako nakatira.
"Nasaan ka?" Tanong ko at sinara ang pinto pero muntik ko ng mahagis ang hawak kong bag nang makita si key sa likod ng pinto.
"Gago to nagulat ako! Ano bang ginagawa mo jan?! At anong kabaliwan yan? Nanood ka ba ng train to busan at ganyan ang ayos mo? O lumabas sa t.v yung zombie saka ka kinagat? Oww kawawa naman ay boyfie ko~Kinagat sya ng zombie" Sabi ko at tumawa
Pero nag taka ako nang hindi man lang sya nag salita o gumalaw.
Naka zombie pose sya,yung parang sa train to busan.Nakatirik yung mata at yung kamay ay nasa ulo.
"Huy! anyare sayo?" Natatawang tanong ko at lumapit sakanya
Inalog ko sya pero wala parin.
"Oy di nakakatuwa ah!" Sabi ko
"Key!" Sigaw ko at inalog alog sya
"Anak ng?!" Tarantang sabi ko at hinila sya palabas
Hindi ko naman sya kayang buhatin kaya kinaladlkad ko nalang.
~~
Hospital
"Ayos na ba sya dok? Bakit nagka ganyan sya?" Nag aalalang tanong ko
"Ehem! Sa pag kakaalam ko isa itong sakit na nagngangalang Aburakatiktik Syndrome" Sabi nya
Napakunot ako ng noo.Meron ba nun?
"Huh?"
"Nabasa ko ito mula sa libro na nakita ko sa baol ng gurang kong lola--i mean ng Lola ko.Ito ay panandaliang sakit na dadapo sa isang tao" Sabi nya
"Panandalian? Mga ilang araw dok?" Tanong ko
"Hmm nung nag kaganyan kasi yung lola ko mga 2 taon syang naging isip bata.Para syang baliw nun kasi ang tanda nya na tapos ang isip bata nya ft. bobobobs"
Dapak?! Panandalian lang pala ang 2 taon! Ginagago yata ako ng doktor nato eh! Pasakan ko kaya ng anestisya ang bibig neto at malaman nya ang pag kakaiba ng matagal sa panandalian lang.
"Pero mga 2-3 months lang naman ang sakanya dahil nag papak sya ng 2 plastik ng betsin,isang pack ng pinaghalong asin at asukal at 4 na magic sarap"
Napanganga naman ako sa sinabi nya.
Mababaliw yata ako!
"Pinagtitripan mo ba ako?" Tanong ko
Napatingin ako kay Key na nakahiga sa kama.Naka zombie pose pa rin sya.
"Pfft ehem!"
Napatingin ako kay dok na nagpipigil ng tawa habang nakatingin kay Key.Sinamaan ko sya ng tingin kaya nanahimik ito.
Tumingin ulit ako kay key at tumitig.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pfft~HAHAHAHA! King ina kapag ikaw gumaling aasarin kita gago hahahha!" Sabi ko
Masama na ba akong gelpren nito? Pinagtatawanan ko yung boypren kong may sakit daw na "Aburakatiktik Syndrome"
Sira ulo yata tong doktor nato daming alam.Sa tanang buhay ko hindi ko pa narinig yang kemerut na yan kaloka!
Ano kayang mangyayari saamin sa susunod na araw?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)
HumorHave you heard the "Aburakatiktik syndrome?" Pwes kung hindi pa basahin mo ang storyang ito. Paano kung isang araw makita mo nalang ang boyfriend mo na naka "Train to busan" pose at hindi makagalaw? Ang sabi ng doktor tatagal ang pagiging abno nya n...