Guilt (pasilip)

6 0 0
                                    

Nagtakbuhan ang lahat palabas ng bar dahil sa isang pagsabog na nang galing sa kusina nito.

"Fran! We need to get out of here!" Sabi ni Jerome at hinila na ko.

"Teka si Josephine!" Sabi ko habang kinakain ako ng takot ko, Pilit kong kumalas sa pag kakahawak sakin ni Jerome at bumalik sa loob ng bar.

"Fran!" Rinig kong sigaw ng kaibigan.

Dere deretso akong pumasok sa isang VIP room ng bar alam kong andun si Josephine.
Wala na kong makita sa kapal ng usok at sumabay pa ang pag hapdi ng mata ko dahil sa usok.

"Josephine!" Sigaw ko at pumasok sa VIP room. Dahan dahan akong naglakad at pinakiramdaman ang paligid.

"Josephine? Andito ka ba?"

"Fran? Ikaw ba yan?" Sabi ng mahinang tinig pero alam kong si Josephine yun. Narinig ko ang sunod sunod na pag ubo niya at nakita ko siyang nakaupo sa isang gilid at nanghihina. Agad ko siyang tinulungan tumayo.

"Thank God andito ka" sabi ni Josephine sakin habang akay akay ko siya palabas ng bar.

"Of course babalikan kita kahit ikamatay ko pa" Sagot ko.

"Leche sa ganitong sitwayon ka talaga nambobola Francesca wala ka ng piniling oras!" Sabi niya at hinamapas ang braso ko.

"Aba maka Francesca ka siyan Jose Abcedo Jr. Ang sabihin mo kinikilig kang bakla ka"

"Ewan sayo tomboy!"
"Mahal ka naman" sabi ko sabay kindat.

Naririnig ko na ang crack sa ibabaw namin panigurado ay babagsak na din ang kisame anumang oras .

Kaya maski may pagkamabigat ang bakla ay binuhat ko siya pa bridal style.
Iba talaga ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya  tumataas ang adrenaline ko. Di ko alam kung anong nagustuhan ko sa pabebeng baklang to.

"Huy Fran bat may pabuhat ka pa" sabi niya at nagtangkang pumiglas.

"Wag kang malikot ihuhulog kita,  Paheels heels ka pa kasi di mo naman kayang tumakbo. Sabi ko naman kasi sayo walang kwenta yung boyfriend mo kita mo inuna pa niyang ligtas sarili niya kesa sayo" Litanya ko sa kanya
***

Josephine POV

Natahimik lang ako sa sinabing yun ni Fran. Well kasi totoo naman pinabayaan ako ng jowa ko.

Hanggang sa makalabas kami ay wala ng umimik saming dalawa. Kung tutuosin nakakahiya sa kanya.

"Babe!" Agad na lumapit si Jason sakin ng maibaba ako ni Fran mula sa pagkakabuhat niya sakin. Niyakap niya ko ng mahigpit.

"I'm so worried about you"

Yeah right worried mong mukha mo!
Nilalapatan na ko ng paunang lunas dahil sa mga galos ko sa paa ng biglang magkagulo sa kabilang van.

"Fran dude! Gising!"

Teka boses ni Jerome yun ah. Napatakbo ako sa kabilang van at nakita ko si Fran na walang malay.
Lalapit sana ko sa kanya ng bigla na lang may humila sakin.

"Wag ka ng makisali dyan" Utos ni Jason at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Agad na isinugod sa ospital si Fran. Di man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.
Kundi dahil sakin di yun mangyayari sa kanya I feel so guilty at ang sakit sa dibdib.

My Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon